SMUC: Chapter 2

5.3K 149 5
                                    

SMUC : Chapter two

 Cyril’s POV

 NANDITO kami ngayon sa loob ng cafeteria at kumakain. Pinagmamasdan ko lang ang mga panghaharot ni Dhine sa Tyler ko. Hindi ko mapapayagan na mapasaiyo si Tyler, bruhang Dhine! I will do everything. EVERYTHING!

         “Cyril Cruz, pwede mag share.” anas ni Sandra sa akin. Ibinigay ko sa kaniya ang hawak kong hamburger.

         Binatukan niya ako ng bahagya, “Gaga hindi naman pagkain ang ibig kong sabihin!” sabi niya sa akin. Natawa naman si Anica sa ginawa ni Sandra. Napanguso ako sa kanila. Hindi ko na alam ang mga pinag-uusapan nila dahil busy ako kakamatyag kina Dhine at Tyler ko.

         “Lutang na naman!” tawang-tawa na anas ni Anica sa akin.

         “Ano ba?”

         “Ang ibig kong sabihin Cyril Cruz, ano ang iniisip mo, pwede mo i-share sa’min.” paliwanang ni Sandra sa akin. “Grabe, akala ko kay Katty lang tayo dapat mag-explain, nahawa na rin pala ‘tong si Cyril Cruz!” iritadong sabi ni Sandra. Pinaiiral na naman niya ang kamalditahan niya.

         “Po?” walang muwang na anas ni Katty. Nginitian lang namin siya. Para siyang bata na kinakain ang spaghetti niya.

         “Ano na?” maangas na sabi ni Anica.

         “I will do everything to win his heart,” seryosong sabi ko sa kanila.

         “Everything? As in everything?!” balik-tanong ni Sandra. Tumango ako, “OMG!” hiyaw niya bigla.

         “What?” tanong namin ni Anica sa kaniya.

         “My gosh Cyril Cruz, don’t do that.” Nagmamakaawang anas niya.

         “Do what?” kunot-noong tanong ko.

         “You will give your virginity? My gosh. Di ka na ba namin mapipigilan?” tuloy-tuloy na anas niya. Sabi naman sa inyo, open minded siya in everything. Minsan nga lang napapa-exaggerated.

         “Gaga! Virginity agad?!” pigil-inis na anas ni Anica sa kaniya, “Ikaw naman, magpaliwanag ka ng maayos, alam mo naman na ako lang matino mag-isip dito.” Tuloy-tuloy na anas ni Anica.

         Napa ‘Weh!’ naman ang dalawa sa kaniya.

         “Seriously guys. I’ll do everything to win his heart,” anas ko. Hindi ko alam kung nagsasawa na sila sa mga sinasabi ko, pero seryoso ako. Gagawin ko lahat para lang mapasakin si Tyler ko.

         “Paano nga? Lalapitan mo siya lagi? Susuyuin mo siya? Girl. Sorry to tell you this, pero babae ka. Kung gusto ka niya, dati pa sana niligawan ka na niya,” tuloy-tuloy na anas ni Anica. May pagka-prangka si Anica minsan and it hurts.

         “Waaaahh!” ngawa ko sa kanila. Nag-iyak-iyakan ako sa harapan nila. Hindi naman nila alam kung ano ang gagawin nila. Hinagod-hagod ako sa likod ni Katty habang bigay naman ng bigay ng tissue si Sandra sa akin, “What Am I going to do? I want him,” kunyaring umiiyak na anas ko.

         “Edi layuan niyo po siya, para malaman niya po ang worth niyo,” anas bigla ni Katty. Napatingin kaming tatlo sa kaniya at saka kami nagkakatinginan bigla. Parang may naisip kami na plano.

         Ilang years ko ng hinahabol si Tyler ko. At sa mga years na ‘yon, ako talaga ang nanliligaw sa kaniya. Binibigyan ko siya ng regalo kahit wala namang okasyon. Binibigyan ko siya ng mga love letters kahit hindi naman valentines. Ako pa nga ang sumusundo sa kaniya minsan eh. Pero maraming beses na rin niya akong tinanggihan. Wala pang araw na hindi ko siya pinapansin. Wala pang araw na hindi ko siya minahal. Araw-araw akong baliw sa kaniya.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin