Brotherhood

5.3K 211 14
                                    

Patuloy lang ang pandadaot ni Vice kay Christian sa birthday party ng Lolo nila. Patuloy din ang pagbabantay nya kay Karylle na wag masolo ng kuya nya.

Niyaya ni Christian si Karylle na sumayaw sa harap ng tumutugtog na banda. Slow ang music kaya magkadikit na nagsu-sway ang dalawa. Nasa balikat ni Christian ang mga kamay ni Karylle habang nasa bewang naman ni Karylle ang mga kamay ni Christian. Di kalayuan sa kanila ay nakamasid si Vice kasama si Vhong na umiinom ng light na alak.

"Naunahan ka nanaman Brad." pambubuyo ni Vhong. Napatingin naman ng masama si Vice sa kaibigan.

"Tsk. Watch and learn Brad. Akong bahala." Vice smirked. Inabot nya ang hawak na baso kay Vhong at naglakad patungo kila Christian at Karylle.

Pero bago sya makarating sa dalawa ay dinaanan nya muna ang isang babaeng nakaupo sa isang mesa.

Nang makalapit sya kila Christian at Karylle ay tumikhim sya para makuha ang atensyon ng mga ito.

"Bro, may gustong magpakilala sayo. Anak sya ng isa sa mga business partner ni Lolo. Inutusan ako ni Lolo na dalhin sya sayo." bulong nya sa nakatatandang kapatid. Kaya napakalas ng hawak si Karylle sa balikat ni Christian.

"Huh?" pagtataka ni Christian. Tignan nito ang babaeng kasama ni Vice.

"Isayaw mo na Bro. Lagot ka kay Lolo kapag inisnob mo 'to." muling bulong ni Vice. "Dali na."

Pwersahang pinaghawak ng kamay ni Vice sila Christian at ng babae kasama nya. Christian give him a death glare. Wala na itong nagawa.

"Rachelle, ikaw na munang bahala sa kuya ko ha... Enjoy!" nangingiting sambit ni Vice bago harapin si Karylle.

"Uhm. Sige, babalik na ko sa upuan ko."

Karylle is about to walk away when he grabs her hand.

"Sandali lang Kaloy." pigil nya kaya napatingin sakanya si Karylle. "Ayaw mo ba kong kasayaw?"

"Huh?.. A-Akala ko----"

"Puro ka akala eh... Halika nga dito."

Nagulat pa si Karylle nang hinigit sya ni Vice sa bewang kaya napahawak sya sa balikat nito.

"Ikaw talagang lalaki ka, palagi ka nalang nambibigla." Karylle blushed.

"Kinikilig ka naman." pambubuyo ni Vice.

"Tse!" nakasimangot na singhal ni Karylle.

Vice laugh then wrapped his arms on her waist and began to dance.

Di tulad ng kay Christian, mas feel na ni Karylle ang pagsasayaw ngayon. Kung kay Christian, nakapatong lang ang kamay nya sa balikat ng binata. Kay Vice naman ay nakapulupot na ang kamay nya sa leeg nito. Kapwa sila natahimik habang magkayakap.

"I love you, Kaloy." bulong ni Vice. Ngunit nanatiling tahimik si Karylle habang naka-rest ang ulo nya sa dibdib ni Vice at mahinang nagsu-sway. Lihim nalang na napangiti si Karylle habang dinadama ang pagyakap kay Vice.

= = = =

"Hatid na kita." alok ni Christian kay Karylle na kasalukuyang nasa labas na ng bahay nila.

"Hindi na, sasabay nalang ulit ako kila Anne." tanggi ni Karylle.

"Sige na.. Hayaan mo na kong ihatid ka.. Please?" pangungulit ni Christian.

"Sige na nga."

Sabay na naglakad ang dalawa papunta sa kotse ni Christian. Ngunit biglang napahinto si Christian sa tapat ng kotse. Kinakapa nito ang mga bulsa ng pantalon nya.

My Pretty BoyfriendWhere stories live. Discover now