Kabanata 29

5.9K 121 9
                                    

KABANATA 29

Galit



"Stop smiling. I am still mad," he said irritably. Iniwas niya ang kanyang mukha nang akmang hahawakan ko siya.

Mabilis kong pinalis ang ngiti sa aking labi. Akala ko ayos na, hindi pa pala. I pouted instead.

"Huwag ka ng magalit, hindi naman talaga ako nag-party at hindi rin uminom, well uminom ako ng juice. Para lang akong tuod doon na nakaupo."

"Tss..." He raised his brow. "And you didn't tell them that you have a boyfriend? Para saan? So they can hit on you?"

Umawang ang labi ko sa paratang niya. I put each of my hand on my lap at lumuhod sa kama para makaharap siya.

"Sinabi ko! Alam naman nila," depensa ko.

"But you didn't tell them who's your boyfriend all this time?"

Guilty!

"Are you ashamed of me again?"

"Hindi kaya. Proud ako sa'yo, 'no... it's just that... para wala na silang maraming tanong."

Nakakunot ang kanyang noo na bumaling sa akin.

"It's still the same thing."

"Hindi nga."

Ang sama na naman ng tingin niya.

"S-sige sasabihin ko na... kapag nagtanong sila."

He shook his head, disappointed and not even convinced by my words. "I should really pay you a visit often, huh."

"H-huh?... Bakit pa?"

He glared at me. Mabilis kong tinikom ang bibig ko. Bahala nga siya! Ayaw ko lang naman sabihin kasi baka hindi sila maniwala. Baka pa pagtawanan lang nila ako dahil akala nila nagha-hallucinate lang ako.

It's past 2:00 am already. Hindi na siya aalis. Dito na siya matutulog.

Humiga na siya kaya ganoon na rin ang ginawa ko pagkatapos makapagbihis. I put a distance between us pero bago pa ako tuluyang makahiga hinila niya na ako. He put my head on his bicep. Napahawak tuloy ako sa dibdib niya. Nag-angat ako ng tingin. Nakapikit na siya.

Nawala na ang antok ko, baka mamaya pa ako makatulog.

"Juancho." I tugged his neckline.

Siguradong hindi pa 'to tulog. Kakapikit niya pa lang, imposibleng tulog na siya agad.

"Hmm?" His eyes remained closed.

Napangisi ako. My lips twitch nang may mapagtanto.

"Seloso ka pala?"

He abruptly opened his eyes.

"Hindi kasi halata."

He grunted and rolled his eyes. Muli siyang pumikit, tila walang planong patulan ang panunukso ko. Hinila ko ulit ang neckline niya.

"Seloso ka nga?" I giggled. I heard him clearly a while ago. Hindi ako pwedeng magkamali.

"What do you want to hear, Santina?" he said, annoyed.

Mas lalo lang akong ngumisi at hinayaan na siya sa pagsusuplado niya. Nakatulog akong malaki ang ngiti sa labi. Paggising ko wala na siya.

Umupo ako at naghikab. I roam my eyes around. Bumangon ako at sa halip na dumiretso sa banyo lumabas ako ng kwarto.

Where is he?

Hinanap ko siya. He is in the kitchen, nakatalikod sa akin. May kausap siya sa cellphone. Lalapit na sana ako pero dahil narinig ko ang pagtaas ng boses niya nanatili na lang ako sa kinatatayuan ko. Nagpaalam siya sa kausap at binaba ang cellphone. Halos panggigilan niya ang cellphone.

Guard the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon