SMUC: Chapter 20

3.8K 104 8
                                    

SMUC: Chapter 20

Cyril’s POV

Napapalunok na ako dahil papalapit siya ng papalapit sa akin. Ano bang gagawin ni Tyler dito? Akala ko naman ay uuwi na siya pagkatapos akong maihatid. Aatras pa sana ako, pero mabilis niya akong hinapit sa bewang. Kaya napalapit ako ng husto sa kanya. Napasinghap ako ng maamoy ko ang bango ng hininga niya.

Napaka-lapit namin sa isa’t isa. Gusto kong lumunok, pero bakit parang napakahirap namang gawin? Halos hindi ko na rin maikurap ang aking mga mata. Para akong nahyp-hypnotize sa malalagkit na tingin ni Tyler sa akin ngayon.

Gusto ko ng halikan niya ako. Nasasabik na ako sa mga labi niyang kay sarap hagkan. Nagliliparan na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko at pumipintig na ng mabilis ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa buong sistema ko pero alam kong gusto na nilang kumawala. Hindi ko alam kung ano ang magiging pakiramdam ko.

Hinawakan ni Tyler ang kamay ko, dumaloy na naman ang kuryente sa mga ugat ko. Si Tyler lang ang nakakagawa nito sa akin.

“Alam mo bang nagseselos ako kapag may ibang lalaking lumalapit at nagpapapansin sa’yo?” anas ni Tyler. Napaka-sexy na ng boses niya. Grabe, nakakapanghina ng tuhod ang sinabi niya.

Gusto kong magkandirit sa kilig. Wala talagang paglagyan ang saya sa puso ko ngayon.

“Ayaw na ayaw kong lumalapit sa’yo si Carlo.” Mas husky voice na anas niya.

Gusto ko ng matumba dahil sa panginginig ng mga tuhod ko. Palapit ng palapit ang labi niya sa labi ko.

“Ako lang ang dapat mong magustuhan,” anas niya saka pinagdampi ang mga labi namin. Pero mabilis din niya ‘yong inilayo. Ano ba naman yan! Paasa! Nasasabik na talaga ako sa halik niya. Bakit ba ang tagal? Bakit hindi pa niya ako halikan? “Ako lang ang magugustuhan mo, Cyril.” Anas niya sa akin saka pinagdampi ulit ang mga labi namin.

“Oo,” sagot ko sa pagitan ng paghahalikan namin.

Nakakalasing ang halik niya. Nangangatog na talaga ang mga tuhod ko. Pero bigla niyang pinaghiwalay ang mga labi namin at bahagyang pinaglayo ang aming mga katawan. Nakakainis! Paasa talaga! Ako ba ang nangse-seduce dito o siya? Mas magaling siyang mang-seduce kesa sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, kinuha ko ang mukha niya at ako na ang kusang humalik sa kanya. Tinugon naman niya ang halik ko pero natigil kami sa paghahalikan ng kagatin niya ng mariin ang aking labi.

Gusto ko na namang mapahiyaw sa sakit!

“Bakit mo na naman ba kinagat?!” inis na anas ko sa kanya.

“Parusa mo yan dahil nakipag-usap ka sa ibang lalaki na wala ako,” seryosong anas niya.

“Pero tapos na ang game,” anas ko sa kanya.

Tumahimik lang siya at walang balak na sumagot. Pero deep inside kinikilig talaga ako, kahit masakit siyang mangagat. Ganito pala magselos ang isang Tyler Buenavista. Sa kanya pa mismo nanggaling na nagseselos siya. Napakasarap sa pakiramdam na binabakuran niya ako.   

“Matulog kana, maaga pa tayo bukas para sa meeting,” seryosong anas niya. Ayan na naman ang poker face niyang mukha. Bakit ba ganito siya kabilis magbago ng ekspresyon? Seryoso na naman ang mukha niya at wala na naman akong mabasa sa mga mata niya.

Lumabas siya ng kwarto ko at napanguso ako. Pero pagkalabas niya, tumalon ako sa kama ko at ipit na ipit na nagsusumigaw do’n. Kinikilig talaga ako. Napahawak ako sa aking labi, masakit man ang kagat niya pero nangingibabaw talaga ng sarap ng halik niya. Gusto ko palagi niya akong hinahalikan at niyayakap.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن