Huli si Kaloy.

5.7K 231 24
                                    

Vice's POV

Papunta ako sa bahay nila Karylle para kausapin sana sya ngunit may napansin akong sasakyan sa tapat ng bahay nila. Parang pamilyar yung piano na nakasampa sa sasakyan. Tama! Yan yung napansin kong piano sa bahay kaninang umaga. Kaya pala.

Maya maya pa ay nakita kong lumabas mula sa pinto sila Kuya at Karylle. Nagtatawanan pa ang dalawa. Naunahan na yata ako ni Kuya. Nakaramdam ako ng lungkot. Pero bigla akong kinabahan sa naisip ko. No, this can't be. Kung tama man ang nasa isip ko. Hindi pwedeng gawin ni Kuya ito kay Karylle.

Sinulyapan ko ang bulaklak na nasa katabing upuan ko tsaka pailing na pinaandar ang kotse.

= = = =

General POV

Kakarating lang ni Ian galing sa bahay nila Karylle. Nakangiti itong humahakbang sa garden patungo sa pintuan ng bahay nila habang pabulong na kumakanta.

"Mukhang masaya ka ngayon, Bro."

Napahinto si Ian ng marinig ito. Napalingon sya sa kubo na nasa garden nila. Then he saw Vice. May hawak itong kupita ng alak habang nakapamulsang nakatayo pintuan ng kubo.

"Bro, bakit gising ka pa?" tanong ni Ian.

"Kasi hindi pa ako tulog." pabalang na sagot ni Vice sabag inom ng alak sa kopita. "Ikaw? Saan ka ba galing?"

"Uhmm.. Galing ako kila Karylle... Pumayag na syang ligawan ko sya." seryosong sagot ni Ian. Napasmirk naman si Vice.

"Bakit?" nakangising tanong ni Vice.

"Anong bakit?" -Ian

"Bakit mo sya liligawan?.. Alam mo namang gusto ko sya." -Vice

Naglakad na si Vice papalapit kay Ian.

"Because I like her too." tipid na sagot ni Ian. Muling napangisi si Vice.

"Ganyan ka naman eh.. Lahat nalang ng gusto ko, gusto mo rin." may panunumbat na sambit ni Vice.

"Hindi sa ganun Bro... Nagkataon lang na pareho talaga tayo ng taste pagdating sa mga girls." mayabang na sambit ni Ian.

"Karylle is not just a girl, Kuya.. Kung trip mo lang sya, please... Wag mo nang ituloy yang panliligaw mo." -Vice

"Bakit? Natatakot ka?.. Kasi alam mo, na may pag-asa ako kay Karylle?" -Ian

"Paano si Liz?" wala sa loob na tanong ni Vice. Bigla namang natahimik si Ian at umiwas ng tingin kay Vice.

"Wala na kami.. Iniwan na nya ako." halos pabulong na sambit ni Ian.

"Kuya.. Hindi ka nya iniwan.. Nagmigrate lang sya sa states para sa kumpanya nila doon." -Vice

"Wala kang alam, Vice." sambit ni Ian.

"Kuya.. Alam kong mahal mo padin si Liz.. Wag mo namang gawing rebound si Karylle.. Babalik si Liz dahil mahal ka nya." sambit ni Vice. Napatitig ng masama naman si Ian sakanya.

"Hindi na babalik si Liz... Kasi ikakasal na sya sa anak ng business partner ng tatay nya... Kaya sa ayaw at sa gusto mo, liligawan ko si Karylle." -Ian

Dirediretsong pumasok si Ian sa loob ng bahay nila. Naiwan naman si Vice na napahilamos nalang sa mukha nya dahil sa inis.

.

.

.

Kinabukasan ay wala sa mood na dumating si Vice sa bahay nila Karylle. Tahimik lang itong nakaupo sa sofa habang nakatingin sa pagkukulay ni KC sa coloring book.

My Pretty BoyfriendWhere stories live. Discover now