Mahal ko o Mahal ako

5.4K 192 14
                                    

Karylle's POV

"Okay lang naman sakin na mag-alaga sa anak mo, Kaloy." sabi ni Vice na kasalukuyang nasa sala at nanunuod ng tv.

Dinala ko naman sa sala ang miryendang hinanda ko para kay Vice tsaka umupo sa tabi nya.

"Nakakahiya na sayo no.. Ilang araw ka nang nandito sa bahay para alagaan si KC.. Hindi ka na nakakagala o nakakaparty tulad ng dati."

"Okay nga lang sa-----"

"Hep! Wag nang makulit Bossing.. Mamaya na dadating yung pinsan kong pinapunta ni Nanay para alagaan si KC." putol ko sakanya.

Nakita kong napasandal nalang si Vice sa sofa sabay buntong hininga.

"Sige na nga." sabi nya. "Pero dadalawin ko padin si KC dito ha."

I smile then nodded at him.

Masyado na yatang naaattach si Vice kay KC. Paano ko ba sasabihin sakanya na hindi ko naman talaga anak si KC. Tumawag nadin si Nanay sakin kagabi na kukunin na daw si KC ni Iza. Anytime baka bigla nalang sumulpot dito sa bahay si Iza para sunduin ang anak nya.

"Huy Kaloy!" nagulat ako sa tawag ni Vice.

"Ba-bakit?" tanong ko.

"Tulala ka nanaman.. Sabi ko sayo, wag mo ko masyadong iisipin eh." he smirked.

"Ano?!.. Ang yabang mo ha.. Bakit naman kita iisipin?!.. Dyan ka na nga."

Akmang tatayo na ako ng sofa nang bigla nya akong hinatak sa kamay. Sa gulat ko ay na-out of balance ako kaya napaupo ako sa lap nya.

"Oh, ang lawak ng space sa sofa, sa lap ko pa talaga ikaw umupo.. Nag-take advantage ka nanaman, hindi mo pa nga ako sinasagot." nakangiti nyang sabi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ganito ang nararamdaman ko sakanya noon tuwing nasa condo nya kami. I miss this feeling.

Saglit akong napatingin sa nakangiti nyang labi nang bigla kong marealize ang mga sinabi nya. Nasampal ko sya sa mukha ng slight at dali daling tumayo mula sa lap nya.

"Hindi ko sinasadyang mapaupo sa kandungan mo!.. Bakit kasi hinatak mo pa ako?!.. Nakakainis ka!" singhal ko kay Vice sabay walkout papunta sa kwarto.

= = = =

Kasalukyan kaming kumain sa mamahaling restaurant kasama si Ian. Sinundo nya ako sa trabaho at dito kami dumiretso. May sasabihin daw kasi sya sakin.

After naming kumain ay nagsimula na syang magkwento ng kung ano ano. Aaminin kong hindi naman ako interesado sa mga sinasabi nya about sa business nila kaya puro tango lang ang naisasagot ko sakanya.

This time, mukhang nagsisisi na akong pinayagan kong manligaw si Ian. Mas okay na kasi sa akin na friends lang kami tulad ng dati. Ayoko namang saktan ang kuya kuyahan ko kapag diniretso ko sya.

"By the way, I want to invite you sa birthday party ni Lolo Bobet." sabi ni Ian.

"Sure, dadating ako." sagot ko.

"Thanks.. Pero may favor pa sana ako."

"Ano yun?" kunot noo kong tanong.

"I want you to be my date sa birthday party ni Lolo.. Pwede ba?"

Sasagot na sana ako kay Ian nang biglang may nagtext sa phone ko. Agad ko naman itong binasa.

From: Vice

Kaloy, birthday ni Lolo bukas. Alam kong gusto mo akong kadate. Sige, hindi na kita tatanggihan. See tomorrow night, Babe.

Bigla akong natawa at napailing.

My Pretty BoyfriendWhere stories live. Discover now