Kabanata 25

6.5K 147 4
                                    

KABANATA 25

Trust



May private after party pagkatapos doon sa beach. Hindi pa tapos ang event nang umalis kami. Ngayon ay nandito kami sa bar ng hotel. Maraming nandito, mga banda at ilan pang imbetado sa event. Natuwa pa ako nang makakita ng ilang celebrity. I had the chance to take a picture with them.

Nakaupo kami sa paikot na couch habang puno ito ng iba't-ibang inumin ang salaming mesa sa gitna. Inabutan ako ng cocktail ni Dacer pero si Juancho naman ang tumanggap. Dacer smirked and shook his head.

"You can't drink," aniya.

Napanguso ako. I don't know why he doesn't let me drink with anything that has alcohol. Si Charles nga umiinom ng vodka. Hindi naman talaga ako umiinom, but I want to try. Nasubukan ko ng uminom ng cocktail sa isang event sa school noon. Hindi ko na maalala ano bang lasa.

"Kahit konti?" subok ko.

"No."

Nagtawag siya ng waiter at um-order ng juice. Umismid ako. Nakita ko naman ang pagngisi ni Dacer lalo.

Bumalik ang waiter dala ang isang pineapple juice. Juancho handed it to me.

"Here, drink this instead."

Sumimsim ako konti at nilapag sa mesa ang baso. Inaliw ko na lang sarili sa panunuod sa kanila. They drink alcohol like drinking water.

"What do you call that?" pertaining to the one he is drinking.

Ang alam ko lang kasi iyong mga nabibili sa tindahan. Mga local brandies na tinutungga ng mga lasinggo. Iyong mga iniinom nila kasi halatang imported.

"It's scotch."

Tumango ako. "Ano'ng lasa?"

He glared at me.

"You don't need to know."

Paroon-parito ang mga tao sa table namin. Madalas mga babae ang dumadayo. Hindi naman sila nagtatagal kapag napapansing walang interes sa kanila. Nakahawak lang si Juancho sa baywang ko, minsan sa hita, at ang isang kamay ay may hawak na inumin.

"Hi, Juancho, it's good to see you again," ani ng isang matangkad na babae. May suot itong tube dress na hindi man lang umabot sa kalahati ng hita niya.

Tumango lang si Juancho pero talagang persistent itong si... Maribel, I know her. Nakita ko na siya sa isang calendar suot ang isang pulang bikini. Kung makahimas sa braso ni Juancho parang hindi man lang ako nakita!

"It's sad we weren't able to catch up the last time we saw each other in Cebu."

Aba't!

Napatingin ako kay Juancho. Sinamaan ko siya ng tingin. Ano'ng catch up ang pinagsasabi ng babaeng ito?

"There's nothing to catch up, Maribel," he said sternly.

Tinawag siya ng mga kaibigan niya. Mukhang ayaw pa nga umalis. Before she left inirapan pa ako nito. Hindi ko naman siya inaano.

"Catch up, huh. Sino 'yon? Ex mo?" It sounded so bitter. I want to kick myself.

Humigpit ang hawak niya sa baywang ko. He put down his drink and put his big hand on my thigh. He moves closer. His breath is fanning my cheek. I can smell the alcohol in his mouth.

"Are you jealous? Hmm?"

"H-hindi. Nagtatanong lang." Oh, damn! My tone just gives me away.

Hindi na dapat ako magtanong. It's not impossible if that girl is one of his exes. She's beautiful with the right curves.

Guard the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon