HBD Vice

5.6K 215 28
                                    

"Sorry mo mukha mo!" akmang maglalakad na si Karylle papasok ng resto nang pigilan sya ni Vice.

"If you don't accept my sorry, I will kiss you." -Vice

"What?... Sabi ko na nga ba eh.. Nababakla ka na sakin!" kampanteng sambit ni Karylle.

"Paano kung sabihin ko sayong oo? Gusto na kita?" -Vice

*sapakkkkkk* (tunog ng suntok yan, wag kayong ano.)

Isang malakas na suntok mula kay Karylle ang lumanding sa mukha ni Vice kaya napaupo ito sa sahig.

"Wag mo kong bibiruin ng ganyan... Kase hindi ka bakla!" galit na singhal ni Karylle bago tuluyang pumasok sa resto.

Naiwan naman si Vice na nakaupo padin sa sahig habang sapo ang pisngi nito. Bigla naman syang natawa.

"Vice, your crazy!" natatawang bulong nya sa sarili.

.

.

.

The next day, ay walang pansinan si Vice at Karylle sa resto. Parang hangin lang ang dumadaan sa tuwing magkakasalubong ang dalawa kaya hindi ito nakaligtas sa paningin nila Vhong.

Habang nagpupunas ng mesa si Karylle ay nilapitan sya ni Vhong.

"Kaloy, anyare?" tanong nya.

"Huh?.. Saan?" painosenteng tanong naman ni Karylle.

"Sainyo!" sabay nguso naman ni Vhong kay Vice na nakaupo sa veranda.

"Wa-wala naman.." umiwas ng tingin si Karylle para hindi magpahalata dito na nagsisinungaling sya.

"Kilala kita... Alam kong magkagalit kayo." pambubuyo ng binata. "Tignan mo si Vice.. tingin ng tingin sayo."

Lihim namang sumulyap si Karylle kay Vice.

"Wag ka ngang ano dyan, Vhong... Baka mapagalitan nanaman ako eh." -Karylle

"Ang sungit naman nito... Meron ka ba?" sabay sulyap sa bandang pwetan ni Karylle.

"Uy ano ba?!" inis na singhal ni Karylle.

"Hahaha joke lang!" -Vhong

Nagpatuloy nalang sa pagpupunas si Karylle nang iwanan sya ni Vhong. Habang nagpupunas sya ay panay naman ang nakaw tingin nya sa binata na ngayon ay may sinusulat sa isang papel.

Maya maya pa ay tumayo na ang binata at naglakad patungo sa direksyon ni Karylle kaya tumalikod ito. Nagulat pa si Karylle nang may nilagay na papel si Vice sa mesang pinupunasan nya. "Read this, Babe." ang nakasulat sa ibabaw ng nakatuping papel. Agad nya itong binuklat.

"Tomorrow is my birthday. Please come to my Lolo's house. I want you there. Your presence is the most special gift to me. Hihintayin kita."

.

.

.

It's Sunday afternoon, walang pasok sila Karylle at ang lahat ay nagpeprapare na para sa birthday party ni Vice except kay Karylle na kasalukuyang nasa bahay ni Anne.

"Uy K, wala ka bang balak pumunta?" tanong ni Anne habang nakahiga sa kama nito.

"Hindi ko alam... Nahihiya ako eh, siguro puro mayayaman yung bisita nun... Hindi nya na ko mapapansin noh!" pag-angal ni Karylle.

"Tange!.. Nung nabasa ko yung sulat nya sayo, parang napaka-special mo para sakanya... Feel ko nga, may gusto na sayo yun." -Anne

"Hindi ha... Hindi bakla si Vice, hindi pwede!" -Karylle

My Pretty BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon