Kabanata 17

5.6K 134 4
                                    

KABANATA 17

Tulog na



Dumating ang isang babaeng doctor. I didn't know Juancho called one. The doctor performed a check-up on me. Hindi pa rin kasi bumababa ang lagnat ko, ayoko namang magpadala sa hospital. Tahimik lang na nakamasid si Juancho. He looks critical while the doctor perform her job.

"She's anemic, one reason why she collapsed aside from over-fatigue. She needs a lot of rest, Juancho, plus it's better for her to take vitamins, too."

Binigay ni Doc Vivian ang reseta kay Juancho, na tinanggap naman nito.

"Call me kapag hindi pa bumaba ang lagnat niya. I'll go ahead now."

"Thank you, doc."

I said my thanks as well. Lumabas sila ng silid at naiwan ako. I sighed heavily. Naiinis ako kung bakit kailangan ko pang magkasakit. Ayokong maging mahina, but I am no iron man. Kasalanan ko rin naman dahil nagpabaya ako sa katawan ko.

The door opened, and my eyes immediately flew to him. Naroon pa rin ang kunot sa noo niya.

"Juancho... sorry," sabi ko.

I feel sorry for being a burden to him. Simula yata noong naging kami palagi niya na akong pino-problema. Hindi naman dapat ganoon.

His brows furrowed. Umupo siya sa side ng bed. "What are you sorry for?"

"Kasi naabala pa kita."

Umigting ang panga niya.

"G-galit ka ba?"

He shook his head, but he remained menacing.

"Mag-uusap tayo kapag magaling ka na."

I am very bothered. Wala na siyang ibang inatupag kung hindi bantayan ako. Nakakapanibago rin ang pagiging tahimik niya. Hindi tuloy ako mapalagay na ganito siya. Kahit nang sabay kaming kumain, but actually, ako lang naman ang kumakain. He made me drink my medicine, too.

Muli niyang kinuha ang temperature ko.

"It's 38 degrees."

Pinalitan niya rin ng fever patch ang noo ko.

"Matulog ka na."

"Hindi pa ako inaantok."

"Then, just lie down and rest."

Alas-siyete pa lang, at isa pa, kanina pa ako nagpapahinga. Hindi talaga ako makakatulog. Ito ang pinaka ayaw ko kapag nagkakasakit, parang ang bagal-bagal ng oras. Ang inaalala ko pa ay pagliban sa trabaho.

"Juancho, may problema ba tayo?"

Kanina ko pa napapansin, something is off with him. Hindi naman siya ganito. Hindi ako mapakali na ganito siya, tahimik at mukha pang galit.

"May nagawa ba akong mali? Did I upset you?"

"Santina—"

"Sorry talaga, inabala pa kita. Sana sa boarding house mo na lang ako hinatid. Uhm... B-bukas siguradong maayos na—" I was cut off.

Marahas siyang bumuntong hininga at pumikit. When he opened his eyes, it was bloodshot. Frustration is itched on his handsome face. I bit my lip to shut myself up.

"I'm mad..."

Sabi ko na nga ba!

"I'm mad because you are sick. I am frustrated, too... Hindi ko alam." Tila ba pilit niyang kinakalma ang sarili. Mariin at nahihirapan ang bawat bigkas niya.

Guard the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon