Kabanata 3

11.3K 341 7
                                    

KABANATA 3

Nagmana

"You're Dacer, you play the guitar. Rufus, you play the bass, and Lourd, you play the drums." Isa-isa niyang tinuro ang mga ito. Manghang-mangha naman ang mga nasa harap dahil sa kabibohan niya.

She then turns her gaze to her favorite man in the band. "Of course, you are Juancho!"

She giggled. Gusto ko na lang tampalin ang noo ko. My child is such a confident kid. Hindi ito nahihiya kahit sa mga hindi naman niya kakilala. She knows very well how to carry herself at a young age.

"You are mommy's friend! And oh, we have the same..."

Tinakpan ko na ang matabil na bibig ni Satheryn at saka awkward na ngumiti. Kung ang tatlo ay namamangha sa kanya, si Juancho naman ay nakakunot ang noo.

"That's enough, Satheryn. They have to rest. Say goodbye to them now."

"Buh-bye po!" she said and waved her hand at them.

Binalingan ko naman si Harlene at sinenyasan na para maihatid ang mga guest.

"See you around."

Pagdating sa cabin namin ay pinaliguan ko na at binihisan si Satheryn. She was talking non-stop about her excitement sa MusiKamp at sa presensya ng Kampo Juan sa taong ito. Growing up, I have seen her passion for music. Kaya naman tuwing sasapit ang MusiKamp ay tuwang-tuwa siya. She gets to interact with a lot of artists. Madalas pa ay tinuturuan siya ng mga ito.

I fixed her wavy her into pigtails. Binihisan ko siya ng isang denim shorts at white tank top. Kinuha niya ang strappy sandals niya para maisuot ko sa kanya.

She grabbed her ukulele before we walk out of the cabin. Muli kaming pumasok sa hotel at dumiretso sa opisina ko. Pagdating doon ay naghihintay na ang head facilitator ng event para sa final talk. Pinaupo ko si Satheryn sa sofa at hinayaang paglaruan ang ukulele niya.

"Wala naman pong masyadong binago. Iyong bands lang ang dinagdag," sabi ni Felyn, ang head facilitator sa taong ito.

Tumango ako. Napansin ko nga. Dati kasi ay hindi included ang mga banda, solo and duo artist lang kasali sa workshop. Kaya nga siguro nandito ang buong banda ng Kampo Juan.

"Before I forget..." May kinuha ito at inabot sa akin.

"Thanks for this." Tinaggap ko ito. It's their official shirt for this year. Napangiti na lang ako. They always give one to Satheryn. Nakakataba ng puso.

"Mas lalo po siyang gumaling tumugtog." Isang sulyap ang pinasada niya kay Satheryn na seryoso sa pag-strum ng kanyang instrument. She is playing a familiar song.

Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin. Nagpaalam siya at darating na ang participants. Hinayaan ko na ang staff na salubungin ang mga ito.

Tuwang-tuwa si Satheryn nang ipakita ko ang tee shirt niya. It's a black round neck shirt na may logo ng MusiKamp. Hindi ko muna pinasuot sa kanya dahil mamayang gabi pa naman ang opening ceremony.

I check my assigned personnel for the event from to time para masigurong walang aberya. I also check on the other things. Nang makitang maayos naman ay ang documents ang binalingan ko. Satheryn got bored kaya hiniyaan ko muna siyang magliwaliw, pinasamahan ko na lang sa isang staff. Lahat naman ng mga employee rito ay mapagkakatiwalaan at sanay na kay Satheryn.

Night came, buhay na buhay ang seaside dahil sa pagsisimula ng acquaintance party. Dinungaw ko mula sa bintana ng aking opisina ang ibaba. I saw my staff preparing the makeshift stage. They are checking the sound system as well habang ang iba naman ay pinapasadahan ng huling ayos ang buffet sa gagawing dinner.

Guard the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon