SMUC: Chapter 1

8.2K 156 8
                                    

SMUC : Chapter one

Cyril’s POV

  NASA loob ako ng aming classroom ngayon at hinihintay ko ang aking tatlong kaibigan. Lagi naman akong nauuna sa kanila dahil kailangan ko ding dumating ng maaga dito sa school, dahil sa mga obligasyon ko dito at syempre, para makita na rin ng maaga ang aking ultimate crush. 

     “CC!!” malakas na sigaw ng isang babae kaya napatingin ako sa kaniya. Walang iba kundi ang maganda pero rakista na si Anica.

        Mukha siyang masaya at kinikilig. Ano na naman kaya ang nangyari sa babaing ‘to?

        “CC!!” sigaw niya ulit sa palayaw ko ng makalapit sa akin.

        “Bakit ba?” iritadong tanong ko sa kaniya.

        “Si..”

        “Cyril Cruz!!” sigaw ulit ng isang babae sa buong pangalan ko. Lumapit din ito sa akin.

        “Bakit?” iritadong tanong ko ulit. Ano bang meron sa dalawang babaing ‘to? Mataray ko silang tiningnan. “Kalma lang girls. Mukha kayong mga ibon na hindi maka-itlog,” anas ko sa kanila.

        Inirapan nila akong dalawa. Umupo si Anica sa upuan sa may kanan, habang umupo naman si Sandra sa may kaliwang upuan. Si Anica Briones ay naging kaibigan ko na simula first year high school, kaaway ko pa nga siya noon pero naging magkaibigan na rin kami ng binigyan ko siya ng candy. Habang ang babae naman sa kaliwa ko ay si Sandra Sibal, kikay naman siya. Maayos siya sa kaniyang sarili at higit sa lahat open minded sa lahat ng bagay.

        “Bakit ba girls?” tanong ko sa kanila.

        “Ako na magsasabi,”

        “Hindi ako na,”

        “Hindi ako na,” pigil ni Sandra kay Anica. Ilang minuto akong nagpapalit-palit ng tingin sa kanila. Dahil silang dalawa ang gustong magsabi.

        “Okay tayo nalang dalawa magsabi,” anas ni Anica kay Sandra. Napagpasiyahan nalang nila na magsabay magsalita. Huminga sila ng maluwag.

        “Makikisit-in si kuya Tyler sa’ten ate CC,” biglang sabi ni Katty.

        “Huwaaattt??” malakas na tanong ko kay Katty. Tumango naman sa akin ang parang walang muwang na si Katty.

        Pagkarinig ko noon ay nagpunta kaagad ako sa rest room at nagpaganda. Inayos ko ang aking buhok at naglagay ng konting lipstick. Nagpabango rin ako. Halos ibubod ko na ang lahat ng pabango sa katawan ko.

        Lumabas ako ng rest room at parang humahalimuyak ang bango ko sa lahat. Halos lahat ng lalaki ay sa akin nakatingin. Hindi ko naman kasi maitatanggi na maganda ako at famous sa school na ‘to. Marami ang humahanga sa akin dahil matalino at mabait daw ako. Pumasok ako sa loob ng classroom namin. Umupo ako sa upuan ko.

        Biglang umubo si Katty at sinira ang moment. Tiningnan ko siya ng masama at napatigil sa pag-ubo.

        “Ang bango mo po ate CC,” malumanay na sabi ni Katty. Si Katty Pamintuan. Siya ang pinakabata sa grupo namin. Malumanay kung magsalita pero havey kapag nagpatawa. Siya ang walang muwang sa grupo namin pero maasahan mo naman sa mga ibang bagay.

        Lumakas ang bulungan. Kinikilig na ang mga girls sa classroom namin. Alam na namin kung sino ang pinag-uusapan nila. Walang iba kundi ang aking ultimate crush. Si Tyler Buenavista. Ilang minuto lang ang lumipas at nakita ko na ang pamilayar na bulto niya. Pumasok siya sa loob ng classroom at mga mata ay nakatuon lang sa kaniya. Napaka-guwapo niya. Napakaperpekto ng mukha at katawan niya. Dumagdag pa ang height niya. Ang karisma niya ay umaapaw talaga.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Where stories live. Discover now