Kabanata 33

6.4K 143 12
                                    

KABANATA 33

Used to



"Santi, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Ayalyn na nakadungaw sa cubicle ko.

Napakurap-kurap naman ako at napatingin sa spreadsheet na nasa monitor ko, kung anu-ano na ang mga naka-type roon. Inangat ko ang kamay ko na wala sa sariling nakadiin sa keyboard.

"O-Okay lang ako."

I took a deep breath.

"Lunch?"

"Sige. Close ko lang 'to."

Tumango naman siya at bumalik sa cubicle niya. Mabilis kong tiningnan kung ano na ang nakalagay sa monitor ko. I have to undo it. Sinara ko na muna pansamantala at tumayo na. Sabay kaming bumaba papunta sa canteen.

With our food on the tray, we sat in our usual table. Magkatabi sina Sitti at Ayalyn, nasa tapat naman nila ako. Tahimik akong kumakain, hindi sumasabay sa tipikal na kwentuhan. Pansin ko ang pagsulyap-sulyap nila sa akin, hanggang hindi na nga sila nakatiis.

"May problema ka ba, Santi?" ani Sitti.

"Pwede mo namang i-share sa amin." Si Ayalyn.

Ngumiti ako ng tipid at umiling. "Ayos lang ako, stress lang siguro sa trabaho."

Muli na namang kumirot ang puso ko. What happened last Saturday is still clear in my memory. Hanggang ngayon iniisip ko pa kung totoo ba talagang nangyari iyon. I want to deny it but it's very real. In fact, after Juancho walked out that night, hindi ko na siya nakita. I waited in his unit, but he didn't return. I tried to call pero hindi naman sinasagot.

I badly want an answer to what happened the last week. But maybe, hindi niya lang talaga ako gusto pang makita kaya ganoon and I have to deal with it.

"May mali ba sa akin?" I uttered out of the blue.

Nagkatinginan sila.

"I mean, I know I am boring, but aside from that..." I sighed. "May pangit ba akong characteristic?"

"Santi, where is this coming from?" worried na sabi ni Ayalyn.

"Wala namang problema kung hindi ka mag-night life. It doesn't mean you're boring."

"Ang bait mo, Santi, hanga nga ako sayo, eh."

Their words didn't even comfort me. Kumain na lang ako at hinintay silang matapos. Bumalik kami sa kanya-kanyang naming cubicle at nagtrabaho na. Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa trabaho, but it's just too impossible to focus and have the motivation to work.

My mind flew to those days. Those days that I treasured the most—with him. Iyong mga araw na pakiramdam ko everything seems perfect, and nothing can go wrong. Kalaunan, hindi ko na kinaya, tumakbo na ako sa CR at umiyak sa isang cubicle.

It hurts. Nakahawak ako sa dibdib ko. Pisikal ang sakit na nararamdaman ko. Paimpit akong humikbi. Umaalog ang balikat ko. Hindi ko na inisip kung may makakarinig sa akin.

Kinalma ko ang sarili ko mayamaya, nang medyo kaya ko na. Gamit ang kamay ko, marahas kong pinalis ang mga luha kong ayaw naman tumigil. Hindi, hindi dapat ako umiyak, maayos pa namin 'to. We just have to talk, I convinced myself, and somehow it calms me. It gave me hope.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Naghilamos ako at pinasadahan ng mga daliri ko ang buhok na bahagya nagulo. Bumalik ako sa cubicle ko at ginawa ang trabaho ko. Mas kailangan kong galingan sa trabaho. If I will earn a fast promotion in time, mas makakabuti iyon. He can be proud of me.

Guard the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon