Kabanata 50

8.8K 210 14
                                    

KABANATA 50

Fiancé



"Anak, ano't pinagsisibak mo si Juancho? Sinabihan kong hindi naman na kailangan, may gasul naman at marami pang panggatong. Nagpupumilipit, ayaw magpapigil," sabi ni mama nang makababa ako ng hagdan. Nakakunot pa ang noo niya at tila nako-konsume.

Malay ko ba naman kasing tototohanin niya.

"Hayaan niyo na lang po."

"O siya, nasa labas ang anak mo. Ang agang nagising."

"Sige po, pupuntahan ko lang."

Lumabas ako ng bahay. Mataas na ang sikat ng araw. Lalapitan ko na sana si Satheryn na nanunuod sa ama niyang nagsisibak kaya lang nakita ko ang inaanak ko sa kabila. Wala namang bakod kaya tuloy-tuloy lang ako hanggang sa makarating sa kabilang bahay.

"Hi!" bati ko kay Precious. Buhat niya ang kanyang anak na si Jewel at sinasayaw niya.

"Santi, umuwi ka pala."

Magkaklase kami dati. Magka edad lang kami pero tatlo na ang anak niya. Maaga kasing nag-asawa. Ang bunso niya ang inaanak ko. Mag-iisang taon pa lang ito.

"Oo, noong isang araw pa. Sa'n pala kayo galing? Hindi kita no'ng dumating kami."

Inabot ko si Jewel at kinarga. Hindi naman ito umiyak at nakangiti lang. It made me smile. Parang kailan lang ganito pa kaliit si Satheryn ngayon masakit na sa ulo.

"Dumalaw kami sa biyanan ko."

Sinayaw-sayaw ko si Jewel. She keeps on giggling. She's making this cute sound. Nawawala ang mga mata niya kapag ngumingiti. Karga-karga ko lang siya habang nag-uusap kami ni Precious.

"Mommy! That's my mom!" Isang matinis na tili ang nagpalingon sa amin. Nagtatakbo si Satheryn papunta sa direksyon ko, nakasunod naman si Juancho. Sinasaway at baka madapa.

"Mommy!"

Napailing na lang ako at ibinigay si Jewel pabalik sa mama niya. Saktong nakarating si Satheryn sa kinatatayuan ko. Nagpapabuhat din.

"Why did you carry the baby, mommy?" Nakabusangot ito at masama ang tingin sa walang kaalam-alam na baby. May nagtatanong naman na tingin si Juancho.

"Ako lang baby mo!"

"Selosa." I pinched her cheek lightly. Nakaangat pa rin ang kamay niya, pinipilit magpabuhat. She's always like this. Maliit pa lang siya ayaw na ng may binubuhat o pinapansin akong ibang bata. Very territorial.

"Mommy!" she whined.

"Buhatin mo," sabi ko kay Juancho. Pinasadahan ko pa siya ng tingin. I arched one brow. Mabuti na lang at naka tee shirt na siya. But still, his chiseled body is visible even with clothes on. Pawisan na at lahat hindi man lang nabawasan ang kwagapuhan. How unfair.

Bumaling ako kay Precious na nakay Juancho ang mga mata. Hindi ko alam kung dahil pamilyar siya sa kanya o talagang namamangha sa kakisigan nito. Napailing na lang ako.

"A, Pre, si Juancho pala... daddy ni Satheryn," I said, a bit hesitant.

Kitang-kita ko ang pag-awang ng labi niya. Marahil nalilito siya. She knew Als as Satheryn's father, but well, I really don't have to explain.

"Sige, balik na kami," paalam ko.

"Mommy! Carry!" Si Satheryn na umuungot pa rin. Sinusubukan naman siyang buhatin ni Juancho pero tumatanggi ito. Ako talaga ang gustong bumuhat.

"Ayaw. Mommy lang!"

I rolled my eyes.

"Sweetheart, you're heavy, ako na lang bubuhat sa'yo," malambing na sabi ni Juancho.

Guard the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon