Kabanata 13

5.6K 149 2
                                    

KABANATA 13

Get down


Lahat ng mga nadadaanan ko ay natitigil sa ginagawa nila at napapasunod sa akin ng tingin. Hiyang-hiya tuloy ako. Mabibilis ang mga hakbang ko papasok sa kwarto. Pagbukas ko ay napalingon ang tatlo kong roommates. Mga kaibigan ko na rin ang mga roommates ko sa haba ng panahon na pinagsamahan namin. Si Guia ang pinakabago sa amin pero hindi naman madalas naglalagi rito lalo na kapag walang pasok, gaya ngayon.

Humigpit ang hawak ko sa mga bitbit na paper bags. Kung pwede lang ilagay sa sako ang mga ito para hindi nila makita. Namimilog ang mga mata nila.

Ang dami kasi ng pasalubong ni Juancho. Ibinigay niya ang mga ito pagkahatid niya sa akin. Ayoko talagang tanggapin kaso magagalit daw siya. Binili niya raw ito para sa akin. Pinakonsensya pa ako na pinaghirapan niya raw na dalhin ang mga 'to. Hindi naman kasi siya bumili para sa iba o sa sarili niya.

"Oh em gee! Santi!" manghang sabi ni Yanyan, third year na sa kursong Nursing. Tumayo pa siya.

"Nag-shopping ka, girl?" ani Martha, fourth year Engineering student. Manghang-mangha sa mga bitbit ko.

"Hindi."

Dumiretso ako sa kama ko.

"Kay Juancho?" Demmy mouthed.

Tumango ako. Siya lang ang sinasabihan ko ng tungkol kay Juancho.

Shit! I still can't believe na boyfriend ko na siya.

They are all curious. Hindi ko tuloy alam paano ko ipapaliwanag. Ang hirap naman kasing i-explain saan galing itong mga paper bags. Kailangan ko bang sabihin? Ayaw naman nila akong tantanan.

Dahil sa kakulitan nila naikwento ko na tuloy lahat-lahat. Excited silang nakinig. Nahihiya pa ako baka kasi hindi sila maniwala. Hinihintay ko nga na tumawa sila.

"B-boyfriend ko na si Juancho."

Umawang ang mga labi nila. Sinasabi ko na nga ba. Si Demmy ang unang nakahuma at niyugyog ang balikat ko.

"Talaga? Sinagot mo na?"

Tumango ako.

Saka pa lang nagtitili ang tatlo. Sinuway ko naman sila at baka mapagalitan pa kami dahil sa ingay. Ang gulo-gulo na nila. Kilala rin kasi nila ang Kampo Juan.

Ganoon din ang naging reaksyon nina Lucky at Alstheur noong sinabi ko kinabukasan. Ang sakit ng anit ko dahil sinasabunutan ako ni Lucky. Hinahampas naman ako ni Alstheur. Ang bru-brutal talaga ng mga baklang ito.

"Aray! Tumigil na nga kayo."

Tumatawang binitawan ni Lucky ang buhok ko.

"Si Santa Santina may boyfriend na sa wakas." They both laugh.

Hindi rin sila makapaniwala. Kahit ako nga hindi pa rin makapaniwala. Paminsan-minsan kinukurot ko pa ang sarili ko para masigurong totoo ito at hindi ako nanaginip. Hindi na lang talaga panaginip si Juancho.

Kaya lang ang saya ko ay bumaba ng ilang hakbang nang lumabas na ang resulta ng finals. Paulit-ulit kong tiningnan ang mga grado ko sa online portal ng university, ang kaso ganoon pa rin naman. Hindi ko rin maitatanggi na nagpabaya ako.

Wala ako sa sarili habang nagtatrabaho. Nang sunduin ako ni Juancho pagkatapos ng shift ko ay tahimik ako.

"What's wrong?"

Dahil sa pagtatanong niya, na-trigger ang mga luha kong kanina pa pinipigilan. Kita ko ang panic sa mukha niya. Mabilis niya akong hinapit palapit sa kanya.

Guard the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon