Chapter 20

15.1K 356 13
                                    

"Cris, okay ka lang talaga d'yan? pasensya ka na nawala sa isip ko na schedule pala namin ni Tatay sa gamutan niya" nag-aalalang sabi ni Arnel.

"Okay lang oy, maglibut-libut nalang muna ako rito, mukhang may bagong bukas na mga shops dito kaya wag ka nang mag-aalala sa akin basta masamahan mo lang ang tatay mo" naiintindihan kong tugon.

"Salamat Cris. Hintayin mo lang ako d'yan"

"Oo, sige na, doon ka na sa tatay mo"

Nagpaalam na ito sa akin.

Manonood sana kami ng sine, at dahil may pinuntahan akong supplier ay naisipan ko na ring sa mall ko nalang siya hihintayin para hindi na siya ma-aabala pa.

Kaso, sabi niya baka daw mamaya pa siya makakarating dahil sinamahan pa nito ang tatay nito sa ospital. Okay lang iyon sa akin. Dapat unahin niya ang tatay niya, mas importante naman iyon kaysa sa panonood ng sine.

Regular na kaming nagkikita ni Arnel. At naisipan ko na ring sagutin na siya. Nakita ko naman na ginalingan niya masyado sa pag-aasikaso sa akin. Nakakahiya na nga minsan dahil todo na ang effort niya sa akin para lang ako mapasaya. Infairness naman sa isang iyon, pinoprove niya talaga na karapat-dapat siya sa pagmamahal ko.

Nag ikot-ikot ako sa mall at napadako ako sa isang shop na bagong bukas. Mga alahas ang tinda ng shop. Maraming tao at may media pa. Mukhang bigatin ang may-ari.

May redcarpet na nakalatag papasok sa shop. Halatang Sosyal talaga. Nakikiumpok pa ako para makita ang loob ng shop kaso nakasara pa pala ang pintuan. May ribbon din na nakatali sa pintuan.

"Ayy, baka mamaya pa iyan. First time ko pa namang makakita ng opening na ganito"

Naisipan kong maglakad-lakad muna at babalik nalang kung sakaling maabutan ko pa ang ceremonias dun, mukha kasi akong na iintrega. Hindi ko din alam kung bakit.

Umakyat muna ako sa 2nd floor para doon muna mag iikot. mga 20 mins pa at pinili ko ng bumaba.

Mukhang nagsisimula na ang Ceremonias, panay kuha ng litrato ang mga media na nandoon. Naiinis pa ako k'unti dahil hindi na ako makasiksik. Sa liit kong ito ay ang signage lang  ng shop ang tanaw ko.

Hindi pa din ako umalis sa umpokan na iyon. Ewan ko ba, para talagang may kung ano sa shop na ito at gusto kong makawitness ng opening nito.

Kahit mga bumbunan lang ang nakita ko ay tinry ko talagang makasilip man lang sa harapan ngunit wala talaga. Umatras nalang ako ng kaunti   kasi useless lang talaga makikipagsiksikan sa umpokan ng mga tao. Baka maipit pa ako.

"Ladies and Gentlemen, let's give Madamme Maria Victoria Villafuerte an applause to welcome us all in Maria Victoria Jewelry"

Masigabong nagpalakpakan ang mga tao. Ako? para akong nabingi. Matagal ko ng iwinaksi sa isip ko ang apilyedong iyon. Ngunit ngayom ay bumalik lahat sa memorya ko ang mukha ni Boss, parang piniga ang puso ko.

Gusto ko siyang limutin, magmove on, pero kahit apilyedo niya lang ay bumalik lahat sa akin, ni hindi nga ako sigurado kung ka-ano-ano niya ang may-ari ng shop na iyon.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Pasimple kong pinahid ang luha ko at nagdesisyong umalis na doon. Habang pinupinasan ko ang mga luha ko ay napa-igik ako dahil para akong bumangga sa isang pader. Ang bangong iyon, na-aalala ko pa. Ang init ng katawan, pamilyar pa sa aking kalamnan.

Dahan-dahan akong tumingala at... hindi ako makahinga. Aparisyon ba 'to? Hindi ko alam. Hindi gumagana ang isip ko.

"Crisanta"

Huling dinig ko bago nawalan ng malay.

                          ~~~~~~~~~~~~~
Ang huling na-alala ko ay nakita ko raw si Boss bago nawalan ng malay. Hindi ako sigurado kung siya nga ba iyon o imahinasyon lang dahil siya ang iniisip ko sa mga oras na iyon.

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon