Kabanata 18

5.6K 134 7
                                    

KABANATA 18

Poster



The darkness slowly fades as the morning comes, subalit kapansin-pansin ang makulimlim na kalangitan. Hindi nga nagtagal ay bumuhos ang mabining ulan. I sighed. I feel a lot better now. Tuluyan na ngang bumaba ang lagnat ko.

Juancho is sleeping peacefully beside me. His hand is on my waist, holding me close and tight. Hindi siguro ako magsasawang pagmasdan siya. I can imagine days waking up beside him. Hay naku, Santina, ibang klase ka na talaga mangarap ngayon pataas nang pataas.

I thought romantic films and books are exaggerated, pero ganito pala talaga. Nakakabaliw pero masaya. It's like nothing can go wrong. Kaya siguro kapag dumating sa punto ng break up, masakit talaga. Hindi mo naman kasi maiisip ang masaktan gayong nag-uumapaw sa saya ang puso mo.

Ayaw ko ng bitawan si Juancho. Mahal na mahal ko na talaga siya. I can already imagine a future with him in just a short span of time. Alam kong masyado pang maaga, but that's how I feel. My thoughts are very ideal, I know, but I can only hope. Siya na at sana talaga hindi magbago ang nararamdaman niya sa akin. I want him to be my first and last, my only one.

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. He instantly found my gaze.

"Bakit hindi mo ako ginising?" he said in his husky voice.

"Matulog ka pa," marahan kong sabi.

He slowly sits up. The back of his palm touched my forehead.

"Wala na akong lagnat."

Pero mukhang hindi naman siya naniniwala. Tumayo siya at kinuha ang thermometer. He put it on my armpit and wait for a few moments. Kinuha niya ang thermometer at tiningnan ang naroon.

"37o Celsius."

"Sabi sa'yo, eh."

He sighed in relief. Parang ngayon pa lang kumalma na nakitang wala na talaga akong lagnat. Umupo siya at kinabig ako sa kanya. Niyakap niya ako.

"Don't make me worry again, Santina."

"Sorry." Iyon lang ang pwede kong sabihin. Hindi ko naman maipapangako na hindi na ako magkakasakit. Mas aalagaan ko na lang siguro ang sarili ko para hindi madaling dapuan ng sakit ulit.

Naghanda siya ng breakfast habang naligo naman ako. May damit na nakahanda sa kama para sa akin. Namula ako nang makita ang isang nude pair of lacy underwear. Kasama nito ang isang asul na cotton shirt at isang pink shorts. Nagbihis ako at nagsuklay ng buhok.

I found him in the kitchen afterwards. Lumapit ako, tiningnan ang niluluto niya. He is frying the pork. Malapit na itong maluto. May bacon at eggs din sa malaking pinggan. May nakaangat pang slice bread sa toaster.

"Maglalagay ako ng pinggan," sabi ko.

"No. Just sit on the chair and I am almost done."

Kumunot ang noo ko. "Tutulungan na kita. Para maglalagay lang ng pinggan."

"Just do as I say. Don't be stubborn."

Aapila pa sana ako pero seryoso talaga siya. Tahimik na lang akong umupo sa highchair. Dito lang kami kakain sa kitchen. Pagkatapos niya sa niluluto ay siya na nga ang naglagay ng utensils. Pinanuod ko lang siya hanggang sa umupo na siya sa tabi ko.

"Kumain ka na," he said after putting a portion of food on my plate.

Ngumuso ako at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at sa plato kong puno ng pagkain.

Guard the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon