Wala na.

4.9K 209 31
                                    

"Oo, totoo... Vice, I-I'm sorry." pag-amin ko sabay buhos ng luha sa mga mata ko.

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Matamang nagtitigan sila Vice at Karylle. Habang bumubuhos padin ang luha sa mga mata ng huli.

"Vice, I'm sorry." halos pabulong na sambit ni Karylle.

Napailing naman si Vice at tiim bagang na tinalikuran sila Karylle at Liz. Mabilis itong pumasok sa kwarto nya. Agad namang itong hinabol nila Karylle at Liz at pilit na kinatok ang pintuan ng kwarto. Nagulat sila nang may marinig na kalabog mula sa loob. Tunog ng mga nababasag na salamin at mga natumbang gamit.

"Vice! Open the door!" sigaw ni Liz habang kumakatok. Napasapo naman sa mukha si Karylle habang umiiyak.

Napatigil naman si Liz sa pagkatok nang muling bumukas ang pinto. Lumabas mula dito si Vice at tinignan ng masama si Karylle.

"Manloloko!" sigaw nya.

Dirediretsong lumabas si Vice ng resthouse at sumakay sa sasakyan ni Liz.

"Vice!" tawag ni Liz ngunit hindi sya nilingon nito.

"Liz, tama na." awat naman ni Karylle.

"No!... Yung kotse ko, baka magasgasan!.. Nasa kanya yung susi!" sambit ni Liz bago tumakbo para habulin si Vice ngunit hindi nya na ito naabutan. Napakunot noo naman si Karylle.

"What's going on?" tanong ni Ian na kakalabas lang ng kwarto nito.

"Ian, alam na nya." malungkot na sagot ni Karylle.

"Where is he?" -Ian

"Umalis syang masama ang loob." -Karylle

Dahan dahang niyakap ni Ian si Karylle at hinimas ang likod nito.

"Don't worry, kakausapin ko sya." -Ian

.

.

.

Vice's POV

After a long quite trip, I found myself in an open area. I think I'm in a top of a mountain or I don't know. Lumabas ako ng kotse and stare at the cities that is overlooking sa kinatatayuan ko. I saw the lights of the buildings and the stars in the sky as I sat on the grass in front of the car.

I'm hurt. I used to believe that she is a boy--- a man. Buong akala ko bakla na ko. Akala ko, I fell inlove with a man. Ready na kong talikuran lahat para sakanya. Kaya kong magpakabakla para sa kanya. Pero ang lahat pala ay kasinungalingan lang. She used me. Pinagmukha nya kong tanga at kahiya-hiya sa mga tao. I hate her!

Hindi ako yung taong madaling umiyak pero bakit nararamdaman kong may umaagos sa mga mata ko. I wiped my tears away then go back to the car tsaka muling nagdrive. Bahala na kung saan ako mapadpad, basta malayo lang sa manlolokong Kaloy na yon.

.

.

.

General POV

Kinabukasan ay maagang dumating si Karylle sa resto. Agad nyang hinanap si Vice ngunit wala padin pala ito dito.

"Kaloy, bakit parang hindi ka mapakali?" tanong ni Tatang Kim. Napansin nya kasi ang mga pagsulyap sulyap ni Karylle sa pintuan.

"Po?... W-Wala po." -Karylle

Maya maya pa ay dumating na si Vice. Mukhang bagong paligo at malinis. Hindi mukhang misirable. Samantalang si Karylle ay halos hindi nakatulog kakaisip sa binata.

Mabilis na humarang si Karylle sa harap nito. Walang reaksyon naman syang tinignan ni Vice.

"Bakit ka pa nandito?" tanong ni Vice.

"Vice, sorry na... Patawarin mo ko." -Karylle

"Wala akong panahon sa mga katulad mong manloloko." akmang lalagpasan na ni Vice si Karylle nang muli itong magsalita.

"Oo nga pala, bawal ang BABAE dito sa restaurant ko... Last day mo na ngayon.. You're fired." sabay talikod ulit ni Vice.

"Grabe ka!... Parang napakalaki ng kasalanan ko sayo!.. Ikaw ang unang nag-akala na lalaki ako... You made a deal at pumayag ako dahil sa pangangailangan ng pamilya ko.. Humihingi na ko ng paumanhin sayo... Sana tanggapin mo, kahit na hindi na tayo bumalik sa dati." mangiyak ngiyak na sambit ni Karylle. Muli naman syang hinarap ng binata.

"So pumayag ka sa deal dahil sa pera?... Nagpanggap ka para sa pera?... Niloko mo ko dahil sa pera?.. Ginawa mo kong tanga dahil sa pera?" tiim bagang na sumbat ni Vice. Kinuha nya ang wallet at kumuha ng ilang pera. Iniabot nya ito kay Karylle.

"Eto ang pera!... Kunin mo at please wag na wag ka nang magpapakita sakin!... Wala akong kilalang mukhang pe----"

Hindi na natapos ni Vice ang sinasabi nang sampalin sya ni Karylle. Napatahimik ito at tinignan ang dalagang basa na ang mukha ng luha.

Lumapit na sila Vhong, Ryan, Teddy at Tatang Kim sa dalawa para umawat.

"Pwede mo kong kamuhian.. Pwede mo kong saktan.. Pero sana wag mo namang tapakan ang pagkatao ko... Ginagawa kong lahat ng ito para sa Nanay at mga Kuya ko--- sa pamilya ko.. Kasi mahal ko sila.. Kaya bago mo ko pagsalitaan ng ganyan sa harap ng mga taong nandito, alamin mo muna ang sitwasyon ko... Gusto ko lang ibigay ang pangangailangan ng pamilya ko... Sige BOSS VICE, kung ganyan lang ang tingin mo sakin.. Mas mabuti ngang wag na kong magpakita sayo." buong hinanakit na sambit ni Karylle.

Patakbo nitong nilisan ang restaurant. Naiwan si Vice na natulala at tila iniintindi pa ang mga sinabi ni Karylle. Isa isa namang bumalik sa trabaho sila Vhong, Ryan, at Teddy.

"Hijo, walang masamang magpatawad... Lalo na't mahal mo ang isang tao... Mabait na bata si Kaloy at masipag... Bigyan mo sya ng pagkakataong magpaliwanag." payo naman ni Tatang Kim bago bumalik sa counter.

Napahilamos naman si Vice sa mukha at padabog na nagtungo sa opisina nito.

.

.

.

to be continued......

Short update.

As I told you guys. Short story lang 'to. Kaya malapit na magwakas. Extend pa ba? ^__^

@kaiceVK14

My Pretty BoyfriendWhere stories live. Discover now