Chapter 33

13.5K 302 15
                                    

"Where are you?"

Lumikot ang paningin ko at hinanap ang mama ni Jacobo. Nakita kong busy siya sa paghahanap ng kung ano-ano sa boutique na pinagdalhan niya sa akin.

"Poging Jacobo, secret daw sabi ng mama mo" mahina kong sagot.

Sabi kasi ng mama niya na girls day out daw namin iyon kaya we should not entertain the boys. Pero kaya ko bang hindi i-entertain ang love of my life? kaya heto ako, nagtatago habang sinagot ang tawag ni Jacobo.

"Si Mom talaga, just take care okay?" malambing na sabi niya. Hindi ko mapigilang mapasmile.

"Arasso!"

"What?"

"Okay. haha, saranghae" hindi ko mapigilang humagikhik.

"What is it? are you learning chinese?"

hindi ko mapigilang tumawa. Napaka walang malay talaga 'tong taong ito.

"Hindi, korean iyan. Meaning I love you"

"Ah, o-okay. Saranghae, je t'aime" mahina nitong sabi pero tagos hanggang likod ko ang mga katagang iyon. Hindi pa talaga ako nasasanay sa mga pa I love you ng love of my life ko.

Hindi mawala-wala ang ngisi ko kahit tapos na ang tawag. Nasa cloud nine ako palagi, araw-araw ay pinaparamdam sa akin ni Jacobo na ako lang at wala ng iba, ganda talaga ng lola niyo.

"Crisanta my dear, come here" narinig kong tawag sa akin ng mama ni Jacobo.

Gusto niyang tawagin ko na siyang mommy pero hindi ko pa rin mabigkas-bigkas. Para pa din kasing suntok sa buwan kahit alam ko naman na tanggap nila ako bilang mapapangasawa ng anak nila.

"Ano po iyon?"

"I want you to try these couture dresses for your engagement party" excited na sambit nito pero hindi ko mapigilang mapaubo.

Hindi ko alam na may engagement party na magaganap. Akala ko, iyon na yun. Hindi naman sa ayaw ko pero kahit alam kong mahal ako ni Jacobo at tanggap ako ng pamilya niya ay hindi ko maiwasang isipin ang mga tao sa sociedad nila. Alam kong hindi lahat ng mga nasa alta ay katulad nila Jacobo. Alam kong may mga kilay na titikwas at may manlalait.

"Ow, what's wrong?" tanong nito ng hindi ako nagsalita.

Alangan ko siyang tiningnan at napakamot sa ulo.

"Ano ho kasi, Hindi pa naman kami nag uusap ni Jacobo tungkol sa detalye ng kasal. At... hindi din niya nabanggit na may engagement party. Kailangan pa po ba iyon, M-mom?"

Tumawa ito at hinaplos ang mukha ko.

"Of course. I want the best for my son and for you. I want to introduce you to them and I am sure Jacobo would love that too. I think I got the idea why you doubt it Crisanta, but I won't let anybody look down on you. It's not always a gold digger story when a rich marrys the poor. That's an ancient belief, what I believe is that my son loves you and so are you. And that's the only thing. that's the only thing that matters. Remember that"

Nakakatouch, paano ko ba nadeserve to? naging mabuting tao ba ako sa past life ko at grabeng reward ang ibinalik sa akin?

Hindi ko tuloy maiwasang maluha. Infairness, kahit english iyon ay nuot sa buto ang mga salita ng mama ni Jacobo.

"Why are you crying?" gulat na tanong niya.

Umiling ako at ngumiti kahit nag uunahan ang pagtulo ng luha ko.

"Ano lang ho, t-tears of joy"

"Ow Crisanta Dear" at mabilis niya akong niyakap.

Hay Lord. Namiss ko tuloy si nanang. Iba pa rin pala talaga pag may nanay. Hindi naman sa nakukulangan ako sa alaga ni tatang dahil alam ko naman ang paghihirap niya na mapalaki kami kahit siya lang mag-isa pero mas masaya sana kung hindi maagang nawala si nanang. Naiimagine ko tuloy kung gaano siya kasaya na malaman na mag-aasawa na ako, baka mas excited pa iyon kaysa sa mama ni Jacobo.

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon