Kabanata 7

6.4K 176 6
                                    

KABANATA 7

I like you


Ang bango-bango niya. Iyon ang paulit-ulit na sinisigaw ng isip ko habang nakayakap sa likod niya. He smells so manly. His scent can make my mind go haywire. Gaya ng sabi niya, kumapit ako ng mahigpit. I sighed dreamily as I feel the cold breeze of the night. Even in my wildest dream I never imagined to be this close to him. Sana hindi na matapos ito.

We found ourselves on the sides of Manila Bay. Nakaupo ako pahalang sa motor niya habang nakahilig naman siya. We just bought cup of coffee, well, siya lang pala. Hindi ako mahilig sa kape. Nag-milk tea na lang ako.

Tanaw naming ang malawak na dagat at ang payapang kalangitan. There is no moon, just few stars illuminating the dark night sky.

"Uhmm... S-salamat pala rito, J-Juancho."

Damn, am I allowed to be this close to him? I know this is just a friendly treat to a fan, pero hindi kaya magalit ang girlfriend niya? He has numerous rumored girlfriends pero hindi ko alam kung sino talaga.

He turned his gaze. "Don't mention it."

"P-pasensya ka na, ha. Kinakabahan kasi ako... Fan na fan mo talaga ako," pag-amin ko.

Tumawa siya at umiling.

Kahit tawa niya ang gwapo!

"Don't be nervous. It's just me." He smiled at nakita ko ang perpekto niyang mga ngipin.

"Anong taon ka na sa college?" tanong niya

"Fourth year."

"Course?"

"Business Ad." Pinaglaruan ko ang straw ng milk tea ko. "Ikaw ba, ano'ng course mo dati?"

"Mechanical Engineering."

Napaawang ang labi ko. Hindi lang gwapo, matalino pa!

"Ang galing naman... so nagtatrabaho ka? I mean as engineer?"

Umiling siya.

"B-bakit?"

"I hate working."

Kumunot ang noo ko. "Eh... hindi ba, trabaho rin ang pagbabanda?"

The side of his lips rose for a half smile. Natulala na naman ako sa ngiti niya.

"It is not work. It's passion."

Kung mataas na ang paghanga ko sa kanya dati, mas pa ngayon. The way he said, it's like he meant it, sincerely and wholehearted. His love for music made me fall for him a little bit more.

"P-pero 'di ba... may discrimination sa field mo? Alam mo na... music... banda-banda... Ayos lang ba sa parents mo?"

Oo, ako na ang feeling close! Chance ko na ito.

"Sorry... ang pakialamera ko, but you don't have to answer," agap ko.

"No... Ayos lang. My mother, she supports me, but my father disagrees. Mas gusto niyang gamitin ko ang degree ko."

Tumango ako at matiim na nakinig na lang. Baka ano na naman maitanong ko. Masyado lang kasi akong natutuwa na kasama ko ngayon ang isang Juancho.

Umihip ang malamig na hangin kaya bahayag akong nanginig. Ang nipis din kasi ng suot kong shirt.

"You're cold."

"Hindi naman."

Nagulat ako nang hinunad niya ang suot na leather jacket at ipinatong sa balikat ko. My lips parted. Hindi ako nakagalaw.

Guard the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon