Anak ni Kaloy?

4.7K 216 43
                                    

Karylle's POV

"Ang kulit talaga ng daddy Vice mo.. Parang ikaw." bulong ko sa batang babaeng katabi ko sa kama. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko ang maamo nyang mukha. "Ikaw naman Karylle, masyado kang assuming. Daddy talaga?" sa isip ko.

4 years old na si Kurtney Coleen. Iniwan sya ng mommy nya sakin sa probinsya dalawang buwan na ang nakakalipas. Pinsan ko ang mommy nya na hiniwalayan ng asawa, at malapit din ako sa batang ito kaya pumayag ako. Pero after ng isang buwan, sumulat sakin ang mommy nya na baka matatagalan pa daw bago nya mabalikan si KC. Wala na akong nagawa kaya ako na muna ang tumayong ina ng bata. Mabuti nalang mabait at masayahin si KC kaya agad kong nakalimutan ang naging alitan namin ni Vice noon.

Dumating ang time na kailangan ko na bumalik mag-isa ng maynila para magtrabaho. Iyak ng iyak si KC noong paalis na ako, kaya nahabag ako at nagpasyang isama nalang sya pabalik ng maynila.

Ngunit nahirapan ako noong mag-umpisa na akong magtrabaho sa Angel's Sweets. Wala kasi akong mapag-iwanan kay KC. Minsan nakikisuyo ako kay Anne para alagaan muna si KC. Minsan naman ay sinasama ko sya sa bake shop. Mabuti nga't pumayag si Angel na isama ko si KC sa shop kahit isang linggo't mahigit palang akong nagtatrabaho sakanya.

Biglang nag-alarm ang phone ko. 12 midnight na pala, kailangan ko nang matulog dahil maaga pa ako papasok sa shop. Umayos na ako ng higa sa tabi ni KC. Matapos ang ilang minuto ay nakatulog na ako.

.

.

.

Vice's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng kotse sa tapat ng bahay nila Karylle. Yes funny, stalker na yata tawag sakin. I wanna know kung ano pa bang pagbabago sakanya ngayon bukod sa ayos nya.

Ilang minuto ang lumipas ay may nakita akong batang babae na lumabas mula sa bahay nila. May dalang maliit na bola ng basketball. I think, 4 o 5 years old na 'to. She is dribbling the ball. Maya maya ay lumabas nadin si Karylle sa bahay. Nakaayos na ito at nakaready na sa pagpasok.

"Mama K!" narinig kong tawag ng bata. Mama K?

I got more curious kaya sinundan ko sila hanggang sa bake shop. "Sino kaya itong batang 'to? Bakit Mama K tawag nya kay Kal--- kay Karylle?" sa isip ko. Pumasok na sila Karylle sa shop. Seriously? Dinadala ni Karylle ang anak nila sa trabaho? Nasaan ang tatay?

Lumipas ang isang oras. Nanatili lang ako sa loob ng sasakyan ko habang tinitignan si Karylle. Nakita kong lumabas yung bata dala ang bola nya. I took the opportunity para kausapin yung bata. Agad akong bumaba ng kotse ko at lumapit sa bata.

"Hi!" bati ko.

"Hello po!" nakangiting sagot naman ng bata. Ang cute nya. Medyo kulot pa.

"What's your name?"

"Ako po si KC."

"Bakit ka nandito sa labas?" tanong ko.

"Nagpeplay po kasi ako ng ball ko."

"Nasan yung mommy mo?"

"Ayun po oh." tumuro sya sa loob ng shop. She is pointing to Karylle na busy sa pag-aasikaso sa mga costumer. Paano?

"Busy pala yung mommy mo... Gusto mo mag-play tayo?"

"Sige po! hihi." she chuckled. "Alam mo po, may picture ka po sa bahay. Ikaw po ba ang daddy ko?" napakunot noo ako. Daddy? Paano?

"Ahh. Siguro nga." alangan kong sagot.

.

.

.

Karylle's POV

Madilim na sa labas pero hindi ko padin alam kung nasan si KC. Nawala kasi sya kanina habang busy ako sa pag-aassist ng mga costumers. Hinanap ko sya sa loob at labas ng shop pero hindi ko sya nakita. Maluha luha na akong umuwi dito sa bahay. Baka umuwi lang sya kaso wala padin.

Napahilamos nalang ako sa mukha habang nakaupo sa sofa. Maya maya pa ay may narinig akong sasakyang huminto sa tapat ng bahay. Agad akong sumilip sa bintana. Ugh not now Vice!

Ngunit nagtaka ako nang may bumaba pa sa kabilang side ng kotse nya. "Si KC!" Dali dali akong lumabas ng bahay para salubungin si KC.

"Mama K!" masiglang sigaw nya habang papalapit sakin. Niyakap ko sya.

"Saan ka nagpunta? Nag-alala ako sayo!"

"Pinasyal ko lang sya."

I saw Vice smiling at us. Bumitaw ako sa yakap kay KC at hinarap si Vice.

"Ikaw lalake! Pwede kitang kasuhan ng kidnapping! Alam mo ba yon!" singhal ko. He just give me a smirk.

"Chill ka lang.. Wala akong balak ilayo sayo ang anak mo." nakangiti nyang sabi.

Anak ko? ahh right. Nung una pinagkamalan nya kong lalaki, ngayon naman akala nya anak ko si KC.

"Nasan yung tatay nya? Hindi mo man lang sinabi sakin noon na may anak ka na pala.. Ang laki na nya."

Nakita kong lumungkot yung mukha nya. Matatawa ba ako? o Maaawa?

"Wala ka na dun!... Sige, salamat sa paghatid sakanya."

Akmang papasok na kami sa loob ng bahay nang muli syang magsalita.

"Babalik ako bukas ha... Ipapasyal ko ulit si KC."

"Yehey!.. Hihintayin kita Daddy Vice!" masayang sabi ni KC.

Nagulat ako sa sinabi ni KC. Daddy Vice?

"Kahit wag na!" sabay pairap na talikod ko kay Vice at pumasok na kami sa loob ng bahay.

Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay pinaupo ko muna si KC sa sala para kausapin.

"KC, saan kayo nagpunta?" malumanay kong tanong.

"Sa park po tsaka sa mall.. Tapos we eat pizza."

"Anong sabi nya sayo?"

"He ask me kung sino daw po ang mommy ko.. Sabi ko po ikaw.. Di ba po sabi mo ikaw na magiging mommy ko, Mama K?"

"O-Oo.. Ako na ang mommy mo.. Pero don't forget na may isa ka pang mommy ha?"

"Opo." she chuckled. "Ay Mama K, si Daddy Vice po ba ang daddy ko sayo?.. Nakita ko po yung picture nya sa kwarto mo." napangiti nalang ako.

"Pwede ko po syang tawaging Daddy Vice?" nakangiti pa nyang tanong. Ang kulit talaga nito.

I nodded. Hindi naman ako titigilan nitong batang 'to.

"Yiieehh! Excited na ko ulit makita si Daddy Vice bukas!"

Bigla namang tumunog ang phone ko. May nagtext.

From: Vice

Alagaan mo si KC. Maaga mong patulugin. Susunduin ko bukas yung magiging anak ko.

I replied.

To: Vice

Magiging anak mo? Sorry, hindi ko ipapaampon si KC!!!

From: Vice

Hindi ko naman sinabing aampunin ko. Magiging anak ko nadin sya kapag kinasal na tayo.

To: Vice

In your dreams!!!

From: Vice

No, it's for real. Papakasalan kita kapag napatawad mo na ko.

.

.

.

.

.

to be continued......

My Pretty BoyfriendWhere stories live. Discover now