Chapter 5

19.2K 405 9
                                    

Ayon sa Cash Division dapat daw akong maghanda ng dyes mil para sa MRI ni tatang at pang ICU sa isang araw. Para akong mababaliw kung asan ko bubunuin ang perang iyon. Kulang ang ipon namin para maisagawa ang MRI, naisipan ko naring mangutang doon sa bombay na nagpa five-six sa lugar namin ngunit ayaw ko namang mas malubog sa utang, mga hayup kaya yun pagdating sa singilan.

Lumong-lumo ako, para na din akong matumba sa pagod at gutom. Ngayon ko lang na-alala na hindi pa pala ako nakakain simula umaga. Mag aalas tres na ng hapon ngayon at parang ngayon ko lang naramdaman ang gutom at uhaw ngunit imbis na kumain ay pinili ko nalang na uminom ng tubig, sayang din ang perang gagastusin ko sa pagkain dahil parang ang mamahal ng mga pagkaing tinda sa ospital na ito.

"Tay, kapit ka lang diyan. Makakaraos din tayo sa problema natin. Makahanap din ako ng pera para sa pagpagamot mo basta ba at lumaban ka lang, ako na ang bahala sa lahat" mahina kong kinausap ang wala paring malay na si tatang. Tumulo na naman ang luha ko. Kanina pa ako dasal ng dasal ngunit alam kong kailangan ko pa ng maraming dasal.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone kong di keypad. Nagtataka ako kung sino dahil kahit inaasahan ko ng may tumawag galing sa mga pinag-aapplyan ko ay parang nawalan na din ako ng pag-asa doon. Kinuha ko at tiningnan ang numero, parang hindi iyon numero mg cellphone, parang telepono kaya mukhang nabuhayan ulit ako nang pag-asa.

"Hello!" Pa-una kong bati.

"Is this Ms. Crisanta Avila?" Anang boses na parang announcer ng radyo.

"Ah, O-opo, ako po iyon"

"Ms. Avila, I am calling from Villafuerte's Group of Companies, HR Department. You are hired as the CEO's secretary effective tomorrow"

Prinoseso ko pa ang sinabi ng kausap ko, hindi naman ako nag apply bilang sekretarya at hindi din ako nag apply sa Villafuer... Tika, kumpanya iyon ng mokong ah. Sasagutin ko na sana na ayaw ko na doon magtrabaho ay nagsalita uli ang nasa kabilang linya.

"You are hired by the CEOs order, you will recieved double compensation, you may also enjoy travel, clothing allowance and you can also loan from the company and enjoyed low interest rate, it won't even affect on the compensation you will received from the start of your post" mahabang sabi nito.

Sa totoo lang, too good to be true ang lahat. Sobra-sobra na sa uri ng tao ng CEO na iyon. Baka nga Scam lang lahat.

"Scammer ka no?" Hindi ko napigilang sabihin. Eh, baka scammer lang naman. Hindi naman din kasi kapanipaniwala lahat ng pinagsasabi niya.

"Ms. Avila, you can verify it thru this website" tapos may sinabi ito na ang katapusan ay may dot com.

So, kung totoo talaga, baka akala ng kumag na iyon na madadala ako sa suhol ngunit ng ma-alala ko ang sitwasyong pinapasan ko ngayon ay nagdadalawang isip na ako. Kung ganoon, pwede akong mag loan at maipagamot ko na si tatang kahit na alam kong ako ang maghihirap sa kamay ng mapang-aping amo. Pero, ano nga ba ang kaya kong ibigay para sa pamilya, sa mga mahal ko sa buhay?. Kaya kong ibigay lahat, kahit buhay ko.

Mabilis na nag-uunahan ang luha ko, hinigpitan ko ang kapit sa cellphone ko na parang nandoon lahat ng lakas na makakapitan ko.

"Sige ho, magrereport ako b-bukas"

Nakatulala ako matapos kong maibaba ang cellphone. Kakayanin ko lahat para sa inyo tatang, Raiko at shine, kakayanin ko.

Dumating sa Ospital ang mga kapatid ko kasama si Maddie, halata sa mga mukha nito ang labis na pag-alala maging si Maddie. May dala itong supot at agad namang inabot sa akin.

"Cris, kumain ka na. Kami na muna ang magbabantay sa tatang mo, mamaya nalang tayo mag usap"

Doon din kumulo ang tiyan ko. Agad ko na ring sinunggaban ang pagkain. Gutom na gutom pala talaga ako ng hindi ko namamalayan, buti nalang at maaasahan talaga ang bestfriend ko. Walang iwanan talaga kami, simula't sapol.

"Kalat na kalat pa doon sa Talyer nila Manong Wilfred, sabi nila yung sasakyang tiningnan ng tatang mo ang sumabog. May tagas daw kasi at hindi nabantayan yung apoy na gamit nung pangtakip sa butas ng gulong, ayon sumabog" malungkot na sabi nito.

Kung ganoon, delikado pala talaga ang trabaho ng tatang ko, idagdag pa na matanda na kaya ito ang mas napuruhan.

"Eh kung sana mayaman kami, hindi siguro magkakaganito si Tatang" sinulyapan ko si Tatang na ngayon ay dinaluhan ng dalawa kong kapatid.

"Kumusta na pala ang tatang mo? Ang sabi ay hindi pa daw siya nagkamalay simula kanina?"

"Hindi pa matukoy kung ano ang problema, kailangan pa siyang isalang sa MRI ehh ang problema kulang pa ang pera ko para sa MRI na iyan"

"Bakit hindi mo ako tinawagan, may ipon naman ako at kaya kitang pahiramin"

"Nahihiya ako sa iyo, simula pa nung natanggal ako sa trabahong ipinaki-usap mo pa sa kaibigan mo, ayaw kong maging perhuwesyo"

Napakamot ito sa ulo na parang may nakakainis akong sinabi.

"Ikaw ha, sa kapal ng mukha mo, ngayon kapa nahiya kung saan kailangang-kailangan ni tatang mo. Nakakasama ka ng loob alam mo yon?"

"Sorry na, ehh nawala na din sa isipan ko. Nasa trabaho ka pa din kanina eh, ayoko maging istorbo, sorry na Madilina" agad ko namang niyakap siya. Narinig ko pa ang kanyang pagbuntong-hininga.

"O sige na, actually nagdala na ako ng pera dahil mukhang nababasa ko ng mangyayari ito ngayon, tayo na, ipa MRI na natin si Tatang"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Concussion, ayon sa Doctor ay ang pagkawala ng malay ay normal sa head injury na iyon. Malakas palang nabagok si tatang kaya nagkaroon ng concussion, baka daw bukas o ngayong gabi ay mabalik na ang malay nito ngunit may side effects daw ito gaya ng pagkawala ng memorya o di kaya ay ang pagkawala ng kakayahan nitong maigalaw ang parte ng katawan kaya kailangan itong i monitor. Kaya pala dapat naka ICU si tatang dahil seryoso talaga ang pagkabagok ng ulo niya.

"Salamat talaga sa tulong mo Mads, paano nalang kung wala ka?"

"What are friends are for diba"

Bigla kong naalala na tinanggap ko pala ulit ang pagiging sekretarya ko sa boss nito. I mean, hindi niya pala alam na pumunta pa sa kalye namin ang kumag na iyon upang pabalikin ako sa trabaho kaya wala talaga siyang kamuwang-muwang sa nangyari. At bilang kaibigan ay plano kong sabihin sa kanya ang lahat.

"Whoa! May ganoong side si Boss?" Gulat na gulat pa si Maddie matapos kong sabihin sa kanya lahat, hanggang sa pagtawag ng HR at ang pagtanggap ko ulit.

"Ewan ko, kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera ay di ko sana tatanggapin kaso mahirap lang tayo, kaya naisip kong bawal pala talaga sa mahirap na maging mapili sa trabaho kaya kahit ayaw ko sa taong iyon ay pagbubutihin ko ang trabaho ko"

Hindi parin nawala sa mukha ang pagkagulat ng kausap ko na dahan-dahang napapalitan ng pagliit ng mata at pagngiti nito na parang may naiisip na masama. Alam ko ang tinging iyon, parang may pagdududa.

"Ano yan Maddie ha? Hindi ko gusto iyang hitsura mo ha" nagbabala kong sabi sa kanya.

"parang unusual lang kasi eh, alam mo kahit matagal na ako sa kompanyang iyan ay hindi ko pa nabalitaang may ginawang ganyan si sir, what I mean, gumawa ng special lalo na sa babae. Maraming pumupunta doon sa opisina niya, iyong mga atista at mga mayayaman na mga babae ngunit snob iyang si sir eh pero ikaw" inilahad pa nito ang kamay sa akin.

Hindi ko napigilang umismid. Yuck, paano yun? Para namang may mabuting dugo na nananalaytay sa ugat ng taong iyon.

"Ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko.

Tumango-tumango ito na umaayon sa sagot ko.

"Oo, ikaw, you , yourself, yes you. Pinuntahan sa inyo upang pakiusapang pabalikin sa trabaho? Hmmm hindi kaya, ginayuma mo si sir?"

"Ako? Gagayumahin yung bunso ng pamilya ni Satanas? At, FYI, hindi ako pinakiusapan, minamandoan niya ako friend na parang siya ang may-ari ng mundo, kupal na iyon"

"Pero, I wonder!"

TO BE CONTINUED...

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon