Jelly Vice

6.5K 190 16
                                    

Dumaan ang mga araw at naging busy si Karylle sa paghahanap ng sideline na trabaho. Dahil wala pa namang tawag mula kay Vice na kailangan nilang magpanggap.

Habang naglalakad sya ay may tumawag sakanya. Agad sya nitong nilapitan.

"Uy Bakla, kamusta ka? Tboom ka padin?" sabi ng baklang kaharap nya.

"Francis?!"

"Wala nang iba!" sabay pose na akala mo'y model. Si Francis ang bestfriend ni Karylle noong nasa highschool palang sila. Sila ang laging magkasama kaya napagkakamalang magjowa ang dalawa.

"Ano nang ganap mo sa buhay?" tanong ni Francis.

"Eto, naghahanap ng raket." -Karylle

"Ay tamang tama!.. Nakikita mo yang carwash sa tapat?" turo ni Francis sa carwash. "Sa jowa ko yan!... Pwede kang rumaket dyan!"

"Ay talaga?!.. Naku salamat Francis!" -Karylle

Niyakap ni Karylle ang baklang kaibigan ng mahigpit para magpasalamat.

"Ooppss, tama na ang yakap... Naga-ground ako girl!" pabaklang awat ni Francis.

Agad ding nagsimula si Karylle sa pagtatrabaho sa carwash. Tamang tama dahil may bagong dating na kotse para magpahugas. May bumabang lalake mula rito. Tama lang ang tangkad, moreno, at gwapo.

"Carwash Sir?" alok ni Karylle.

"Hindi kakain lang ako." pilosopong sagot ng lalaki.

Napasimangot naman si Karylle sa sagot nito.

"Just kidding!... Oo, magpapacarwash ako.. I'll be back in a minute.. May pupuntahan lang akong shop sa tapat.." paalam ng lalaki.

"Okay sir..." -Karylle

"Christian... But you can call me Ian." nakangiting sambit ng binata.

Pagkaalis ng lalake ay agad nang inumpisahang linisin ni Karylle ang sasakyan.

Saktong kakatapos lang maglinis ni Karylle nang bumalik ang binata.

"Okay na Sir!" -Karylle

"Nice, I like it... Mas malinis ka gumawa kesa sa mga ibang nagtatrabaho dito.. From now on, ikaw na hahanapin ko dito ha." -Ian

"Okay po Sir Ian.. Salamat po!" -Karylle

"Oo nga pala, hindi bagay ang cute girl na katulad mo dito." dagdag pa ni Ian bago sumakay ng sasakyan.

Natuwa naman si Karylle sa sinabi nito dahil for the first time hindi lalaki ang tingin sakanya nito.

Binigyan pa sya ng isang libong tip ng binata bago ito umalis.

"Naks! Tiba tiba ako sa poging yun ha." bulong ni Karylle.

.

.

.

"Sher Baysh!... Shino nga pala yung lalaking kashama nyo noong nakaraang araw?" usisa ni Ryan.

"Si Kaloy?" -Vice

"Oo yun nga.." -Ryan

Napaisip naman si Vice kung nasaan na nga ang boyfriend kuno nya. Ilang araw na kase silang hindi nagkikita.

"I don't know.. Bakit?" tipid na sagot ni Vice.

"Wala lang sher... cute nya eh." -Ryan

"Hoy ikaw Ryan, tama na yang pagtatanong mo.. Maglinis ka na ng kusina." saway naman ni Tatang Kim.

Agad namang sumunod si Ryan kaya naiwan sila Vice at Tatang Kim sa counter ng resto.

"Vice, mukhang kailangan na natin ng isa pang trabahador.. Dumadami na ang costumer natin araw araw." paalala ni Tatang Kim.

My Pretty BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon