SMUC: Chapter 21

3.7K 98 1
                                    

SMUC: Chapter 21

Cyril's POV

 Mabilis na natapos ang mga araw at holloween party na namin. Alam kong naghanda ang lahat para dito sa party. Ang mga kaibigan ko'y bigay na bigay sa mg costumes nila. Nakasuot ng pang Cinderella si Katty, si Anica naman ay demonyita style habang si Sandra naman ay nakapang-darna. Nude natalaga.

 Nagkakasiyahan na sila dito sa party. Nagparticipate naman ang lahat. Nakasuot silang lahat ng mga kani-kaniyang costumes. Nagsasayawan na ang iba sa dance floor, habang ang iba naman ay nilalantakan ang mga pagkain.

 Habang ako, nakatunganga sa bukana ng party. Hindi pa kasi nahagip ng paningin ko si Tyler. Nasaan naman kaya siya? Bakit wala pa siya? Maaga akong dumating dahil buong akala ko ay maaga siya. Pero hanggang ngayon, wala pa siya.

 "Woi bruha! Mag-enjoy ka naman!" Anas ni Anica sa akin. Habang umiinom at nagsasalita ay sumasayaw sila.

 "Cyril Cruz, dapat nag swim suit ka nalang para kabog sana. Look at you," anas niya saka pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ang pangit mo! Hindi mo bagay ang vampire, ang bagay sayo, manananggal!" Turan ni Sandra. Natawa naman silang tatlo sa akin. Alam kong nakainom na sila dahil kanina pa nagsimula ang party.

 Hindi pa ako nakakakain. Hindi pa ako nakakainom. Hindi pa ako nakakapagsayaw sa dance floor at mas lalong hindi pa ako nakakapagsaya. Nasaan na ba kasi si Tyler? Umagaw ng atensyon ang bruhang si Dhine pagdating niya. Witch ang napili niyang costume. Bumagay naman sa kanya, dahil mukha talaga siyang mangkukulam.

 Kaagad siyang lumapit sa mga kaibigan niya at naki-party. Nilibot ng paningin ko ang kabuuan ng party. Wala talaga si Tyler. Napakagat ako sa labi ko.

 "Don't bite your lips," anas ng isang boses. Halos mapatalon ako dahil sa gulat.

 Nagliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko at pumintig ng mabilis ang puso ko. Alam na alam ko na ang ganitong pakiramdam pero hindi ko pa rin nakakasanayan.

 Dahil sa tuwa ay bigla ko siyang niyakap.

 "Akala ko hindi ka na darating," nakangiting anas ko. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

 Bigla niyang inilagay ang kamay niya sa ulo ko saka ginulo ang buhok ko. Nakakapanatag ng nagwawalang sistema ang ginawa niya. Ngumiti si Tyler sa akin. Halos lumundag ang puso ko dahil sa pag-ngiti niya. Madalas ko siyang makitang seryoso, galit, tahimik at masungit. At ito ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti. Ngumiti,  sa akin mismo. Napakasaya ko. Nakakataba ng puso ang ngiti niya.

 Bigla niyang inilahad ang kamay niya sa akin na ikinaawang ng bibig ko. Ano ba ito? Puro saya at kilig nalang ang nasa pagkatao ko. Tinanggap ko ang kamay niya. Iginiya niya ako papunta sa dance floor.

 Ang lahat ay nakatingin sa amin. Maraming lalaki ang nag-alok na sumayaw sa akin pero hindi ko sila pinagbigyan, dahil ang gusto kong first dance ay si Tyler. Lahat ng atensyon ay nasa amin. Napakasaya ko. Ako na ang pinakamasayang babae sa mundo.

 Nadako ang tingin ko sa mga kaibigan ko. Balatay sa mga mukha nila ang kilig. Tuwang-tuwa sila sa nakikita nila. Nadako naman ang tingin ko kay Carlo, nakangiti siya sa amin at okay na okay sa kanya ang nakikita niya. Nadako naman ang tingin ko kay Dhine, nakangisi ang bruha. Hindi siya mukhang nagseselos. Inirapan ko siya. Nadako ang tingin ko kay Tyler. Binalatay ako ng hiya ng makita kong titig na titig siya sa akin.

 Kinuha niya ang baba ko at pinagtama ang aming mga mata. Parang huminto ang oras. Parang ang mundo ay nakatuon sa amin.

 "You're so beautiful, Cyril." Husky voice na anas niya. Ang sarap-sarap pakinggan mula sa kanya na maganda ako.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Where stories live. Discover now