Kabanata 24

6.6K 171 6
                                    

KABANATA 24

Crush


Nervous and definitely shy, I smiled and wave at the group. I am with the band and their girls, as of the moment. Si Rufus at Dacer ay iba na naman ang dala sa nakita kong kasama nila noong nakaraan. Well, what do you expect from the two playboys?

Nasa lobby kami ng hotel. We are about to check in. We are already here in Subic. Ngayon ang music fest na sinasabi ni Juancho last time. Kanina nga ay bumyahe kami papunta rito. Magulo dahil may humihingi ng picture, selfie o groufie sa banda.

"Hi." She is Chales, girlfriend ni Lourd. I met her before, and she is nice. Katulad ko ay hindi rin siya madalas sumama sa mga gigs nila. Abala kasi sa trabaho at masters niya. She is a sociologist.

"Hello. Mabuti at nakasama ka."

"Oo nga. I am lucky I have no class this weekend."

Natutuwa ako dahil parehas kami, timid and simple. Pero ang kaibahan namin ay galing siya sa may kayang pamilya. Nakakatuwa na kahit ganoon ay masyado siyang humble at mabait. Madalas naming pag-usapan ang iba't ibang babaeng nila Rufus, hindi kasi kami makasabay. Madalas pa na maldita ang mga ito. Well, at least we are the girlfriends while on the other hand, they are just one of the flings.

"May susuotin ka na ba para sa party mamaya?"

"Ha?" Nagulat ako. "May required attire ba? Costume?"

Mahinhin siyang tumawa. Hindi ko naman alam na may ganoon. Wala ring sinabi si Juancho.

"Not really but it's good to belong. Don't worry, akong bahala sa'yo. It's a good thing I brought a lot of extras."

Hindi ko alam kung tatangi ba ako sa offer niya, but I guess, I am left with no choice. We two talked while waiting to settle everything bago magkanya-kanya.

Lumapit si Juancho sa akin. He looked bothered.

"Why? May problema?"

"I think..."

"Anong I think?" Natawa naman ako.

"I am sorry. It's Ogie's fault." Si Ogie ang road manager nila. "He wasn't able to book a separate room for you. Huli na nang sinabi niya, the hotel is fully booked. There's no available room anymore."

I blinked a couple of times. Sinubukan kong intindihan ang sinasabi niya, at problema nga iyon... or not.

"A-ayos lang naman kung share tayo."

Damn! Uminit ang pisngi ko. Ako pa talaga ang nagmungkahi.

"Are you sure, you're okay with it?"

With no choice, I nodded. Saan naman ako matutulog kung aarte pa ako? At ano naman ngayon kung share kami? Damnation. I wanted to stop my thoughts, pero masyado itong persistent. Malawak ang imahinasyon. Ipinilig ko na lang ang ulo ko.

He opened the suite and let me in first. Magara at maluwag ang buong suite. Kasya pa nga ang sampung katao. Iyon nga lang isang bedroom lang. I don't really get why book a grand room when we will just sleep here for one night. But who knows the ways of the rich.

"You hungry?"

I shook my head.

"Anong oras pala magsisimula?"

"5:00 pm but we will play at 9:00 pm."

Alas kwatro pa lang ngayon. Muli kong ginala ang aking paningin. Natutuwa ako at may balcony. I opened the slding door and stepped out. Tanaw mula sa kinatatayuan ko ang malawak na karagatan. Umihip ang hangin kaya napapikit ako at dinama ito.

Guard the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon