Chapter 31.1

12.8K 246 10
                                    

Nagtatalop ako ng manggang hilaw, dinalhan kasi ako ni Jasper pagkauwi nila mula sa pag-akyat sa Mt. Dawit. May mga ligaw daw na punong mangga doon na siyang pinagkaka-abalahan niya habang papauwi sila. Siya ang naging Guide ni John na mukhang hapong-hapo kaya dumiritso na ito sa pagtulog. Sa loob ng tatlong araw simula ng dumating kami ni John dito sa pamamahay nila Tiya ay napalagayan ko na siya ng loob. Sinubukan kong patulan ang pangungulit niya, mukhang effective naman dahil napakaraming kalokohan pala itong nalalaman.

Sa loob ng tatlong araw na iyon ay minsan lang sasagi sa isip ko si Jacobo. At tuwing sasagi naman siya sa isipan ko ay ina-abala ko ang sarili ko sa paggawa ng kung ano-ano. Kaya minus nalang talaga na maisip ko siya. Atleast, effective ang bakasyon grande ko dito sa San Nicolas.

"Jasper, hali ka na, maglagay kana ng asukal sa toyo para may sawsawan tayo" Tinawag ko na si jasper matapos kong talopan at hiwain ang mga manggang dala niya.

Wala si Tiyo Armand at Tiya Sonya dahil namamalingke, ipinagmaneho kasi ni Tiyo si Tiya sa kanilang de kargang motor. Ang sweet nga ng dalawa, nakakainggit. Iyon lang naman sana ang gusto ko. Makahanap ng taong simple na mabait at mabuting tao pero sa iba ako nagkagusto, sa nuknukang yaman na masama ang pag-uugaling tao pa. Edi sana, safe ako sa brokenheart ngayon.

"okay ate Crissy" malambing nitong sagot.

Crissy ang tawag nila sa akin dito, nakakatanda daw ang Crisanta. Actually, isang tao lang ang naglakas loob mang asar sa pangalan ko, andoon sa kwarto niya, naghihilik ang bunganga. Magaan namang sinunod nila Tiya kaya Crissy na ako dito.

"Bilisan mo ah, uubusin ko 'to"

"Hindi mo titirahan si Kuya John? siya pa naman ang nagbuhat ng iba" Nakita ko ang pag guho ng ulo niya mula sa kanyang kwarto.

Sinimangutan ko siya bago sinagot.

"Wow, nagbuhat ah? Limang piraso? Binuhat?"

"Si ate Crissy talaga, palagi mo nalang pinagtitripan si Kuya John, baka ma develop ka sa kanya ah" pangtutudyo ba nito bago binuksan ang kwarto.

Eww! Hindi sumagi sa isip ko 'yon. Kuntento na ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon, hindi na ako uulit pa.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng mangga at pag aalaskahan ng may marinig kaming malakas na tunog na parang metal na iginuhit sa kalsada. Mabilis akong tumayo at tiningnan kung anong nangyari sa kalsada. Nahuli sa paningin ko ang pagbalentong ng isang malapad na sasakyan pababa sa palayan habang may isang Truck na puno ng mga produktong gulay ang nakabalandra sa daan. Base sa obserbasyon ko ay walang salpukan na nangyari ngunit nahihintakutan ako sa sasakyan na ngayon ay nakatigil na sa baba.

Hindi na ako nag-isip pa ng iba. Ang nasa isip ko ay kailangan kong isagip kung sino man ang tao sa loob ng sasakyang iyon. Tumakbo na ako papunta sa hinimlayan ng sasakyan. Mababa at padausdos ang palayan kaya hindi talaga imposibleng mapurohan kung sino man ang sakay nito.

"Ate Crissy!" narinig kong tawag ni Jasper kaya mabilis ko siyang binalingan at sinabihang tumawag siya ng responde. Malimit lang ang pagdaan ng mga sasakyan sa parteng iyon kaya maige nang daluhan ko muna ang biktima ng aksidente kaysa maghintay ng responde.

Hindi ko mawari ang mararamdaman. Ninenerbyos ako at pinagpawisan. Maingat akong nakababa sa pwesto doon at mabilis na lumapit sa pintuan. Ayaw nitong mag bukas. Sinubukan kong katukin at nag baka sakali na magising o matauhan ang nasa loob niyon ngunit bigo ako. Tiningnan ko ang loob ng kotse, ipinagsalikop ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko upang nakita ang loob. Mag naaninag ako, isang mamang nakadagan sa steering wheel. Nakaharap ito sa kabilang direksyon. Wala itong malay at kailangang mabuksan ang sasakyan bago ito ma suffocate sa loob. Dahil walang choice ay naghanap ako ng bato upang basagin ang salamin niyon. Mabilis ko namang ginawa, wala ng sayng-sayang. Sasakyan lang ito, buhay naman ang sasagipin ko.

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon