Goodbye Kaloy.

5.2K 228 53
                                    

Tatlong araw na ang lumipas matapos ang pag-aaway nila Vice at Karylle. Wala na silang naging koneksyon sa isa't isa. Binura nadin ni Karylle ang number ng binata sa phonebook nya. At sinusubukan nang magmove on sa nangyari.

Nasa mall ngayon ang magkaibigan. Niyaya kase ni Anne si Karylle na mag-mall para hindi na ito magmukmok sa bahay. Hinila ni Anne ang kaibigan sa bilihan ng mga damit. Nagtaka naman si Karylle dahil napakarami ng binili nito. Pero hindi nya nalang tinanong ang kaibigan at nanahimik nalang. Habang pumipili ng damit si Anne ay naupo muna sya sa bakanteng upuan na nasa gilid.

Inaamin nyang si Vice padin ang iniisip nya sa mga oras na 'yon. May part na namimiss nya ang binata pero mas nangingibabaw ang galit dahil sa sinabi nito sakanya. Bumalik ang diwa ni Karylle sa biglang pagtunog ng phone nito. Nakita nyang hindi nakaregister ang number ng tumatawag. Sasagutin na sana nya ang tawag nang dumating si Anne.

"Girl, let's go.. Gusto ko nang kumain." yaya ni Anne.

Muling napatingin si Karylle sa phone nya ngunit tumigil na ito sa pagtunog kaya tinago nya na sa bag.

"Tara na." -Karylle

= = = =

"Huy Brad!"

Halos mapatalon naman si Vice nang tapikin sya ni Vhong sa likod. Agad nyang tinago ang phone na nakatapat sa tenga nya kanina.

"Bakit?" -Vice

"Kanina ka pa dyan.. Sinong tinatawagan mo?.. Si Kaloy no!" pambubuyo ni Vhong.

"H-Hindi ha.. Si Kuya yung tinatawagan ko kaso mukhang busy sya." pagsisinungaling ni Vice. Sinubukan nya kaseng tawagan yung number ni Karylle ngunit agad nyang inend nung nagring ito.

"Si Kuya o si Kaloy?.. Umamin ka na, namimiss mo na si Kaloy." muling pang-aasar ni Vhong.

"Tsk.. Tumahimik ka na nga dyan.. Bumalik ka na sa trabaho mo." pagtataboy ni Vice.

Tumawa naman ng malakas si Vhong habang papalayo kay Vice. Napailing nalang ang huli at umupo sa silyang nasa veranda ng resto. "Kamusta na kaya sya?" sa isip nya.

= = = =

"Bakit ba ang dami mong pinamili?.. May photoshoot ka nanaman ba?" tanong ni Karylle na kasalukuyang kumakain ng pasta. Nasa Italian Restaurant sila ngayon ni Anne. Dito sila dumiretso after mamili ng damit.

"Wala." tipid na sagot ni Anne.

"Para saan yan?" -Karylle

"Para sayo." -Anne

"Sakin?!... Anne naman, alam mo namang hindi ako nagbebestida." angal ni Karylle.

"Girl!.. Babae ka!.. At ang mga babae, nagbebestida.. Tignan mo yang porma mo." napatingin naman si Karylle sa suot nya. "Sigurado ako, yung ibang dinaanan natin, iniisip nilang tboom ka at ako ang jowa mo.. Eeeewww!" maarteng sambit ni Anne. Natawa naman si Karylle sa ekspresyon ng kaibigan.

"Bahala ka.. Basta ayoko." -Karylle

"K, this is it.. Kailangan na nating ilabas ang tunay na gandang AnaKarylle... Akong bahala, tatawagin natin 'tong Anne Curtis Makeover 101!" pagkumbinsi pa ni Anne.

Napaisip naman si Karylle sa sinabi ng dalaga. Patangong ngumiti ito sa kaibigan.

"Sige na nga.. Subukan natin." -Karylle

"Yahoo!.. This is going to be exciting!" -Anne

"Saan tayo magpapaganda?" -Karylle

"Sa condo ko." -Anne

= = = =

"Vice, mukhang wala ka yata sa mood ha." puna ni Tatang Kim kay Vice na nakahalumbaba sa counter.

My Pretty BoyfriendWhere stories live. Discover now