Chapter 1

50.5K 699 16
                                    


Chapter 1

Biliiiiiiiiiiiis"

sigaw ni Maddie sa akin habang inaayos ko ang buhok kong gulong-gulo pa dahil kakababa ko palang sa jeep. Ikalawang araw ko na sa trabaho ko bilang sekretarya ng CEO ng kompanya at ito rin ang unang araw ko upang makita ang magiging amo ko.

Si Maddie ang nag rekomenda sa akin sa HR, malakas din ang kapit ng babaeng iyon kaya kahit 2 year lang ang natapos kong kurso ay ako ang inihire. Pasalamat narin dahil balitang terror daw ang Mr. Jacobo Villafuerte III na iyon kaya walang may gustong maging sekretarya niya. Pero ako? wala akong pake, ke Bampira pa siya o kampon ni satanas ay hindi ko siya uurungan. Makapal kaya ang mukha ko at hindi din ako sensitive at higit sa lahat marami akong pinapakain na bibig sa bahay kaya GO ako sa hamon ng buhay.

"Ba't ang lamya-lamya mo, lagot ka pag naunang dumating 'yong boss mo sa 'yo, wag ka talagang ngangawa-ngawa sa akin pag natanggal ka ha!"

Inismiran ko si Maddie, ganito talaga ang bruha. Napaka straight forward. Buti nalang insensitive ako kaya di ako nasasaktan sa mga pinagsasabi niya.

" Pareho lang kaya tayo, at hoy! ikaw nga tong antagal matapos maligo tapos ngayon ako pa sisihin mo?" angil ko sa kanya.

Kaibigan ko si Maddie simula pa elementarya, kahit nauna siyang nakapagtapos ay hindi niya talaga ako kinakalimutan. Eh, paano naman niya ako makakalimutan kung isang dipa lang naman ang layo ang mga bahay namin. Kaya kahit para kaming nag aasaran ay hindi naman kami nagkakapikonan. Sadyang matabil lang siya at insensitive naman ako.

"Aba't" akma niya pa akong batukan kahit naka corporate attire kami.

"Pag ako nadaplisan niyang kamay mo, lulumpuhin talaga kita" nakasimangot kong sabi. Tatawa na sana siya ngunit bigla siyang napatigil.

Bigla niya akong hinablot at pinatayo sa gilid niya. Nakita ko ang pag bow niya, napatingin ako sa kanya na parang naguguluhan ng agad-agad niyang hinila ang leeg ko kaya napayuko ako, bigla niya pa akong siniko. Aangil na sana ako ng may makita akong pares ng mamahaling sapatos na dumaan sa harapan namin. Kahit mga isang dipa ang layo ng may ari ay napakabango nito. Gusto ko pa sanang tingnan kung sino 'yon ngunit naramdaman ko ang kamay ni Maddie sa batok ko.

Nang makalampas na ay agad akong hinila ng bruha. Napasunod ako dahil manipis lang naman ang katawan ko, eh itong kaibigan ko ay may brasong parang boksingero.

"Bilis na Crisanta, takbo... papunta na sa office ang boss mo" may pagmamadali niya pang sabi.

Bigla akong ninerbyos dahil sa sinabi niya.

"Yung kanina? boss ko 'yon?" mahina kong tanong ng makasakay na kami sa elevator. hanggang 36th floor ang taas ng building at doon din ako nag oopisina, syempre andun din ang boss ko. Si Maddie naman ay sa 34th floor lang kaya mas ma lilate ako kaysa sa kanya.

"Oo, shunga-shunga ka, muntik na tayong mapagalitan, ayaw pa naman nun na may pakalat-kalat habang naglalakad iyon sa hallway, dapat lahat nakatigil at nakabow, parang Dios ang asta, nakakaloka" mahinang sagot niya sa akin.

Bigla naman akong kinilabutan, hindi dahil nakakatakot ito kundi dahil baka ma fire ako ng wala sa oras. Kailangan ko pa naman ng pera dahil may sakit si bunso.

"Friend, samahan mo muna ako dun sa office" pagmamaka-awa ko. Iwinaksi ng bruha ang braso niya na hinawakan ko. Ninenerbyos talaga ako.

"Gaga ka, eh mas mapagalitan tayo, ayaw nun ng pakalat-kalat sabi, eh pag sasamahan kita, baka ako naman ang ma tanggal sa trabaho"

Sumimangot nalang ako. I guess, wala na akong magagawa kundi ang tanggapin ang destiny ko na maging pa-in ng isang Lion.

Napa buntong hininga ako ng malalim ng lumabas na si Maddie sa elevator. Ako nalang mag-isa ang lulan nito. Nang tumigil na ay dahan-dahan ko ring binuga ang hanging kanina ko pa pala pinipigilan.

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon