Kabanata 1

20.7K 368 15
                                    

KABANATA 1

I love you


Nakipagsiksikan talaga ako papasok ng University Convention Center. Kailangan kong makapunta sa first row. Mabuti na lang talaga at SSC officer ang kaibigan kong si Lucky, nabigyan niya ako ng chance na pumwesto sa harap. Ang SSC kasi ang nag-organize sa event na ito, parte ng foundation day ng school.

"Padaan..." sabi ko habang pilit sumisiksik. Nahuli kasi ako dahil sa part time job ko.

"Excuse me. Padaan."

Hindi ko na pinansin ang mga reklamo ng mga nadadangil ko.

Tumunog ang hawak kong phone. Tumatawag si Lucky. Agad ko naman itong sinagot at nagpalinga-linga kung saan ako pwedeng dumaan. Madilim na kasi dahil kanina pa nagsimula ang event.

"Hello?"

"Nasaan ka na, Santi?" bungad niya.

"Nandito na. Naipit lang sa dami ng tao," sagot ko at muling nag-excuse me.

"Bilisan mo. Patapos na 'tong nagpi-perform. Kampo Juan na ang susunod," pagpapaalam niya.

"Oo. Malapit na ako. Saan ka ba banda?"

"Sa kanan."

"Sige. Sige." Lalo akong naging mapangahas sa pagsuong sa dagat ng mga tao.

Tonight, is the battle of the bands. Representative from the different colleges of the university ang magtatagisan, pero hindi talaga iyon ang pinunta ko rito. Sa katunayan ay kanina pa natapos ang competition. I am here for Kampo Juan, an alumni rockband of this university. Magpe-perform sila.

"Thank you!" sabi ng performer sa stage. Tapos na ito sa solo performance niya.

Sakto namang nakarating na ako sa harapan. Nagpalinga-linga ako, hinanap si Lucky. One of his co-officers saw me kaya siya na mismo nagturo kung nasaan ang kaibigan ko.

"Ang tagal mo," ani Lucky nang makalapit ako.

"Natagalan sa trabaho, eh."

Napuno ng tilian ang buong convention center. Nag-angat ako ng tingin sa stage. Nandoon na nga ang dahilan sa biglaang pagwawala ng mga tao. Nakitili na rin ako. Isa-isang pumwesto ang mga miyembro ng banda pero kulang ng isa. They tested their instrument, hindi pa man sila tumutugtog nagwawala na ang mga tao.

Well, Kampo Juan is a famous local band after all. Marami ang humahanga sa kanila sa galing nilang tumugtog at kumanta, not to mention all of them are handsome. Pero isa lang talaga ang pinaka hinahangaan ko sa kanila, si Juancho Casrojas. He is the lead vocal. I don't know, but the first time I heard and saw him sing nahulog na agad ako sa kanya.

"Juancho!" I screamed at the top of my lungs nang nakita ko siyang lumabas sa stage. The screams and squeals doubled.

"Juancho, I love you!" Halos mangisay na ako sa kilig.

"Day, kalma," tumatawang pigil sa akin ni Lucky.

Nginisihan ko lang siya.

Sinukbit niya ang guitar niyang palaging gamit saka nag-strum.

"Good evening!" bati niya.

Sayang talaga wala akong banner ngayon, gahol na kasi sa oras at marami pang school requirements. Nakontento na lang ako sa pagtili. Natatawa na lang talaga sina Lucky at mga kasama niyang officers sa kabaliwan ko. Baliw na nga yata ako kay Juancho. Who would not? Ngiti pa lang niya makalaglag panty na.

"Kami ang Kampo Juan. Are you all ready to jam?" tanong niya at ngumiti.

Wala na, mahihimatay na ako. Naghiyawan ang mga tao. Tumango-tango siya. He strummed his guitar.

Guard the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon