SMUC: Chapter 8

4.3K 110 1
                                    

SMUC : Chapter eight

Cyril’s POV

NASA loob na ako ng classroom namin. Wala pa naman ang aming guro pero ang mga kaibigan kong tsimakers nandito na. Napanguso ako sa kanila. Maging sila ay nag-iisip kung ano ang pwede naming gawin para hindi matuloy ang naisip ni Tyler. Matinding pakiusapan na ang ginawa ko kanina sa kaniya, pero hindi ako umubra.

        Nakakainis siya! Kung kailan gusto ko na siyang makalimutan, doon siya lumalapit sa’kin. Ang dami namang babae diyan na gustong maging alalay niya, bakit ako pa? Natanong ko iyon kanina sa kaniya, ang tanging sagot niya lang ay…

        “Bagay naman sa’yo ang pagiging alalay. H’wag ka nang magpapilit dahil alam ko namang gustong-gusto mo ‘to.” Nakangising sagot niya.

        Nagulo ko ang aking sariling buhok. Sinisira niya ang diskarte ko! Pano pa’ko magmu-move-on nito? Waaaahhh!

        “Anong problema ni Tyler?” tanging nasambit ni Anica. Maging siya ay hindi alam kung ano ang gagawin.

        “I have an idea!” biglang sigaw ni Sandra sa amin. Napatingin kaming tatlo sa kaniya.

        “Ano?!” sabay-sabay na usal namin.

        “Matalino ka Cyril Cruz. Kaya mong gumawa ng research mag-isa. ‘Yon ang sabihin mo kay Miss,” sabi ni Sandra. Napangiti kaming tatlo sa sinabi niya. Tama si Sandra.

        “Sheet ang talino, Sandra!” anas ni Anica kay Sandra saka pinagmamasahe ito sa balikat.

        “Ako pa!” mayabang na anas niya.

        Tama si Sandra. Dumating na ang pamilyar na bulto ni Tyler. Ayan na naman ang mga babaing nagkakandarapa na mapansin niya. Hindi ko siya pinansin at mas lalong hindi ko na pinansin pa ang mga mahaharot na babae dito sa classroom namin. Ilang minuto pa ang hinintay namin bago dumating ang guro namin. Hindi kami magle-lesson ngayon, dahil pwede namin i-consult sa kaniya ang mga nagawa naming research. I stand corrected, their research pala. Sa Friday na kasi ang reporting kaya kailangan ng matingnan ito ni Miss.

        Isa-isang lumapit ang mga magkaka-grupo at sinabi ni Miss ang mga dapat pa nila gawin. Nakita kong tumayo na si Tyler kaya sumunod ako sa kanya. Lumapit kami sa mesa ni Miss. Tiningnan ni Miss ang ginawang research ni Tyler.

        “It’s complete,” nakangiting anas ni Miss matapos kalkalin ang paper works na ginawa ni Tyler. Syempre, si Tyler pa. Eh kilalang matalino siya. “Magaling talaga kayong dalawa,” anas ni Miss sa amin. “Tama na ‘tong ginawa niyo. Mas pag-aralan niyo nalang para magawa niyo ng maayos ang report niyo sa Friday,” nakangiting sabi ni Miss.

        Paalis na si Tyler pero napahinto siya dahil, “Miss, I have something to tell you.”

        “What is that Ms. Cruz?” nakangiting tanong ni Miss.

        Hindi ko na tiningnan pa si Tyler dahil baka magbago pa ang isip ko, “Can I make my own research?” tanong ko na ikinaawang ng bibig niya.

        “But why? You were done with your research. Ang dapat niyo nalang gawin ay mag-prepare for the report on Friday,” sabi ni Miss.

        “I mean, I can do it alone. I can make my own research. I can do a better report on Friday. Just please Miss, allow me to do my own project.” Pakiusap ko kay Miss.

        Napabuntong-hininga si Miss at nag-isip. I think, papayag siya. Actually 50-50 ang nararamdaman ko ngayon. May part sa pagkatao ko na sana pumayag si Miss, pero may part din sa akin na sana h’wag siya pumayag. Nakakainis naman kasi.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Onde histórias criam vida. Descubra agora