SMUC: Chapter 25

4.3K 131 1
                                    

SMUC: Chapter 25

Cyril’s POV

Nanginginig ako. Hindi ko alam pero punong-puno na ng hinanakit ang buong pagkatao ko ngayon. Gusto kong mailabas ang sakit na nararamdaman ko. Wala na akong pakialam kahit humagulgol ako. Nilapitan ako ni mommy, at niyayakap pero lumayo ako sa kanya.

“Tell me the truth mom!” sigaw ko kay mom.

Naiiyak na rin si mommy dahil sa nakikitang lungkot sa akin. Para akong bata na nanghihingi ng candy. All this time, pinagmukha nila akong tanga! Sila ba ang tinutukoy ni Sandra ng sabihin niya sa akin na ang mga taong dapat kong kamuhian ay ang mga taong totoong nanloko sa akin.

“Baby, calm down.” Umiiyak na anas ni mom. Paano ko magagawang huminahon? Wala akong alam! Wala akong maalala! Hindi ko alam ang buong katotohanan!

“Mom, dad, please. Please tell me the truth,” madiin na usal ko sa kanila. Nararamdaman ko na ang pamumula ang aking buong mukha. Biglang dumating si Martin sa kalagitnaan ng sitwasyon.

Napaawang ang bibig niya. Kunot ang noo niya at marahil ay nagtataka kung anong nangyayari? Isa rin ba siya sa mga nanloko sa’kin? Hinarap ko siya ng may galit sa mukha. Ito ang unang beses na makikita niya akong ganito.

“Kiss, what’s wrong?” anas niya saka lumalapit sa akin.

“Stay away from me!” sigaw ko kaya napahinto siya. “Please. I’m begging you, tell me the truth.” Anas ko. Nakita ni Martin ang hawak kong picture sabay kinuha ito. Tiningnan niya ito.

Tumingin siya sa mommy and daddy ko.

“Tita, Tito, she needs to know the truth.” Anas ni Martin. Makikita mo ang lungkot sa mga mata ni Martin. May kutob ako na maging siya ay nagsinungaling sa akin.

Nagpunta kami sa sala. Umupo kami at titig na titig lang ako sa kanilang tatlo. Bumuntong-hininga si mom.

“Sa Pilipinas tayo nakatira no’n kasama ako at ang lola mo. Ang daddy mo naman mina-manage ang business natin dito sa America. May kaibigan ka no’n si Zel at si Martin.” Anas ni mom. Kaya pala kilala ako ni Zel. Tahimik naman si Martin at nakikinig din.“Ang lola mo ang palagi mong kasama no’n. May isang batang lalaki daw ang nagpakilala sa’yo pero hindi mo daw siya gusto. Hanggang magdalaga ka hindi mo pa rin siya gusto. That man tried to seduce you so many times pero baliwala siya sa’yo. Until one day, nagkaro’n tayo ng party, your lola invited him.” Anas ni mom. Natutuwa pero umiiyak pa si mommy habang inaalala ang nangyari no’n.

“Nagkaroon ng isang game at nanalo siya. Pero may parusa, isang kiss. He kissed you on the cheek. Ang akala ko no’n hindi ka talaga magkakagusto sa kaniya pero inamin mo daw sa lola mo na gusto mo na siya. Patuloy pa rin siya sa pagsuyo sa’yo, knowing that you’re already in love with him.” Anas ni mom..

Umiyak si mom sa hindi ko malamang dahilan. Hinagod ni daddy ang likod ni mommy dahil umiyak ito ng umiyak. Pero kinalma ni mommy ang sarili niya.

“Pero kailangan namin kayo paglayuin dahil nagkasakit ka. You suffered from a serious illness. Brain cancer. Nagka-tumor ka sa ulo. Nanghina ka ng husto, hindi ko na alam ang gagawin sa’yo. Naging malungkot ka, wala kang kinakausap. But Tyler helped you. Palagi ka niya no’n binibisita sa bahay at no’ng birthday mo. Dinala ka niya sa amusement park. Palagi ka niya dinadala don para makalimutan mong may sakit ka,” anas ni mom.

Naramdaman ko na naman ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Kaya pala ganoon nalang ang naramdaman ko ng pumunta kami ni Carlo sa amusement park.

Tyler gave his best. Tyler gave his whole life for you. Pero kailangan ka naming dalhin sa America noon. Nakita ko ang sakit sa mga mata mo at ni Tyler nung gabing maghiwalay kayo. Hindi kayo payag, ayaw niyong mawalay sa isa’t isa. Pero pumayag na din siya dahil kailangan mong maoperahan. You made a promise, na pagkatapos ng operasyon mo at kapag malakas kana. Babalik sa lugar na lagi niyong pinupuntahan,”

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Where stories live. Discover now