At the Party

6.8K 195 17
                                    

Kasalukuyang nasa kusina ng restaurant sila Vice at Vhong. Tumutulong din kase si Vice sa mga gawain sa restaurant.

"Ano?.. Magpapanggap kang may boyfriend sa Lolo mo?" natatawang tanong ni Vhong.

"Oo, that's the only way para tigilan na ko ni Lolo." -Vice

"Ahh, yung kasama mo kahapon.. Yun ba yung fake boyfriend mo?" -Vhong

Nakangiting tumango si Vice.

"He's cute di ba?." -Vice

"Woah! si Jose Marie Viceral?.. Nakukyutan sa lalake?.. Iba na yan, Brad." -Vhong

Binato naman ni Vice ang kaibigan ng kutsilyo ay este balat ng gulay.

"Baliw!.. Hindi ako bakla!... If I know, ikaw nga 'tong nababakla sakin." natatawang pang-aasar ni Vice.

"I think, we should have some coffee, Dude." -Vhong

Sabay lang na natawa ang dalawa.

"By the way, wag kang mawawala sa party mamaya... May pasabog ako." -Vice

.

.

Samantala.....

Kasalukuyang nasa bahay ng matalik na kaibigan si Karylle.

"Girl, anong kagagahan yan? Pakiexplain!" singhal ni Anne sa kaibigan.

"Alam mo namang kailangan ko ng raket para sa pamilya ko.. Sayang yung 50K a week." sabay subo ng cake na hinanda ni Anne.

"Pero paano kapag nalaman ng Vice na yan na hindi ka talaga lalake?... Kapag nagkataon, you're dead!" -Anne

"Wag kang mag-alala Anning, hindi nya malalaman kase sandali lang naman kaming magpapanggap ni Pogi!" -Karylle

"Ay talaga girl? Pogi?... Pakilala mo ko!" -Anne

"Ayoko nga!" tanggi ni Karylle. "Akin lang sya." sa isip nya.

"Damot mo!... Goodluck nalang sayo... Sana wag kang mainlove sa poging yan." -Anne

Maya maya pa ay nagring ang mamahaling Nokia 3310 ni Karylle. Agad nya 'tong sinagot.

"Hello Bossing?" -Karylle

Sumenyas pa sya kay Anne na tumahimik ito.

"Kaloy, be ready... Magkita tayo sa condo ko, may pupuntahan tayo."

"Ahm... Sige po Bossing." -Karylle

Pagkababa ng tawag ay agad nang nagpaalam si Karylle kay Anne at nagmadaling pumunta sa condo ni Vice.

Pagkapasok ni Karylle sa kwarto ni Vice ay naabutan nya itong nag-aayos ng necktie ngunit nakabusangot ang mukha.

"Boss may problema ba?" tanong ni Karylle.

Lumapit naman si Vice sa harap nito.

"Can you do this for me?" masuyong sambit ni Vice.

Parang nanghina naman ang mga tuhod ni Karylle sa mapang-akit na boses ng kaharap pero pinilit nyang wag magpahalata.

Medyo nanginginig pa ang mga kamay na inayos ni Karylle ang necktie ni Vice. "Jusko! Bakit ganito nararamdaman ko sa lalaking 'to!. Karylle, si Kaloy ka ngayon." sa isip nya.

"Sorry ha.. Hindi talaga ako marunong mag-ayos ng necktie.. Nakakahiya naman." napakamot nalang sa batok si Vice.

"Okay lang po, Bossing." nahihiyang sagot ni Karylle.

"Bossing?.. Ang lakas naman maka-Vic Sotto ng tawag mo sakin." natatawang sabi ni Vice.

"Just call me Vice... Pero mamaya, kapag kaharap na natin si Lolo... Babe ang itawag mo sakin." dagdag pa nya.

"Sige, V-Vice." -Karylle

"Just wear that suit... Kasya yan sayo." turo ni Vice ng damit na nasa kama.

Nasa banyo na si Karylle para magpalit ng suit na bigay ni Vice. Dahil nasabihan sya ni Vice na magready, nakapaglagay na sya ng benda na bigay ni Anne sa dibdib nya para hindi mahalata ang boobs nya.

Pagkasuot ng suit ay muli syang humarap sa salamin. Sinuri nya ang sarili. Wala nang bahid ng pagkababae. Flat na ang dibdib nya.

Pagkalabas ni Karylle ng banyo ay nakita nyang nakaupo si Vice sa couch habang nagbabasa ng magazine. Tumingala ito sakanya.

"Wow, ang pogi naman ng boyfriend ko.... Maliit nga lang." pang-aasar ni Vice.

Inakbayan ni Vice si Karylle papalabas ng condo. Nang makarating sila sa parking lot ay huminto sila sa tapat ng isang Ferrari 458. Namangha pa si Karylle sa nakita kaya agad syang sumakay nang pagbuksan sya ng pinto ni Vice.

"Ganda ng kotse mo ha... Pangmayaman!.. Natatanggal yung bubong?!" naiinosenteng sambit ni Karylle.

Natawa at napailing nalang si Vice. "How can this guy be so cute?" sa isip nya.

Habang nasa byahe sila ay hindi mapigilang matawa ni Vice sa ginagawa ni Karylle. Tumatayo si Karylle sa upuan at sumisigaw pa habang mabilis ang pagmamaneho ni Vice. Convertible kase ang Ferrari kaya mahangin.

"Hey Kaloy, stop it... Baka mahulog ka pa." saway naman ni Vice.

"Ang ganda talaga ng kotse mo Vice.. Pwede, pahiram ako minsan?" -Karylle

"No way... Baka ibangga mo pa." -Vice

Napaupo nalang si Karylle habang nakapout.

"Joke lang, 'to naman... Oo, you can use my car... Babe." sabay kindat kay Karylle.

Nagpigil naman ng kilig si Karylle habang utas naman sa tawa si Vice.

"Hindi ako sanay tumawag ng Babe sa lalake... Kadiri pala!" -Vice

"Ginusto mo yan eh!" -Karylle

Matapos ang ilang minutong byahe ay nakarating na sila sa venue ng party. Lahat ay napatingin sakanilang dalawa dahil magkahawak kamay pa silang dumating.

Si Vice nalang pala ang hinihintay ng Lolo nya para sa anunsyong magaganap. Halos lahat ng malalapit sa pamilya Viceral ay nandoon. Pati ang mga Abad Family. Ngayon kase ang engagement nila Kaye Abad at Vice.

"Hijo, buti at nakarating ka." sambit ni Lolo Bobet sabay yakap kay Vice.

"Please, don't make any scene... Dinala mo pa talaga yang lalaking yan." bulong pa ni Lolo Bobet habang nakayakap kay Vice.

"I'm not creating a scene, Lo.. In fact, I'm making a news." napasmirk na sabi ni Vice.

Hinila ni Vice si Karylle sa gitna ng stage. Kabadong nakayuko lang naman si Karylle. Kinuha ni Vice ang mic mula sa mc ng party.

"Attention guys!" agad namang natuon ang paningin ng lahat kay Vice at Karylle na nasa stage.

"Ahm... Wala na pong engagement na magaganap." -Vice

"Vice?!" tawag naman ni Kaye Abad na agad ding umakyat sa stage. Pero hindi naman nagpaawat si Vice.

"Wala na pong engagement na magaganap dahil may mahal na po akong iba.." humarap pa si Vice kay Karylle. "Babe, Kaloy, I love you!"

Nagulat pa si Karylle sa sumunod na ginawa ni Vice. Bigla sya nitong hinalikan sa labi.

.

.

.

to be continued.....

Vote. Comment. Vote. Comment.

@kaiceVK14


My Pretty BoyfriendWhere stories live. Discover now