Chapter 32

13.7K 317 15
                                    

Naghalo-halo ang nararamdaman ko sa oras na iyon. Masaya ako dahil nakita ko siya, malungkot dahil sa nakita kong kalagayan niya at guilt. Iniisip ko palang na ako ang rason kaya siya pumunta sa San Nicolas at nangyari iyon sa kanya ay nakakaguilty. Hindi ko na tuloy alam kung paano ako magrereact ngayong nasa harapan ko na siya.

"I thought I won't be seeing you again, Crisanta. I thought I can never give you a warm embrace or seeing you looking at me like right now" aniya matapos akong ilayo mula sa yakap.

Nakita ko ang pag-gitaw ng luha sa mata niya. Yumuko ako dahil naiiyak na naman ako. Ewan ko ba, Masaya naman ako pero bakit ang sakit makita siya ngayon. Sa mukha niyang mukhang hindi pa na-aahitan, mukha rin siyang nangangayayat at lalo na sa bendang nakabalot sa ulo niya.

"It's okay, I am speechless too" sabi niya ulit ng hindi ako nagsalita. Tama siya, speechless ako pero hindi dahil wala akong masabi kundi dahil hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.

Ano na Crisanta? Tutunganga ka nalang ba diyan? Ano ba ang ipinunta mo dito? Diba para sa happy ever after mo? Kaya huwag ka ng tutunganga jan, Go Ghorl.

Tiningnan ko siya uli at humugot ng hangin, yeah, it's now or never.

Hindi ko na naisip pa basta at mabilis akong lumuhod gamit ang isang tuhod ko at inabot ang kanang kamay niya. Nakita ko ang kanyang pagkagulat na napalitan ng pagkunot ng noo. Lumagok ako ng isang kutsarang laway at nagsimula ng magsalita.

"Jacobo, Napakarami ng nangyari sa pagmamahalan natin. Mayroong umalis ka, mayroong bumitaw ka at mayroong nagkamali ako ng akala. Lahat ng iyon ay gusto kong kalimutan at harapin na ang ngayon na may ikaw at ako. Mahal na mahal kita at hindi ko alam kung kaya ko bang magmahal pa ng iba kaya" tinitigan ko siya at nakita kong umagos na ng tuluyan ang luha niya na kina-iyak ko na naman " Will you be my husba..."

Hindi ko na natapos dahil mabilis niya akong hinila patayo at siniil ng halik. Ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang segundong iyon. Napakasarap sa pakiramdam. Kung mapugto man ang aking hininga sa halik na iyon, wala na akong pagsisisihan pa dahil nasabi ko na sa kanya ang dapat kong sabihin.

Nang matapos ang halik na iyon ay nakita ko ang paglabas ng nakakalokong ngiti niya. Sisimangot na sana ako ngunit nagsalita na siya.

"You really is a rare find my love, you always make weird things but I love it. I love you" kinuha niya ang mga kamay ko at napakagat ng labi dahil nakita ko ang singsing na isinuot niya sa akin noon.

"Hala, nandiyan iyan agad?" takang tanong ko pa, narinig ko ang mahina niyang pagtawa at dinala ang ngayo'y may singsing na na kamay sa kanyang labi. May nakawala na namang paru-paru sa tiyan ko dahil doon.

"I always have it no matter where I go like you are in my side, No, like you are a part on me"

Ayyy, iba namang magpakilig itong future husband ko. Grabe Lord, thank you so much!

Matapos ang pagpapakilig ni Jacobo ay nagpahila nalang ako sa kanya, gaya ng pagbigay ko na sa buhay ko sa kanya ng buong-buo. Sa kanya na ako kahit saan niya pa ako dalhin ay wala na akong pakealam basta't kasama ko siya. Sumakay kami sa kotse niya. Hindi na ako nagtanong kung saan kami patungo.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Napangiti ako habang nakatingin sa harapan ng kotse. Pereng tenge! Ano ba kasi, bakit ang saya-saya ko. Hindi ko na tuloy napigilang maluha. Tears of Joy kasi nasa tabi ko na ang kaligayahan ko.

"What's wrong?" Narinig kong tanong ni jacobo habang tiningnan ako. Umiling ako at mabilis na pinahid ang mga luhang saganang umagos sa mukha ko gamit ang malayang kamay.

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon