Chapter 16

16.4K 407 12
                                    


"Good Morning!" Masiglang bati sa akin ni Boss pagkapasok niya sa Office.

Ninerbyos ako sa presensya ni Boss. Matapos nang pinag-gagawa namin kahapon sa kotse niya ay na hihiya na akong pakiharapan siya. Ayaw ko sanang pumasok sa araw na ito para iwasan muna siya kahit isang araw lang, papalipasin ko lang sana kaso sayang naman ang susweldohin ko.

"G-ood Morning din S-sir" mahina kong tugon ng hindi siya tinitingnan. Nakaka-ilang naman ito, sana lalamunin na ako ng lupa.

Lumapit sa cubicle ko boss, napasinghap ako. Bakit ka ba lumapit boss? Personal space naman diyan oh, gusto niyo bang atakehin ako sa puso nito?

"Crisanta, nag breakfast kana?" nakangiti niyang tanong sa akin gamit ang malumanay na boses.

Ewan ko lang pero nababaghan na ako sa kinikilos ni boss. Una, Iyong paghalik niya sa akin, Pangalawa, itong bait-baitan naman niya na hindi naman normal sa pagkatao niya at Pangatlo, hindi na niya ako ina-address na Miss Avila. Nakakailang kasi dahil sa kada bigkas niya sa pangalan ko ay parang napakasarap pakinggan where in fact, nababaduyan naman ako sa pangalan ko.

"Ha? Ah eh...uhm O-oo sir, tapos napo akong nag breakfast kanina sa bahay" naiilang kong sagot.

Biglang nawala ang pag ngiti nito.

"Okay, I guess I'll just skip my breakfast today"

Napatigil ako. Binablackmail na naman ba ako ng boss ko? Ang galing talaga nitong mamblackmail.

Napabuntong hininga ako.

"Sir, marami po kayong meetings ngayon at kailangan niyo pong kumain"

"Nah, I can't eat my breakfast without a company" at walang lingon-likod itong pumasok sa opisina nito.

Natulala akong tiningnan ang pintoan ng opisina niya. Ano yun? Inatake na naman ba ito sa pagka bipolar nito? Hindi ko nalang pinansin kaso nakokunsensya talaga ako pag hindi siya nakaka-in ng umagahan kaya napilitan akong tumayo at tinungo ang office niya.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. Nakatingin lang ito sa laptop nito, nakakunot ang noo. Ewan ko lang kung napansin niya ang pagpasok ko o sadyang hindi niya lang ako pinansin. Hooo Lord, Kung hindi gago, ang bugnutin naman ng taong ito.

"Uhm S-sir, mag o-order napo ba ako ng breakfast for two?" magalang kong tanong.

Bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti. Kitam? The master of blackmail strikes again, sarap upakan. Pasalamat siya at naiilang pa rin ako sa kanya at ginagampanan ko lang ang trabaho ko.

"Actually, I know this place that offers breakfast and brunch reservation just two blocks away from here"...tumayo na ito at nilapitan ako, napatingala pa ako sa kanya na parang namamalikmata sa bilis ng pagbago ng expression nito " Shall we?" at minuwestra niya ako palabas.

Alam mo yung pakiramdam nang na bola? Oo, ganyan nga ang nararamdaman ko. Sana pala hindi na ako na konsensya, mukhang hindi naman ito bubulagta sa gutom, sa laki ba naman ng mamang ito.

Pumasok kami sa isang restaurant na mayroong napakataas na kisami. Glass wall din kaya pasok lahat ng liwanag mula sa araw. Mukhang mamahalin lahat ng mga muwebles doon. Kahit mahirap lang kami ay alam kong kumilatis ng maganda at dekalidad na mwebles. Sa katunayan nga niyan, gusto kong mag interior designer noon kaso, kapos kami kaya nag two year course nalang ako.

"Good Morning Sir Villafuerte" bati ng waiter na nakatayo sa entrance ng restaurant na iyon.

May mangilan-ngilan na ring kumakain na halatang mga sosyal din. Iginiya kami ng waiter sa isang pwestong may nakahanda ng pagkain. Kahit nagtataka ay umupo nalang ako ng pinaghila ako ni boss ng upoan na iwinaksi ko nalang. Sobra sobra na ang boss ko. Nakakailang na masyado.

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon