Kabanata 39

8K 183 12
                                    

KABANATA 39

Extend



I don't know what has gotten to me. Sa halip na sumakay ng taxi dahil iniwan ko ang kotse ko, naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa nangalay na ang paa ko. Malayo rin ang nilakad ko. Nang makakita ng waiting shed umupo na lang ako roon. I just sat there for five good minutes.

Wala na akong uuwian dahil umalis na ako sa condo ko, ang condo'ng binigay ni Juancho. Hindi pa ako nakakahanap ng lilipatan. Napakiusapan ko naman si Alstheur na sa kanya muna ang mga gamit ko. Hindi naman 'yon karamihan. Ang importante lang ang dinala ko.

Nang makabawi na ng lakas ay tumayo na ako. Doon muna siguro ako kay Als. Nasa QC ang condo niya. Bumukod na kasi siya after graduation.

Pagbaba ko ng jeep maglalakad pa ako. Hindi kasi ako nag-taxi. Nabunggo pa ako nang may lalaking tumatakbo. Snatcher siguro 'yon dahil may babaeng sumisigaw na agad namang sinaklolohan ng mga nakakita. Napaupo ako sa semento.

"Thank you," sabi ko nang tinulungan akong tumayo ng isang binatilyo. Naka uniform pa ito ng sa public school dito.

"Walang ano man po, ate."

Manhid na manhid na ang dalawang paa ko nang makarating sa unit ni Als. Masakit din ang balakang ko dahil siguro sa pagbagsak.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Sinuyod niya ako ng tingin. His eyes slowly widen.

"Santi!"

"O, hindi mo ako papasukin?" Ngumiwi ako nang makaramdam ng kirot sa tiyan.

I felt something sticky drip on my legs. I looked down and realized there was blood!

"A-Als..." frantic kong usal.

Nagkatinginan kaming dalawa. Parehas kaming nagpa-panic na. Hindi malaman ang gagawin.

"Ospital!" aniya.

"H-Huh?"

"Fuck...! Pupunta tayo sa ospital! Shit!"

Iniwan niya ako sa hamba ng pinto. Litong-lito naman ako. Parang may pumipitik sa tiyan ko, napahawak ako roon nang sumidhi ang sakit. I am rooted in place. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Humahangos na bumalik si Alstheur at hinila ako papunta sa elevator. Malalaki ang hakbang niya kaya nahihirapan akong sumabay sa lakad niya. Mura siya nang mura habang dumadaing na ako sa sakit. Namumutla at nanlalamig na ako sa matinding kaba.

He drove me to the hospital. Sinugod ako sa ER. Hindi ko na nasundan ang mga nangyari pagkatapos. Matindi ang pagkabog ng dibdib ko. Nakahawak lang ako sa tiyan ko at iniinda ang sakit.

Tinanong ako ng babaeng doctor kung ano ba'ng ginawa ko bago ako mag-bleeding. Sinabi kong naglakad ako nang mataggal at natumba.

She shook her head. "Don't do it again. Avoid strenuous activities. Hindi pa malakas ang kapit ng bata. You are lucky naagapan pa ang bleeding. For now, take a lot of rest and make sure to see an OB."

"Thank you, doc," sabi ko.

Kahit may hinuha na ako, iba pa rin nang marinig ko mismo sa doctor. I sighed heavily, problemado at magulo ang isip. Si Als naman sa tabi ko ay mukhang shock pa rin.

"Bakla, buntis ka," he pointed out.

Naiiling siya at natawa. Napatingin tuloy ako sa kanya. Tumaas ang kilay ko. Ano'ng nakakatawa?

"Kinaladkad ba naman kita kanina."

Nakakatawa nga pero hindi ko magawang tumawa. Naiiyak ako. Naisip ko agad sina nanay at tatay. Now I understand how my sister feels. Mas matanda ako sa kanya, but I made the same mistake.

Guard the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon