SMUC: Chapter 16

3.8K 121 9
                                    

SMUC: Chapter 16

Cyril’s POV

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa ginawa ni Tyler. Baka naman, hindi niya narinig ang mga pinag-usapan namin. Baka naman, umalis lang siya dahil magkikita ulit sila ni Dhine. Baka naman, may importante siyang gagawin. Baka naman, may practice siya ng basket? Pero isa sa mga players si Carlo kaya malayo yun. Baka naman, uuwi na siya dahil maaga siya bukas? Baka naman?

Ano pa ba ang mga posibleng dahilan? Wala naman kasi akong maisip na ibang dahilan. Hindi naman siguro siya nagselos ‘di ba? Ayoko na maging assuming dahil paniguradong masasaktan lang ako. Ano ba dapat ang isipin ko?

“Cyril are you okay?” tanong ni Carlo.

“Ha? Ahh. Yeah,” nasagot ko nalang kay Carlo.

Hindi nila dapat mahalata na apektado ako sa ginawa ni Tyler. Nagku-kwentuhan pa sila. Nakikisali naman ako, pero madalas na tahimik lang ako. Hindi ko alam, pero mukhang na-badtrip ako na umalis si Tyler. Akala ko pa naman, makakasama ko siyang uminom kahit ngayong gabi lang.

Ala-una na ng madaling araw no’ng matapos kami. Unang natumba si Katty dahil hindi naman siya malakas uminom. Bangag na rin sina Anica at Sandra at hindi na sila makatayo dahil sa sobrang kalasingan.

Ako na ang naghatid kina Carlo sa labas.

“Mag-iingat kayo,” anas ko. Hindi naman ako nalasing, kasi hindi naman ako talaga uminom.

“Thank you,” nakangiting anas ni Carlo. Halata naman na nakainom na siya dahil namumula na ang buong mukha niya. Pero presentable pa naman siya at mukhang maayos pa naman mag-isip. Ang guwapo pa rin niya. Nginitian ko rin siya, “Can I hug you?” tanong ni Carlo.

“Ahhh? Ehhh.. Why?” nauutal na tanong ko. Ang sweet kasi ng pagkakasabi niya.

“Because you made my day. I’m really happy,” sweet na sagot niya.

Grabe, kung ibang babae lang ang makakarinig sa kanya, malamang na nagkandirit na ang mga ‘to sa kakakilig. Pero wala talaga akong maramdaman sa kanya. Tama siya, kailangan ko buksan ang puso ko. Mabuting tao si Carlo.

“Sure,” nakangiting sagot ko.

Marahan niya akong inilapit  sa kanya at saka niyakap. Hindi naman ganoon kahigpit ang yakap niya, pero nararamdaman ko pa rin ang tibok ng puso niya. Napakabilis. Nararamdaman ko ang sinseridad ng yakap niya. Napakatototo ni Carlo. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng iba sa kanya ngayon. Komportable ako sa yakap niya. Niyakap ko rin siya pabalik. Siya na ang kusang kumalas sa yakap namin at saka ako ginawaran ng napakatamis niyang ngiti.

“Thank you,” nakangiting anas niya.

“Not a problem,” nakangiting sagot ko.

“Aalis na kami, ihahatid ko pa ang tatlo,” anas ni Carlo. Napatingin ako sa loob ng kotse niya at tulog na ang mga pinsan niya.

“Sige, mag-iingat kayo.” Sagot ko.

Sumakay na sa kotse niya si Carlo at saka minaniobra yun paalis.  Nasundan ko pa ng tingin ang papalayong kotse ni Carlo. Napabuntong-hininga ako. Ngayon, nakahanda na akong ibaling kay Carlo ang nararamdaman ko. Alam kong hindi ako nagkamali sa kanya.

“Tss,” singhal ng isang boses.

Bigla akong kinabahan. Tumambol ng mabilis ang aking puso. Para akong may hinahabol na kung ano. Kilala ko ang boses na ‘yon. Dahan-dahan akong lumingon at nanlaki ang aking singkit na mata. It’s really him! Natulala ako sa kanya.

“You-re still here,” naanas ko. Hindi ko alam kung masaya ako o malungkot ako. Pero halos mapiyok ako ng sambitin ko ‘yon. Eto na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Nagliliparan na naman sila. Tuwang-tuwa sila na makita si Tyler.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat