Harana

5.7K 219 22
                                    

Karylle's POV

Naghahanda na ako ng almusal sa dining table nang makita kong humahangos pababa ng hagdan si KC. Nakangiti itong lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngin.

"Goodmorning Mama K!"

"Goodmorning din Baby.. Mukhang maganda ang gising mo ngayon ha."

"Opo.. Makikita ko ulit si Daddy Vice eh." ayun lang. Kaya pala abot tenga ang ngiti nitong batang 'to.

"Uhm Mama K.. May I borrow your phone po?"

"Why?"

"Basta po.. hihi." she chuckled.

Kinuha ko nalang sa pocket ko ang phone ko at iniabot sakanya. Baka gusto nya lang maglaro. Pagkaabot ko ay napakunot noo syang tumingin sakin.

"Mama K?.. Can you call Daddy Vice for me?"

"Bakit?"

"I want to say goodmorning to Daddy Vice.. Sige na Mama K, please?" nagpapacute nyang sabi. I sighed. Halatang sabik na sabik sa ama si KC. Hindi naman kasi nya nasilayan ang tunay nyang ama.

I dialed Vice's number. After ng tatlong ring ay may sumagot na kaya binigay ko agad kay KC. Niloudspeaker ko muna para marinig ko ang usapan nila. Hinayaan ko lang silang mag-usap.

"Hello?" sabi ni Vice with his husky voice. Halatang bagong gising.

"Goodmorning Daddy Vice!" magiliw na bati ni KC.

"Goodmorning din Baby. Nagbreakfast ka na ba?"

"Kakain palang po kami ni Mama K."

"Oh katabi mo ba sya ngayon?"

"Nasa harap ko po sya. She's preparing our breakfast po."

"Ganun ba.. Pakisabi nga sakanya, Goodmorning my loves." napahinto ako nang marinig ko yun. Aba, mukhang kinikilig pa ang g*go.

"No need to tell her po. Naririnig nya naman po tayo."

"Wala ba syang sagot, Baby?" KC look at me tapos nagsmile.

"Wala po. Kinikilig po si Mama K."

Pinanlakihan ko ng mata si KC dahil sa sinabi nya. Nagpeace sign naman si KC sabay pacute sakin. Napailing nalang ako. Narinig kong tumawa si Vice.

"Ganyan yang Mama K mo.. Laging kinikilig sakin. Crush nya kasi ako." mayabang nyang sabi.

"Hoy Viceral! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Tumayo ka na dyan sa higaan mo para magkape!" wala sa loob kong singhal.

"See, Baby? Ang sweet nya."

KC chuckled. I get my phone from KC.

"Hay nako.. Tama na nga yan, mag-aalmusal na kami."

"Teka lang." pigil nya.

"Bakit?" asar kong tanong.

"Wala bang goodmorning kiss dyan?"

"Kiss?. Kiss kiss mo sa pader!.. Bye."

Hindi ko na hinintay yung sagot nya at binaba ko na ang tawag. Pinaupo ko na si KC para kumain ng almusal.

"Si Mama K, halatang kinikilig kay Daddy Vice.. hihi..." bulong ni KC pero narinig ko. Ano bang pinakain ni Vice sa batang 'to? Bakit todo push kay Vice?

.

.

.

Vice's POV

My Pretty BoyfriendWhere stories live. Discover now