Chapter 12

17K 413 23
                                    

Inis kong tinalukbong ang kumot ko. Antok na antok pa ako ngunit hindi tumigil si Raiko sa kakayugyog sa akin. Linggo kasi at walang pasok kaya gusto ko sanang sulitin ang tulog ko.

"Ate, gumising ka na... nakakahiya sa bisita" nagsusumamong sabi ni Raiko.

Bumalikwas ako. Sino ba tong bumibisita ng kay aga-aga. Alam naman niyang hindi lahat ng tao ay nakakatulog ng maaga. Walang konsiderasyon.

"Oo na, umalis ka na at magbihis ako" inis akong pumanaog sa higaan at nag suot ng bra.

Kinukuha ko ang muta ko gamit ang aking hintuturo habang hinahanap ko ang tsinilas kong pambahay sa ilalim ng papag. Ipinusod ko lang ang buhok ko kahit wala pang suklay, hindi ko kasi mahanap ang suklay.

Susungitan ko na sana kung sino mang bisita ngunit ng mabungaran ko si Arnel na nakaupo sa nag-iisang upoan sa sala ay nawala ang inis ko. Magaan kasi ang loob ko sa kanya. Agad naman siyang tumayo pagkakita sa akin. Ngumiti siya sa akin at may inabot. Isang punpon ng pulang rosas. Tinanggap ko naman at nagpasalamat.

Ang haba ng hair ko. Ke aga-aga natapakan ko na.

"Salamat" tanging nasabi ko. Hindi dahil na shock ako kundi baka umabot sa kanya ang baho ng hininga ko.

"Walang anuman" aniya habang titig na titig sa akin.

Nailang ako dahil baka may naiwang muta pa sa mata ko kay sinuway ko siya.

"Ano ba, wag kang tumingin sa mukha ko, kakagising ko lang" iniwas ko ang mukha mula sa kanyang titig.

Mahina siyang tumawa at hinawakan ang ulo niya na parang nahihiya.

"Hindi naman, maganda nga. Sa totoo nga, magandang maganda"

Tumawa nalang ako. Bulag yata tong taong ito.

"Ano nga pala ang ipinunta mo rito?" Pag-iiba ko nalang ng paksa. Masyado pang maaga para magpabola.

"Ano kasi, yayain sana kitang magsimba kung okay lang sa iyo"?

Napakunot ang noo ko. Iba din tong isang ito.

"Kaya ka pala nambulahaw ng kay aga para lang magsimba, mamaya pang alas dyes ang misa jan sa kapilya namin eh"

Napakamot uli ito sa ulo.

"I mean, doon tayo sa malaking simbahan ng San Agustin mag simba, tapos yayain din sana kitang mamasyal kung okay lang sa iyo?"

Tiningnan ko ng maigi si Arnel, mukhang pormang-porma pa ito. Sayang naman ang effort kung hindi ko pagbigyan kaya tumango nalang ako.

"Sige, tutal parang naburo na ako sa kakatrabaho, mabuti na rin na makapamasyal bago sumabak na naman sa gyera, sige, mag ayos muna ako, pero pwedeng sa labas ka nalang muna kasi naiilang ako pag may ibang tao dito eh"

Mabilis naman siyang umalis sa kinatayuan at lumabas. Maliligo muna ako para presko. Nung papasok na ako sa banyo ay nakita kong sumilip si Tatang, Raiko at Shine mula sa kusina. Napakunot ang noo ko. Ano ang drama ng mga ito?

Nagpulasan pa sila ng makita ko sila. Tawang-tawa si Tatang habang nanunudyo ang dalawa kong kapatid.

"Oooy si ate Lumalablayp" tudyo pa ni Shine, babatukan ko sana kaso mabilis naka ilag.

"Anong lumalablayp, marunong kana ha?"

" Anak, sige na maligo ka na baka mainip lalo ang manliligaw mo" isa pa to si Tatang, nakikisali din.

Hindi nalang ako sumagot.

Nang maghalungkat ako ng damit na maisuot ay nakakita ako ng isang kulay asul na bestida, simple lang pero maganda ang tela, mukhang pag isusuot ko ay doon palang makita ang porma nito. Isa iyon sa mga damit na kasama nung pina ayusan ako ni boss.

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon