Chapter 7

18.1K 415 15
                                    

Chapter 7

Mangiyak-ngiyak ako sa tuwa ng makita ko na si tatang sa kanyang hospital bed. Tumayo naman si Tiya Sonya upang magbigay daan siguro sa akin. Nakita ko ang pagsilang ng ngiti sa mga labi ni Tatang, mag dadalawang araw na palang hindi ko iyon na silayan.

"Ang maganda kong anak na patpatin" biro pa ni tatang. Natawa ako dahil ang kulit niya pa din kahit kakagising lang niya mula sa pagkabagok.

"Tatang naman eh" pabiro kong reklamo bago ko siya niyakap. "Pagaling ka tang ah, wag ka na rin muna magtrabaho, ako na po ang bahala"

Naramdaman ko ang mga palad niya na humaplos sa ulo at likod ko. Sumilay ang ngiti ko sa labi dahil doon, namiss ko yun ng sobra eh.

"Nakahanap ka na ba ng Trabaho nak?"

"Oo tang! Kaya ako na ang bahala ha, kaya ko ito eh basta ba nasa mabuti kayong kalagayan"

"Ako naman ang tatang mo, responsibilidad ko iyon"

"Tang naman! Makinig nalang kayo sa akin, okay lang ako tang at saka, mataas naman ang sweldo ko tang kumpara nung dati kaya kaya ko na basta ba at safe lang kayo"

Tumawa pa si tatang.

"Ikaw talagang bata ka, baka ginugoodtime mo lang ako, nung unang mga araw eh palaging nakabusangot iyang mukha mo dahil wala kang mahanap na trabaho, eh bakit naman agad-agad kang nakahanap ngayon?"

Napatigil ako. Hindi ko planong sabihin kay tatang na binabribe ako ng amo kong mainitin ang ulo na bumalik sa kompanya niya. Baka isipin ni tatang na baka nahihirapan ako. Dahil kahit ganoon ang boss ko, kaya ko kaya siyang pakisamahan dahil sa utang na kailangan kong bayaran.

"Dahil sa iyo yun tang, dasal ako ng dasal para sa iyo kaya may dumating na grasya, malakas ka kaya kay Lord" nakangisi kong sagot.

Tumawa naman si Tatang. Hindi ko talaga maitago ang galak dahil sa wakas, unti-unti nang humupa ang problemang kinakaharap ng pamilya namin ngayon. Isa nalang ang pakikibakahan ko sa buhay. Iyon ay ang araw-araw na magpa-alipin sa boss kong anak ni Taning.

-----------------------------------------------------

Nakabalik na ako sa building ng kumpanya bago mag lunch. Nabayaran ko na ang bills sa hospital at bukas na bukas din pwede ng maka-uwi si tatang. Okay na ang lagay niya at sabi naman ng doctor ang blessed daw ni tatang dahil minor concussion lang daw ang natamo nito kaya pwede ng sa bahay na ito magpagaling.

Dinaanan ko si Maddie sa Opisina niya, upang magpasalamat at magbayad nadin dun sa pinahiram niya. Ngunit bago ako makapunta dun ay kailangan ko munang mag antay ng elevator. Habang nakatingin sa mga buttons na isa-isang umiilaw ay may pamilyar na amoy na numunuot sa ilong ko. Bigla akong napabow nag mapag-alaman kong ang amo ko pala iyon. Habang nakabow ay naririnig ko ang takong ng sapatos na papalapit sa akin hanggang sa huminto sa harapan ko.

"Miss Avila, good that you're already here. I have a lunch meeting and I need a secretary there" seryoso nitong sabi tapos tumalikod na.

Mabilis akong sumunod sa kanya. Kahit gusto kong iwaglit ang nangyari kanina ay bumabalik iyon sa balintataw ko kaya nahihiya ako sa boss ko ngunit tinatagan ko ang loob ko.

Mabilis kong inayos ang paglakad ko at maliksing sinundan si boss.

Nakatayo si Arnel sa pintuan ng passenger seat at pinagbuksan agad iyon ng makita na si boss ng makapasok na ay ang pintuan naman ng upon sa tabi ng driver seat ang binuksan niya. Mabilis kong nginitian si Arnel at siya naman bago ako pumasok.

Nakikiramdam lang ako sa paligid ng umandar na ang kotse, first time kong makasakay ng ganoon kagarang kotse at wala talaga akong nafeel na kahit isang alog.

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon