Chapter 8

19K 412 21
                                    

"Ang yaman talaga ng boss mo no?" Hindi ko napigilang tanong kay Arnel. Namangha talaga ako sa pa Helicopter ni boss eh, alam niyo na, ignorante.

Tumawa lang si Arnel habang maingat na nagmaneho. Pabalik na kami ng opisina at gaya nga ng sabi ni boss sasabay nalang ako kay Arnel, kaya andito kami ngayong dalawa.

"Pero sabagay, ano naman kung mayaman siya kung masama din ang pag-uugali. Hindi pa din pala talaga ibibigay lahat, kahit sabihing nasa kanya na ang lahat eh hindi pa pala. Wala kasi sa kanya ang kaluluwa niya" mataas ko pang dugtong.

"Mabait naman ang boss natin eh,yun nga lang, Hindi siya masyadong naiintindihan ng iba" simpleng sagot nito.

"Hmmp, saan kaya banda ang bait dun? Pakituro kung may time ka para makita ko kasi wala talaga"

"Hahaha, ikaw talaga, mabait talaga iyan si boss, madami na yang napagtapos dahil sa scholarship programme niya. Ako nga, scholar niya eh at maintindihin din yan lalo na sa mga taong mapagkatiwalaan niya, kung hindi siya mabait hindi sana nagtagal si Tatay bilang driver niya" mataas na paliwanag ni Arnel.

Sumulyap ako saglit sa kanya. Mukhang magkakaloyalty award ito sa boss ko kung ganoon.

"Sabi mo eh" sabi ko nalang upang matapos na ang panglalait ko sa boss niya.

Lumipas ang ilang segundo ay tumikhim ito at nagsalita.

"Narinig ko ang nangyari sa inyo, kumusta na ang lagay ng tatang mo?"

Ngunot noo ko siyang tiningnan.

"Ha? Bakit mo alam na may nangyari sa amin?" Takang tanong ko sa kanya.

"Tumawag kasi si boss sa akin kanina, inutos sa akin na alamin kung ano ang nangyari sa inyo kaya ayon..." lumingon siya akin. Nakita ko ang paglungkot ng mga mata niya. "Pasensya ka na...sumunod lang ako sa utos"

Hindi ko makuhang sagutin si Arnel. Naguguluhan ako bakit iyon ginawa ni boss. Hiyang-hiya pa naman ako sa nangyari kanina tapos ito. Hindi naman parte ng trabaho kong ipaalam sa mga kasama ko, lalong-lalo na sa boss ko ang mga nangyayari sa buhay ko. Iyong kanina, dala lang iyon ng emosyon pero mas okay kasi sa akin na pribado ang buhay ko doon sa mga katrabaho ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kahit naguguluhan ay pinilit kong gawin ang mga nakatengga ko pang mga trabaho. Nagtatanong ang isip ko bakit iyon ginawa ni boss. Para ano? Para makanap siya ng iganti sa akin? AHH EWAN. hindi lang pala masama ang ugali, tsismoso din pala.

"Is Jake here?" Anang pamilyar na boses. Itinaas ko ang tingin sa nagsalita mula sa mga papeles na ilang minuto ko na palang tinitigan.

Hindi ko kilala ang babae, pero ang ayos niya ay katulad nong babae kanina sa restaurant. Sopistikada, maganda, elegante, mamahalin ang lahat ng gamit sa katawan at mabango.

"Ahh, wala po siya at hindi ko po alam kung babalik pa siya dito sa opisina ngayong araw" magalang kong sagot.

"Oww, never mind, I'll wait nalang inside his office"

Tapos pakinding-kinding pa itong naglakad papunta sa loob ng opisina ni boss kaya mabilis akong tumayo at pinigilan ang babae.

Ibinuka ko ang mga braso upang harangan siya sa daraanan niya.

"Bawal po yun ma'am. Hindi ho pwedeng pumasok nalang basta-basta sa opisina ni sir ng walang pahintulot mula sa kanya" boses nagmamakaawa kong sabi.

Inihabilin kasi sa akin nung HR na nag estima sa akin noong unang araw ko dito nung hindi pa ako sinisante ay ayaw daw ni boss na may pumasok sa opisina niya lalo pa at hindi niya pinahihintulutan.

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon