At the party II

6.1K 186 11
                                    

A.N: Karugtong lang po ng UD kanina. ^_^

= = =

"Wala na pong engagement na magaganap dahil may mahal na po akong iba.." humarap pa si Vice kay Karylle. "Babe, Kaloy, I love you!"

Nagulat pa si Karylle sa sumunod na ginawa ni Vice. Bigla sya nitong hinalikan sa labi.

= = =

Suntok dito, suntok doon. Ang inabot ni Vice kay Karylle nang makabalik sila sa parking lot. At sa huling suntok ni Karylle ay napuruhan na si Vice sa panga kaya napasandal ito sa kotse nya.

"G*go ka talaga!.. Usapan natin, walang halikan!" galit na bulyaw ni Karylle. Akmang susuntukin nya ulit si Vice ngunit pinigil sya nito.

"Tama na Dude! sorry!... Ginawa ko lang yun para mas kapanipaniwala." paliwanag ni Vice. Iniinda nya padin ang sakit sa mukha.

"Bwisit!... Ayoko na! Suko na ko!"

Akmang maglalakad na papalayo si Karylle nang pigilan sya ni Vice.

"Sandali... Saan ka pupunta?" -Vice

"Uuwi na ko... Bahala ka sa buhay mo!" -Karylle

"Sige umuwi ka!... Ganyan naman kayo, mahilig mang-iwan sa ere... Salamat nalang sa ginawa nating eskandalo sa buhay ko." -Vice

Napatigil naman si Karylle sa paglalakad at lumingon kay Vice. Nakaramdam naman ng awa si Karylle nang makitang nakaupo na si Vice sa sahig habang nakasandal sa kotse.

"All of my life, palagi nalang akong naiiwan because of that stupid arrangement." buong hinanakit nitong sabi.

"Lahat naman ng gusto nila sinusunod ko.. Pero bakit sa mapapangasawa ko, sila padin ang pipili." -Vice

Hindi na napigilang lumapit ni Karylle kay Vice at umupo sa tabi nito. Hinimas nya ito sa likod para pakalmahin. Ramdam nya ang hinanakit ni Vice at paghihirap nito.

"Kaloy, I hire you because I know magagampanan mo ng maayos itong pagpapanggap natin.. Inumpisahan natin 'to, kaya dapat magkasama tayong tatapos nito.... Hihintayin lang naman nating sumuko si Lolo sa pagpilit nya saking magpakasal kay Kaye." -Vice

Karylle nodded.

"Osige, sorry na... Tutulungan na kita sa plano mo.... Pero walang maiinlove ha!" -Karylle

Sumilay naman ang ngiti sa mukha ni Vice.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo, Kaloy?... Hindi ako bakla!" -Vice

Ginulo pa ni Vice ang buhok ni Karylle bago tumayo.

"Get in the car.. May pupuntahan tayo." -Vice

"Saan naman?" -Karylle

"Basta." -Vice

= = =

"Manmanan mo ang bawat kilos ni Vice... Pakiramdam kong nagkukunwari lamang ang apo ko para hindi makasal kay Kaye." sambit ni Lolo Bobet sa kausap nito sa telepono.

"Wag po kayong mag-alala Senior Roberto.. Ako na pong bahala sa apo nyo."

"Sige, tawagan mo ako kapag may balita ka na." -Lolo Bobet

= = =

"Vice? Anong gagawin natin dito?" tanong ni Karylle habang nililibot ang tingin sa mga frame na nasa dingding ng restaurant. "Wala na namang tao dito."

"Wala lang... I just wanna have some drinks with you." -Vice

Naglabas ng beer si Vice at nilagay ito sa table na nasa terrace ng resto. Kumuha rin sya ng yelo para sa mukha nya.

"Late na... Baka hinahanap na ko samin." -Karylle

"Tss.. Ano ka bata?.. Parang hindi ka naman lalaki nya." -Vice

"Hindi nga." bulong ni Karylle.

"Ano?" -Vice

"Wala... Sabi ko, sige tunggain na nating yang beer!" -Karylle

Habang tumatagal ang usapan nila Vice at Karylle ay unti unti na nilang nakikilala ang isa't isa. Marami nang naikwento si Karylle tungkol sa buhay nya kaya si Vice naman ang hinayaan nyang magkwento.

"Ano bang gusto mong malaman?" tanong ni Vice.

"Lahat lahat tungkol sayo.. Unfair naman kung ako lang nagkwento." -Karylle

"Sige... Sabihin nating, ako ang blackship ng pamilya namin... Ako ang pasaway, ako ang g*go, ako ang wala nang ginawang tama para sa pamilya namin.. I have an older brother, nasa states sya kasama ni Mommy.. Sya ang nagmamanage ng family business namin doon.. Ako ang naiwan dito sa pinas kase wala naman daw akong pakinabang.. Ang sakit di ba?" lumingon pa si Vice kay Karylle at muling uminom ng beer.

Si Karylle naman ay nakatitig lang sa mukha ni Vice habang nakapatong ang ulo sa mesa. Tila napako ang tingin nya sa labi ng binata kaya natulala nalang sya. Patuloy padin sa pagkwento ang binata.

"Ang pagpapakasal ko lang daw kay Kaye ang tanging magagawa ko sa kumpanya namin.. Pero ayokong matali sa hindi ko naman mahal.. Nakakahiya man pero, I believe in destiny... Yung tipong makakatagpo mo yung babaeng makakasama mo habangbuhay sa di inaasahang sitwasyon at pagkakataon... Kung hindi ka nga lang lalake, baka maniwala na akong ikaw ang destiny ko---"

Naputol ang pagkukwento ni Vice nang makarinig sya ng hilik. Nang lingunin nya si Karylle ay natawa nalang sya dahil nakanganga na itong natutulog habang nakapatong ang ulo sa mesa. Nilapit naman ni Vice ang mukha nya sa mukha ng dalaga. Pinagmasdan nya bawat parte ng mukha nito hanggang sa mapadako naman ang tingin nya sa labi nito.

"Why do I have this feeling na parang may iba sayo?" sabay hipo sa mukha ni Karylle.

.

.

.

.

to be continued......

Vote. Comment.

#MPB

@kaiceVK14


My Pretty BoyfriendWhere stories live. Discover now