SMUC: Chapter 22

3.5K 100 1
                                    

SMUC: Chaper 22

Cyril's POV

Pumasok ako kinabukasan at nagtataka ang mga kaibigan ko sa akin. Umuwi ako kagabi at sinabing gusto kong mapag-isa. Hinayaan naman nila ako. Umupo ako sa aking upuan at nakatulala lang. May lakas pa ba akong magsalita? Pipilitin ko. Napabuntong-hininga ako. Nakatingin lang ang mga kaibigan ko sa akin. Nararamdaman ko.

Alam kong nagtataka sila kung bakit naging ganito ako. Walang naglakas loob na magsalita sa kanila. Hindi ako umiyak kagabi. Mas ginusto kong maging tulala kesa umiyak. Masasaktan lang ako lalo.

Nagsimula ang klase. Nakikinig ako pero hindi ako naging aktibo. Lunch time na.

"CC, let's eat." Anas ni Anica sa akin.

Tumayo ako at sumunod sa kanila. Pero ng pababa na kami ng hagdan ay nakita ko si Tyler. Eto na naman ang sakit. Bumabalik na naman sa'kin ang mga nakita ko kagabi. Para mapigilan ang sarili ko ay patakbo akong pumunta sa parking lot. Sinundan ako ng mga kasama ko pero madali akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot yon paalis.

Hindi ko alam kung saan ang pupuntahan ko. Nag-drive lang ako. Nakarating ako sa isang ‘di pamilyar ng lugar. Bumaba ako ng kotse ko. Pinagmasdan ko ang paligid. Naiiyak ako habang pinagmamasdan ang buong lugar. Parang may iba sa lugar na ito na hindi ko maintindihan. Naglakad ako, sumisimoy ang hangin. Napakabango at nakapasarap nito. Nakakatulong ito para pagaanin ang aking pakiramdam.

Umupo ako sa damuhan. Inihilig ko ang ulo ko sa puno. Ang sarap lang matulog dito. Kinakalma ako ng kapaligiran.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Tiningnan ko ang cellphone ko. Ang daming tawag at text messages ng mga kaibigan ko. Pilit na naman sumiksik sa pagkatao ko ang sakit na idinulot ni Tyler.

Naiiyak na naman ako. Malungkot ako dahil ginawa ko na ang lahat pero ang lalaking gusto ko ay walang pakialam sa akin. Ano pa bang kulang? Maganda naman ako. Mayaman naman ako. Famous naman ako sa school tulad niya. Matalino naman ako at higit sa lahat, mahal na mahal ko naman siya. Pero bakit walang epekto ang mga ginawa kong pangse-seduce sa kaniya?

Gusto ng tumulo ng luha ko dahil sa sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Maraming beses na akong napahiya. Maraming beses na rin akong gustong huminto. Pero bakit hanggang ngayon gusto ko pa rin siya? Bakit hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya? Napahimalamos ako sa sarili kong mukha. Napakasakit ng ginawa niya sa akin. Pinaglaruan at ginago niya ako. Pero bakit napakatraydor nitong puso ko? Bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya?

Ano pa bang kulang? Walang sagot. Tanging hampas lang ng mga damo ang naririnig ko. Katulad ng palaging ginagawa ni Tyler, ang tumahimik at yon ang mas masakit.

“What are you doing here?” tanong ng isang boses. Bigla akong dinagundong ng kaba. Kilala ko ang boses niya. Walang iba kundi ang lalaking gusto ko. Si Tyler.

Napaangat ako ng tingin at hindi nga ako nagkamali. Siya nga. Nakita ko na naman ang guwapo at perperkto niyang mukha. Napakaperpekto niyang tingnan para sa akin. Pero kahit anong kaperpektuhan ang tingin ko, hindi ko pa rin maitatago na masama siyang tao. He’s a player and a user. I pity myself.

Tumayo ako, pero sobrang tangkad niya. Halos hanggang dibdib niya lang ako. Heto na naman ang pakiramdam ko, para na naman akong nahyp-hypnotize sa kaniya.

“H’wag mo akong tingnan,” seryosong sabi niya. Lagi nalang siyang ganito sa akin. Cold. Very cold. “Who gave you the permission to go here?” malamig na tanong niya.

Wala akong mahanap na sagot. Pero parang dinala lang ako ng puso ko dito. Hindi ko naman inakala na makikita ko siya dito. Pero anong karapatan niyang magalit sa akin? Ako ang galit sa kanya. Sinaktan niya ako!

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें