Nabakla na!

6.2K 189 12
                                    

Normal na kila Ryan, Teddy, Tatang Kim at Vhong ang pagiging malapit at sweet nila Vice at Karylle dahil alam na nila ang totoo sa pagpapanggap ng dalawa kaya hindi na sila nagbibigay ng malisya tungkol dito.

Naging busy ang lahat sa Miami Vice Resto. Sunod sunod kase ang pasok ng mga costumers kaya hindi magkandaugaga sila Karylle at iba pang mga boys. Maging si Vice ay tumulong nadin sa pag-aassist sa mga costumers.

Maya maya pa napansin ni Vice si Karylle na nakaupo sa counter agad nya itong nilapitan.

"Kaloy, you better take a rest.. Kami na munang bahala sa mga costumers."

Medyo nagulat pa si Karylle sa pagsulpot ni Vice sa tabi nito.

"H-ha?.. Hindi okay lang ako.. Nakakahiya naman sainyo." pagtanggi ni Karylle.

"Wag nang matigas ang ulo.. Dyan ka lang ha, wag ka nang lumabas." pagmamatigas naman ni Vice.

"Hindi okay nga lang sakin.. Tutulungan ko pa kayo." akmang tatayo na si Karylle sa kinauupuan nito nang batukan sya ni Vice. Mahina lang.

"Aray!" -Karylle.

"Wag nang matigas ang ulo, Kaloy... I'm the boss.. Dyan ka lang, that's an order." maotoridad na utos ni Vice.

Natahimik nalang si Karylle at napatango kay Vice.

"Ryan!" tawag ni Vice. Agad namang lumapit ang binata.

"Yish Sher Baysh?.. Anong ploblema?" -Ryan

"Bigyan mo ng maiinom si Kaloy.. Wag mo nading kulitin ha." bilin ni Vice bago bumalik sa mga costumers.

Gaya ng utos ni Vice, kinuhanan nga ng juice ni Ryan si Kaloy.

"Salamat." sambit ni Karylle.

"Your welcome.... Cute mo ha." natawa nalang si Karylle sa binata dahil sa tuwing magkikita sila ay panay "cute mo ha." ang sinasambit nito.

Habang nagpapahinga ay nagba-browse muna si Karylle sa phone nya.

"Hi Kaloy!" bati ni Vhong.

"Uy Vhong." -Karylle

"Ang daming costumers no?" -Vhong

"Oo nga eh.. Gusto ko pa sanang tumulong, kaso pinagbreak na ko ni Vice." -Karylle

"Ahh... Okay yan, kaya naman namin eh... Oo nga pala, parang bagay ata ito sa juice mo." sabay lapag ng sliced cake sa tapat ni Karylle.

"Salamat, mukhang masarap 'to ha." -Karylle

"Oo naman, ako nagbake nyan para sayo... Sige Tol, balik na ko dun." -Vhong

Vhong winked at her bago umalis. Nakaramdam naman ng kilig si Karylle buti nalang at nakaalis na ang binata kaya hindi na nito napansin.

Samantala....

Kanina pa pala nakamasid si Vice kila Vhong at Karylle. Hindi alam ni Vice kung bakit nakakaramdam sya ng inis sa nakikitang tagpo.

"Pssh.." napailing nalang si Vice sa naiisip.

.

.

Kinabukasan ay nagyaya nanamang magbasketball si Vhong kay Karylle.

"Oh ano Tol? One on one tayo?" paghahamon ni Vhong.

"Huh?.. Lugi ako! Hindi ako magaling tulad mo." -Karylle

"Edi tuturuan kita!" -Vhong

"Osige!.. Sandali lang, magpapalit lang ako ng damit sa cr." -Karylle

My Pretty BoyfriendWhere stories live. Discover now