Chapter 17

14.9K 396 5
                                    

Matagal kong tiningnan ang pintuan ng opisina ni boss. Nagtataka lang ako sa mga kinikilos nito nung mga nakaraang araw. Matapos nung nag insist siyang ihatid ako na magalang ko namang hinindi-an ay mukhang may sumpong na naman. Hindi ako inu-utusan, papasok lang ako sa opisina niya pag may dadating na papales tapos papalabasin na ako agad.

Para sa 'kin, mas okay yun. Hindi na niya ako ginugulo. Atleast, kahit sinumpong siya ay hindi naman ako pinagsusungitan. Passive lang, I mean walang interaction kumbaga.

Biglang bumukas ang pintuan kaya mabilis naman akong umuklo at nag kunwaring may tiningnan sa monitor ng PC.

"Mom, what is it again?" mukhang inis na tanong ni sir sa ina nitong kausap pala sa CP.

Ayaw kong makinig kaso pwede ba yun? lakas naman din kasi ng boses niya.

"Stop it mom, She's... We already broken up... Mom, why can't you calm down, I'm coming"

Halata sa boses nito ang frustration. At... did he just said Broke up? chaarrr english.

"Fuck!" inis na sambit nito. Narinig ko ang takong ng sapatos nito na naglakad palabas ng opisina.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Wala na si boss sa opisina. Umalis, parang nagkasagutan na naman ito at ang ina nito. At... Broken up? Hindi man lang ako ininform na nakikipaghiwalay na pala siya sa akin. Edi mas masaya, wala na akong obligasyon sa kanya. Hindi na ako magpapanggap sa mga tao, lalo na sa parents niya na halatang mga mababait na tao.

Pero bakit mukhang hindi ka naman masaya sa lagay na iyan?

Tangi? dapat ba pagmasaya dapat nagpagulong-gulong na sa tawa?

Ayy hindi, pero bakit parang mabigat iyang puso mo?

Anong mabigat? at tsaka? bakit pumapapel ka na naman? konsensya lang kita kaya not counted yang mga pinagsasabe mo. Chupi! disturbo ka. may trabaho pa ako.

Luh?! bakit galit ka? bakit parang kasalanan ko?...

Napapikit ako. Nakakashunga talagang maging boss itong si Jacobo Villafuerte III. Nakakahawa na rin iyong kamoody niya.

Nagdecide na akong magligpit ng mga gamit dahil mag aalas singko na. Pagkadating ko sa lobby ay nakita ko sa Maddie. Nagkayayaan kaming mag fishball kaso lang hindi pala nakapagtinda ang suki namin. Pumunta nalang kami sa pinagdalhan sa akin ni Arnel.

"May ganito pala dito? ang saya naman..." natutuwang sabi ni Maddie.

Mga trabaho-bahay lang kasi kami na tao, at tsaka first time namin magkayayaan ng tsibugan na hindi fish ball ang kakainin. Sabi nga nila, reward yourself sometimes kaya eto na. Nirereward na namin ang mga sarili namin.

"Diba? nung una kong punta dito, nagugustuhan ko na agad. Maka-masa pero hindi naman mga gusgusin ang mga tinda" ani ko.

Tumaas ang kilay ni Maddie na parang may narinig na mali sa sinabi ko.

"Ano?" inosenteng tanong ko.

"Alam mo? madami kanang itinago sa akin. porke't busy ako sa trabaho at ikaw din? nakalimutan mo na ang obligasyon mo sa akin? naging malihimin ka na ah!" pang kokonsensya niya sa akin.

Eh kasi naman, baka mapagalitan pa ako ng isang ito, baka pagsabihan pa akong chossy na hindi naman ako kagandahan kaya close mouth lang ako kaso mukhang hindi mapalagay ang kaluluwa ng babaeng ito.

"Ano kasi, hindi naman importante. Mukha ngang hindi na iyon magpakita sa akin"

"Sino? may nanliligaw ba sa iyo at binasted mo?"

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon