Kabanata 10

6.4K 151 5
                                    

KABANATA 10

Missed


Kasalukuyan akong nag-aaral, paghahanda sa nalalapit na finals. Itinigil ko ang pagbabasa nang tumunog ang cellphone ko. Binalingan ko ang cellphone na na sa nakapatong kong mga libro. Sinagot ko ang tawag ng kapatid ko.

"Hello, Glenn? Napatawag ka."

"Gusto ka raw makausap ni Mama, Ate."

Tuluyan kong binaba ang binabasang handouts. Narinig ko pa ang pagtawag niya kay Nanay.

"Hello, anak?"

"Nay."

"Kumusta ka, Sansan?"

"Maayos po. Kayo po riyan, Nay?"

Hindi ako madalas na nakakatawag sa kanila dahil wala talaga sa budget ang paglo-load. Pamasahe ko na lang ang ipanglo-load ko.

"Iyon nga ang itinawag ko anak." Bumuntong hininga siya.

"Bakit po? Ano po'ng problema?"

"Nagkasakit kasi ang Tatay mo kaya hindi nakapagtrabaho. Kapos na talaga kami, anak, baka may naitabi ka? Bayarin kasi ng mga kapatid mo. Sinubukan na naming manghiram sa Tiyo Noli mo, kapos din. Pasensya na talaga, Sansan."

"Nay, bakit naman po hindi kayo nagsabing may sakit si Tatay? Kumusta na po siya?"

Agad akong binalot ng pag-aalala.

"Ayaw na kasi naming abalahin ka pa, Sansan. Nag-aaral ka at nagtatrabaho pa. Ni hindi nga kami makapagpadala sa'yo ng pera. Huwag kang mag-alala, maayos na ang tatay mo."

"Sigurado po kayo?"

"Oo, anak."

"Magpapadala po ako bukas Nay, pasensya na po at limang daan lang ang maipapadala ko."

"Maraming salamat, anak. Hayaan mo at gagawa agad kami ng paraan ng tatay mo para maibalik sa'yo agad ang pera."

"Nay, huwag niyo na pong problemahin iyan. Ako na po ang bahala sa sarili ko. May pera pa naman po ako."

I bit my lip. Ang totoo, huling pera ko na rin ang limang daan. I cheered myself up. Mas kailangan nila ng pera. Kakapalan ko na lang ang mukha ko. Uutang ako ulit kay Lucky.

"Basta po, Nay, alagaan niyo po ang sarili niyo. Huwag niyo na po akong alalahanin."

"Salamat talaga, anak."

Kinausap ko pa si tatay para kumustahin, pati ang dalawa kong kapatid bago ibaba ang tawag. Gusto ko nga sanang bisitahin sila pero kapos talaga kahit pamasahe. Mabibilang lang siguro sa daliri ang mga araw na nakakauwi ako sa amin sa loob ng isang semester.

Laking pasalamat ko talaga nang tumawag ang restaurant na pinagpa-part time-man ko rin. May catering din sila at kailangan nila ng extra. Mabilis akong tumayo. Naligo at nagbihis ako sa loob ng sampung minuto. Sinukbit ko ang bag kong may lamang jacket at pamalit na tee shirt para mamaya.

"Alis na ako, Demmy," paalam ko sa roommate ko.

Nag-angat siya ng tingin mula sa binabasang libro. "May part time ka?"

"Oo, eh... Sige."

"Teka... sorry, ha, narinig ko kasi ang pag-uusap niyo ng nanay mo kanina." Umayos siya ng upo. "Alam ko ang pakiramdam na sobrang gipit, kaya huwag kang mahihiyang magsabi sa akin."

May kinuha siya mula sa bag niya pagkatapos ay inabot ang papel na limang daan sa'kin. Umawang ang labi ko at napatitig sa kanya.

"Heto, hiramin mo muna. Saka mo na bayaran kapag nakaluwag-luwag ka na."

Guard the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon