At the bar

4.8K 209 24
                                    

"Vice?"

"Huh? Kilala mo ko?"

Bigla namang nataranta si Karylle sa tanong ng binata.

"Ahm... Sa-Sabi ko po, si Vice mayor po nandyan." turo ni Karylle sa labas ng resto kaya napalingon si Vice doon. Nakita nila ang Vice Mayor ng kanilang syudad na nangangampanya.

"Oo nga noh." sambit ni Vice. "Sorry, Vice kase pangalan ko kaya akala ko kilala mo ko." -Vice

Alangang ngiti naman ang sinagot ni Karylle sa binata.

"Wait, parang pamilyar ka?.. May kamuka ka kase." biglang sambit ni Vice.

"Po? Ba-Baka kamuka ko lang yun, Sir." kabadong sagot ni Karylle.

"Sabagay tama ka.. Kamuka mo lang talaga yun, hindi nga nagsusuot ng skirt yun eh." nakangiting sambit ni Vice.

After kunin ang order ni Vice ay mabilis na bumalik si Karylle sa counter. Napahawak pa sya sa dibdib habang habol ang hininga.

"Anong nangyari sayo K?" tanong ni Angel.

"Wala po Mam, okay lang ako." sagot ni Karylle.

.

.

.

Kinagabihan ay sinundo ni Ian si Karylle sa bahay nila. Napatulala pa si Ian nang makita si Karylle dahil sa suot nitong black cocktail dress (yung sinuot nya sa GGV) at ang nakakulot nitong buhok na lagpas na ngayon sa balikat nya. Inalalayan sya nito pasakay ng kotse.

"Nag-iba ka na talaga Kaloy.. Ang ganda mo na." papuri ni Ian na kasalukuyang nagmamaneho.

"Karylle nga po.. Wala na si Kaloy." -Karylle

Ian laughs.

"Oo nga pala.. You are now the gorgeous Karylle... Naisip ko tuloy, paano nalang kapag nagkita na kayo ni Vice... Halos 3months ka ring nagtago sa probinsya nyo." -Ian

"Actually... Nagkita na kami sa bake shop kanina." naiilang na sambit ni Karylle. Kunot noo namang napalingon si Ian sakanya.

"Ian, eyes on the road." saway pa ni Karylle.

"Sorry.. So, anong sabi nya sayo?" -Ian

"Wala.. Hindi naman nya ko nakilala." -Karylle

"Really?!.. Mas lalo tuloy akong naexcite magkita kayo." -Ian

"Wag na sana!" -Karylle

Di nagtagal ay huminto na ang sasakyan ni Ian sa isang pamilyar na bar. Ito yung bar kung saan una nyang naisakay si Vice sa taxi.

"Teka, akala ko ba dinner date?" nagtatakang tanong ni Karylle.

"I think mas mag-eenjoy tayo dito.. Matagal kang nawala, namiss mo na sigurong pumarty." sagot ni Ian.

"H-Hindi naman ako sanay sa ganito." -Karylle

"I texted Anne kanina, nandito daw sya kasama yung boyfriend nya... Hindi pa kayo nagkikita di ba? Tara na. " -Ian

Hindi na nakaangal si Karylle nang nakalabas na ng kotse si Ian. Gusto na din naman nyang makita si Anne dahil simula noong umuwi sya ng maynila mag-isa ay hindi pa sila nagkikita. Sumunod nadin sya kay Ian.

Alam na nya ang itsura ng loob ng bar dahil nadala na sya ni Vice dito. Maya maya pa ay may tumawag kay Ian.

"Ian! Here!" sigaw ng babae.

"Ayun pala si Anne." -Ian

Iginiya sya ni Ian papunta sa upuan ni Anne.

"OMG Karylle!!! Namiss kita girl!" sigaw ni Anne sabay yakap kay Karylle.

My Pretty BoyfriendWhere stories live. Discover now