SMUC: Chapter 11

3.9K 119 5
                                    

SMUC : Chapter 11

Cyril’s POV

RING!!! Malakas na ring ng cellphone ko. Sumasakit ang sintido ko at ang buong ulo ko. Ano bang nangyari? Kinapa ko ang cellphone ko na panay ang kaka-ring. Sinagot ko ito ng hindi nagmumulat ng mata.

“What?!” sigaw na tanong ko.

“Where the hell are you?!” pigil-inis na anas ng nasa kabilang linya.

Kahit hindi ako magmulat, alam kong si Tyler ko ‘yon. Napabalikwas ako ng bangon pero nauntog ang noo ko. “Aray!!” sigaw ko.

“What happened?” tanong ng nasa kabilang linya.

Tiningnan ko ang posisyon ko. Ang kalahati ng katawan ko ay nasa ilalim ng kama ko, habang ang mga paa ko ay nasa labas. Gumapang ako para makalabas. Napahawak ako sa noo ko habang naka-upo. Ang sakit non! Tumayo ako at nakita ko ang iba’t ibang posisyon ng mga kaibigan ko. Habang sila, komportableng natutulog sa aking kama, ako naman nandito sa matigas na sahig. Nauntog pa ako.

Napatingin ang mata ko sa orasan. Nanlaki ang mata ko dahil doon. Nilagay ko sa tenga ko ang cellphone.

“Hello?” untag ko.

“Tss. I’ll see you here. Bilisan mo at naiinip ako,” masungit na anas niya saka binabaan ako ng phone.

Napatingin ako sa screen ng phone ko. Napalabi ako dahil ang sungit-sungit niya talaga sa’kin. Isa-isang nagsitayuan ang mga kasama ko. Sinamaan ko sila ng tingin at pumamewang sa kanila.

“Woi mga bruha kayo!” sigaw ko sa kanila.

“Ano ba naman Cyril Cruz, kaumaga-umaga, nakabusangot ka. Magpasalamat ka muna sa diyos na gumising ka pa!” inis na anas ni Sandra sa akin habang paunat-unat siya.

Na-guilty naman ako sa sinabi niya saka sinabi sa isip ko na.. Thank you po Lord sa panibagong umaga.

“Alam niyo ba kung anong oras na?!” nakapamewang na anas ko.

Tumingin sila sa orasan at isa-isang nagsitayuan.

“Oh ngayon nagmamadali kayo! Sinabi ko na sa inyo, ayokong gumimik dahil may pasok pa tayo. Tignan mo nangyari ngayon, na late tayo ng gising!” singhal ko sa kanila.

Napatingin naman sila sa isa’t isa at saka mataman na tiningnan ako.

“Alam mo bang sobrang aga natin nakauwi kagabi?” nagsusuring sabi ni Anica sa akin. “Alas-onse palang nandito na tayo sa bahay mo,” matalas na matang dagdag niya pa sa akin.

Napakunot naman ang noo ko. Lumapit naman sa akin si Sandra habang hindi nawawala ang pagkakatitig sa akin.

“Alam mo ba kung anong pinag-gagawa mo kagabi, hah?!” singhal sa akin ni Sandra ng makalapit.

Napalunok ako. Meron ba akong ginawa?

“A-Anong p-pinagsasabi ninyo?” nauutal na tanong ko.

“Ayun! Walang maalala,” mapait na anas ni Anica sa akin.

Sheet! May ginawa ba ako? Pero ano naman? Wala akong maalala. Halos mapasimangot ako ng unti-unting bumabalik sa akin ang mga ginawa ko. Nagising ako kagabi pero blurred ang nakikita ko. May nakita akong baso na akala ko tubig, nilagok ko ‘yon. Medyo nasarapan ako, kaya tinungga ko pa ang isang bote ng alak doon. Pinipigilan ako ni Carlo pero hindi ako nagpapigil. Sinabi kong, “Hayaan mo ako! Maglalabas ako ng sama ng loob!” pigil ko. Nilagok ko ang laman ng bote. Medyo tinamaan na ako, alam ko. Bigla akong nag-iiyak, hindi alam ni Carlo kung paano ako patahanin.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Where stories live. Discover now