Kaloy × Vice

10.6K 210 18
                                    

Buhat dito, buhat doon. Pukpok dito, pukpok doon. O baka ibang pukpok ang isipin nyo ha. Nagtatrabaho lang naman ako sa construction site malapit samin. Sayang ang kita eh. Pang-lima ko na atang trabaho ito. Naging delivery boy ay este delivery girl na ko, naghardinera, nagcarwash girl at naging tagalinis nadin ako ng salamin ng napakataas na building. Trabahong panlalake pero kinakaya ko para sa pamilya ko.

After kong grumaduate ng highschool ay naging breadwinner na ko sa amin. Bata palang kase kaming tatlong magkakapatid ay namaalam na ang tatay. Inatake sya sa puso habang nagmamaneho ng truck ng oxygen. May dalawa akong kapatid na lalaki, mga Kuya ko. Isang tanyag na tamad at isang successful tambay. Pero kahit ganyan sila, mahal na mahal ko sila.

Oo nga pala, ako si Ana Karylle Tatlonghari pero Kaloy ang tawag nila sakin. Paano ba naman, ang bargas ko daw kumilos at lalake kung manamit. Nasanay na kase ako sa ganitong gawi dahil sa mga Kuya ko. One of the boys, ika nga nila. Lagi nga akong napagkakamalang lalake o di kaya nama'y tomboy pero sa totoo lang, babaeng babae po ako. Naaattract sa mga poging lalake at nangangarap makahanap ng prince charming.

.

.

"Kaloy, hinahanap ka ng bisor natin... Pumunta ka daw sa opisina nya." sabi sakin nung isa kong katrabaho.

"Ganun ba... Teka, tatapusin ko lang 'tong paglalagay ng semento."

Nang matapos ko na ang ginagawa ko ay agad akong dumiretso sa opisina ng supervisor namin.

"Sir, pinapatawag nyo daw po ako?" tanong ko.

"Kaloy didiretsuhin na kita... Kulang na ang budget ng kliyente kaya kailangan nang magbawas ng mga tao at pasensya na dahil kasama ka sa mga matatanggal." diretsahang sambit ng bisor. "Ito na ang huling sahod mo."

Wala na akong nagawa kundi kunin ang huling sahod ko tsaka nagpaalam sa bisor. Ito naman palagi ang nangyayari eh. Matatanggal ako dahil hindi daw pangbabae ang mga pinapasok kong trabaho.

Pagkagaling sa trabaho ay dumiretso muna ako ng botika para bumili ng gamot ni Nanay bago umuwi sa bahay at magpahinga. Dahil kinabukasan ay panibagong paghahanap nanaman ng raket.

.

.

General POV

"Hijo, maaga kang umuwi mamaya pagkagaling mo sa resto.. Bibisita ang mga Abad." sambit ni Lolo Bobet sa apo nyang si Vice.

"Lo, marami pa akong aasikasuhin sa restaurant.. Tsaka sa condo ako uuwi mamaya." pagtanggi ni Vice.

"Kilala kita Jose Marie, magdadala ka nanaman ng babae sa condo mo... Ilang beses ko ba sasabihin sayong magtino ka na dahil ikakasal ka na sa unica hija ng mga Abad." sermon pa ni Lolo Bobet.

"Lo, bakit kase hindi nalang kayo ang magpakasal sa anak ng mga Abad na yan... Hinding hindi nyo ko mapipilit."

Tumayo na si Vice at hindi na nya tinapos ang pag-aalmusal. Tumalikod na ito at naglakad papalayo sa Lolo nya.

"Jose Marie! Sutil ka talagang bata ka!... Give me your car keys!" galit na singhal ni Lolo Bobet.

Walang reaksyong lumingon dito si Vice. Binato nito ang susi ng kotse nya sa lamesa at tumalikod ulit.

"I'm outta here." walang reaksyon nyang sabi bago tuluyang lumabas ng bahay.

Dahil binigay nya ang susi ng sasakyan sa Lolo nya ay napilitang magtaxi si Vice papunta sa restaurant na pag-aari nya. Matapos ang ilang minutong byahe ay nakarating din na sya dito.

Agad syang sinalubong ng mga empleyado ng Miami Vice Resto. Dahil kilalang macho at heartthrob si Vice, puro lalake lang ang lahat ng mga empleyado ng restaurant. Baka daw kase hindi makapagfocus sa pagtatrabaho kapag may babaeng empleyado dahil palaging nakay Vice ang atensyon.

My Pretty BoyfriendWhere stories live. Discover now