Kabanata 8

5.9K 150 4
                                    

KABANATA 8

Win you


"Gusto mo akong... maging g-girlfriend? Bakit ako?"

Para yatang tumigil saglit ang tibok ng puso ko, pagkatapos saka bumwelo. Kumakabog ang dibdib ko na parang may mga nagtatakbuhang kabayo. I can feel butterflies in my stomach, too.

"Why not?"

"Eh, kasi, Juancho, ano... wala naman kasing something sa akin para magustuhan mo."

"What something are you talking about?"

Marahas akong bumuntong hininga. Oo na, kinikilig na ako. Gusto kong mahimatay sa kilig. Imagine, the great Juan Cholo Casrojas is asking me to be his girlfriend. Daig ko pa ang nanalo sa luto. Pero may malaking pero. Reality. The reality that it's impossible for someone like him to like me as a woman. Kilala ko ang mga ex at nali-link sa kanya, mostly are sexy model material! Maganda, matangkad, perpekto ang hubog ng katawan, iyong mga tipong 38-24-38 at higit sa lahat mula sa kilalang pamilya.

"Juancho, ganito lang ako. Yes, maganda ako, sexy at matalino. Hindi sa nagbubuhat ako ng bangko, ha..." I raised my hand above my head. "Dito ka, o, tapos ako rito." Nilagay sa mababa ang isa kong kamay.

"Gets mo?"

His lips twitch. Umangat ang sulok ng labi niya. He looks amuse habang ako hindi na mapakali. Saan ba patungo ang usupang ito?

Pinagtitripan niya ba ako?

"You are being funny, Santina. I don't know what you are talking about." Humakbang siya palapit sa akin.

Oh shit! Iyong puso ko baka bigla na lang kumawala sa ribcage ko.

"I like you. I want to be your boyfriend. Plain and simple."

"Pero—"

"You think I will spend time with you if I don't feel anything for you? I invest my time to the things... to the person I want, Santina." He looks at me with his intense eyes. Para akong hinihipnotismo ng mga mata niya, nakakahalina. Parang kumunoy na hinahatak ako.

"I'll give you time to think." Ngumiti siya at marahang hinaplos ang mukha ko. "Good night."

He leaned and kissed the side of my lips. I stiffened and held my breath. I-iyong puso ko...

Is he for real?

Hindi ako nakatulog no'ng gabing 'yon sa kakaisip ng mga sinabi niya. Paulit-ulit kong tinanong ang sarili ko kung ano ang posibleng dahilan para magustuhan niya ako. Pero gaya nga ng sabi niya, hindi siya maglalaan ng panahon sa akin kung wala naman siyang nararamdaman. Damn. Nalilito ako.

Isang hampas mula kay Lucky ang nagpabalik sa diwa ko.

"Umagang-umaga nanaginip ng gising. Hoy! Tama na kaka-Juancho mo. Nag-aral ka ba para sa oral ngayon?"

Padarag siyang umupo sa tabi ko.

"Shit!" Nanlalaki ang mga mata ko.

"Nakalimutan mo? Naku, magdasal kang hindi ka matawag, day," umiiling na sabi niya.

Dali-dali ko namang kinuha ang notes ko at basta na lang pinasadahan ng basa. Hindi pa nakakatulong si Lucky na panay ang sermon sa tabi ko.

Grabe ang kaba ko habang isa-isang tinatawag ang mga kaklase ko para mag-recite. Gabutil na ang pawis ko. Si Sir ang klase ng instructor na ipapahiya ka talaga kapag wala kang maisagot o 'di kaya hindi ka nakapag-oral ng maayos. Kaya naman nang naubos na ang oras at inanunsyong sa susunod na ang hindi natawag, saka lang ako nakahinga nang maluwag. The whole one-hour hindi yata ako humihinga.

Guard the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon