SMUC: Chapter 23

3.6K 106 2
                                    

SMUC: Chapter 23

Cyril’s POV

HINDI ko namalayan na nakatulog na pala ako. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nagulat pa ako sa aking nakita. Nakangiti siya sa akin at napakaamo ng mukha niya. Bigla akong naiyak at niyakap siya. Humagulgol ako sa dibdib niya. Niyakap niya rin ako pabalik, hinayaan niya akong umiyak ng umiyak. Hinahagod din niya ang aking likod at parang sa ganoong paraan ay kumakalma ang pakiramdam ko.

Namiss ko siya at mas lalo ko siyang namiss ngayon na nakikita ko na siya.
Ako na ang kusang kumalas sa yakap namin. Kinuha niya ang kanyang panyo at saka pinunasan ang mga mata ko.

Napakasweet talaga ni Martin. My best friend. Umuwi pa talaga siya dito sa Pilipinas para sa akin. Maasahan ko naman talaga siya. Inilagay niya ang kamay niya sa ulo ko saka niya ginulo ang buhok. Kababata ko si Martin, at madalas niyang gawin ang bagay na yon. Pero may iba ng si Tyler ang gumawa nun kagabi. Iba sa pakiramdam. Pero marahil ay nasanay nalang ako kay Martin.

"Kanina ka pa diyan?" Tanong ko.

"Hindi naman. Ang bait mo talaga pag tulog," anas niya. Palagi siyang nakangiti sa akin. Palagi syang masaya kapag nakikita ko siya.

Hinampas ko siya sa braso. Napa ouch naman siya sa akin. Napagpasiyahan naming maglakad-lakad. Mabuti nalang at tinanggal na nila ang mga nakakabit na kung ano-ano sa akin. Umupo kami sa isang bench don. Halos ang mga nurses at ibang tao dito sa ospital ay napapatingin kay Martin. Napakaguwapo naman kasi talaga niya. Kilala na namin ang isa't isa.

"Nagtatampo ako sayo," biglang anas niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hindi mo man lang sinabi sa akin na may kinababaliwan ka ng lalaki dito," anas niya saka tiningnan ako. Naramdaman ko ang lungkot niya.

"Sorry kiss," anas ko.

Ngumiti siya sa akin saka niya nilagay ang kamay niya sa ulo ko at pinaggugulo ang buhok ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Tumawa siya ng malakas sa akin. Ako ang palaging pikon kapag magkasama kami, pero hindi naman siya sumobra kahit kailan. Kapag nagkatampuhan, kahit na ako ang may kasalanan siya pa rin ang kusang lalapit at susuyo sa akin. No’ng nasa America ako, ang buong akala nila ay boyfriend ko siya kasi nga palagi kami nakadikit sa isa’t isa. Marami na kami kalokohang ginawa.

He’s the best, best friend.

“Magkwento ka nga,” anas niya.

“About saan?” tanong ko.

“About kay Tyler,” anas niya.

Bumuntong hininga ako pero nagkwento pa rin naman ako. Kinuwento ko sa kanya ang lahat. As in lahat na lahat. Walang labis, walang kulang. Napapangiti siya minsan at minsan naman ay napapailing-iling dahil sa mga kabaliwan ko. Pero alam kong naiitindihan niya ako. Lagi naman niya akong iniitindi.

“What are your plans now?” tanong niya sa akin.

Umiling ako, “I don’t know.”

“Bumalik ka nalang ng America,” anas niya sa akin.

“Gusto ko man, pero hindi ko naman kayang iwan ang mga kaibigan ko dito. Pamilya ko na din sila,” anas ko.

“They can visit you there,” pangungumbinsi ni Martin.

Ito ang unang beses na pinilit ako ni Martin. Madalas kasi ay ako ang nasusunod, madalas ako ang pinapakinggan niya. Ayaw niya rin noon na pumunta ako dito sa Pilipinas, ayaw niya rin na dito ako tumira. Nagkatampuhan pa kami noon dahil nga, ayaw niyang dito ako mag-aral. Pero sa bandang huli ay pumayag din siya.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ