ViceLoy <3

6.1K 202 20
                                    

Hindi makapaniwala si Karylle na magkapatid pala sila Vice at Ian. Magkaiba kase ng ugali ang dalawa. Si Ian ang kabaligtaran ni Vice. Unang kita palang ni Karylle kay Ian ay nagka-crush na ito sa binata dahil sa kabaitan nito at dahil na din sa babae ang tingin sakanya nito.

Bigla namang binalot ng kaba si Karylle nang ipakilala sya ni Vice bilang boyfriend nya. Napansin nyang kumunot ang noo ng binata.

"Boyfriend mo?" tanong ni Ian kay Vice.

"Ahh oo... BOYFRIEND nya ko." nilakihan ng mata ni Karylle ang binata. Nagets din naman ito ni Ian.

"Ahhh..." patango ni Ian.

"Magkakilala kayo?" singit naman ni Vice.

"Oo, naging costumer ko sya sa carwash." -Karylle

Naging maayos naman ang pag-uusap ng tatlo kahit na naiilang pa si Karylle. Napapansin nya kase ang mga pasimpleng tingin sa kanya ni Ian sabay tatawa ng nakakaloko.

Di nagtagal ay nagpaalam na si Ian kila Vice at Karylle.

"Uuwi na ba tayo?" tanong ni Karylle

"Maaga pa." -Vice

"Maaga?.. 9:30 na kaya." -Karylle

"Kaloy, relax... May pupuntahan pa tayo." -Vice

Inakbayan ni Vice si Karylle papalabas ng resto at dumiretso sa kotse nito.

Nagtaka pa si Karylle nang huminto sila sa tapat ng bar kung saan nya naisakay si Vice dati.

"Anong gagawin natin dito?" -Karylle

"Akong bahala." -Vice

Wala nang nagawa si Karylle nang hatakin sya ni Vice papasok ng bar. Madilim ang paligid, maingay at masikip dahil sa mga taong nagsasayawan sa dance floor. Hindi naman naging komportable si Karylle dahil hindi pa naman sya nakakapunta sa ganitong lugar. Naupo sila sa bakanteng upuan sa sulok ng bar.

"Order ka na ng drinks." -Vice

"Wag na... H-hindi ako umiinom." -Karylle

"Tsk.. Wag kang mag-alala, libre ko naman." pagpupumilit ni Vice

"Hindi na." -Karylle

"Ako na nga." -Vice

Bago pa makatutol si Karylle ay lumapit na ang isang waiter sa table nila at umorder si Vice ng mga hard drinks. Di nagtagal ay muling bumalik ang waiter dala ang mga inumin.

Inabot naman ni Vice sakanya ang isang baso.

"If you don't drink this... Magagalit ako." pagbabanta ni Vice.

Hindi naman alam ni Karylle kung bakit nakaramdam sya ng takot at agad ininom ang laman ng basong iniabot sakanya ni Vice. Napa-smirk naman ang huli.

Maya maya pa ay may lumapit sakanilang babae.

"Hi Vice." bati nito.

"Hi Toni." bati din ni Vice. "By the way, I want you to meet Kaloy."

"Hi Kaloy." kaway naman ni Toni. Nginitian lang din naman ito ni Karylle.

"Have a seat." yaya ni Vice sa dalaga habang tinatap ang upuang katabi nya.

Agad namang umupo si Toni. Napapagitnaan na ngayon si Vice nila Toni at Karylle.

Lihim namang napairap si Karylle nang yumakap si Toni sa bewang ni Vice.

"I miss you." bulong ni Toni.

"Talaga?." natatawang sambit ni Vice. "I miss you too, gorgeous."

Lumipas pa ang ilang oras at parepareho na silang may tama. Nagiging clingy na si Vice kay Toni at ganun din naman ang dalaga. Habang si Karylle naman ay sunod-sunod lang ang pag-inom ng alak. Kanina pa kase sya naiirita sa paghaharutan nila Vice at Toni.

My Pretty BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon